XXIX

133K 2.2K 25
                                    

XXIX


*HARRA

"Ano kayang magiging reaksyon ni Neien kapag nalaman niya 'to? He's really scary when he's mad. Really scary and really mad. Especially when someone dear to him lied. I'll tell him for you. Don't worry." Nakangising sabi ni Leslien saka tinahak ang daan papunta sa elevator. Namutla naman ako bigla at nilamig dahil wala sa usapan namin na sasayaw pa ako ulit sa kahit kanino habang magkasama kami. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa takot. Naiiyak ako. Agad akong nagtungo sa elevator at sumakay doon.

Pagdating ko sa opisina ni Neien ay nandun sina Leslien pero hindi na niya kasama yung lalaki kanina. Nang makita niya ako ay ngumisi siya. Lalo naman akong kinabahan.

"My lady, may nakalimutan ka?" tanong ni Hance nang makita niya ako.

"S-si Neien?" nauutal kong tanong.

"Umuwi na. Nagsusuka. Pinilit kasing inumin yung carrots shake. Kanina pa masama pakiramdam nun eh. Umuwi ka na. Alagaan mo muna siya." Sagot ni Darin. Tumango ako at nginitian siya. Lalo namang napangsisi si Leslien.

"Maybe next time." Bulong niya nang dumaan siya sa harap ko. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano at nagpaalam na sa kanila saka umuwi. Nang makarating ako sa mansion ay nagtungo ako agad sa kwarto kung saan naabutan kong nagsusuka si Neien sa banyo. Nilapitan ko agad siya.

"Neien, ayos ka lang ba?" tanong ko habang hinahagod ang likod niya.

"Do I look okay to you?" asik niya kaya napayuko naman ako. Naghilamos siya at lumapit sa 'kin saka hinapit ako papalapit sa kanya.

"Sorry, it's a bad morning for me." Bulong niya sa 'kin.

"Tara na sa labas, doon ka na magpahinga sa kama." Sagot ko naman sa kanya.

"Yeah. Sure." Sabi niya saka inakay ako palabas. Nang makarating kami sa kama niya ay tinulungan ko siyang hubarin ang amerikana niya at sapatos. Hinila niya ako pahiga sa tabi niya at mahigpit na niyakap nang maalala ko yung narinig ko. Hindi ko na lang namalayan na nasikmuraan ko na pala siya.

"Oh my! Neien, sorry!" Tarantang alo ko sa kanya.

"Ouch! What was that for?" namimilipit niyang tanong . Tumayo ako at kumuha ng bagong damit.

"Amoy babae ka. Magbihis ka ng ibang damit." Sabi ko saka marahas na hinuhubad sa kanya yung polo shirt niya.

"Punitin mo na lang kaya? Gigil na gigil ka eh." Nakangising suhestyon niya. Pinandilatan ko naman siya, nang mahubad na ang damit niya at isinuot ko na sa kanya ang t-shirt na kinuha ko. Pinahiga ko siya ulit. Sasabihin ko ba sa kanya? Paano kung magalit siya? Kesa naman sa makating yun niya malaman. Pero paano? Baka sugurin niya bigla yung lalaki.

"What's the problem?" tanong niya. Napitlag naman ako.

"W-Wala. U-uhm, may gusto ka ba?" Pag-iiba ko ng usapan.

"I'm sick. Take care of me. Don't... go." Mahina ang pagkakasabi niya sa huli niyang sinabi. Napangiti naman ako at muling nahiga sa tabi niya.

"Sige na, magpahinga ka na. Hindi ka naman nakatulog kagabi. Nakita kita kagabi na busy sa pagbabasa. Magpahinga ka na." Sabi ko kanya saka inihilig siya sa dibdib ko. Sumiksik naman siya sa 'kin. Maya-maya pa ay nakatulog na siya. Tumawag muna ako sa ospital, kay Nurse Lilin para sabihin na hindi muna ako makakadalaw ngayon. Dahil buong araw namang tulog si Neien ay naglinis lang ako ng kwarto at pinagluto siya ng mushroom soup. Panay rin ang bantay ko sa telepono dahil baka tumawag si Leslien. Nakatulugan ko na lang ang pagbabantay kay Neien at nagising na lang ako na magkatabi na kami sa kama.

"Hi." Bati ko sa kanya. Tipid siyang ngumiti at lalo akong nilapit sa kanya.

"I over slept, don't I?" tanong niya saka sumiksik sa leeg ko.

"Mas maganda nga yun dahil nakapagpahinga ka. May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong ko.

"I told you I'll take you on dinner but I over slept so... I'll make it up to you later." Ngumiti siya at hinagkan ako sa noo. Napangiti naman ako. Neien's sweet gestures. Sana lagi siyang ganito. Tumango naman ako at sumiksik din sa kanya. Maya-maya pa ay nagpasya na kaming kumilos.

"Maligo ka na at aayusin ko na ang isusuot mo." Sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang higaan namin. Nakatayo lang siya at pinagmamasdan ako. Lumapit siya sa 'kin at hinapit ako sa bewang.

"Shower with me." Bulong niya sa 'kin saka inakay ako sa banyo bago pa man ako makapagsalita. Naligo lang kami. PRAMIS! Naligo lang talaga, nagbabad lang sa bath tub habang minamasahe niya ang likod ko. Matapos naming maligo at makapag-ayos ay hinatid niya pa ako sa ospital at sinabing dadaanan na lang ako mamayang dinner. Kahit kaninang kumakain kami ay nakangiti siya at mukhang good mood kaya sana walang sumira ng mood niya dahil bihira lang siyang ngumiti ng ganun kasaya at nakakahawa.


---

Ito naaa~

The next chapter will be voilent!

Thunder Neien Geryon's Anger.

Thank you for reading and enjoy!

Keep voting and please do leave comment it is highly appreciate. :D



The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon