"Sige patuloyin mo siya dito." Nakangiti nitong aniya. Agad naman itong tumalima at hindi nagtagal ay bumalik itong kasama ni Mr Cruz.

"Magandang araw po Miss Villanueva." Magalang na bati ng bagong dating sa kanya.

"Magandang araw din sa'yo Mr Cruz, please have a seat." Sabay turo nito ng upoang nasa harap ng mesang kinauupoan niya.

"Bakit niyo po ako ipinatawag, ano po ang ipag-uutos niyo?" Tanong ni Mr Cruz kay Ashley.

"Here, nandyan sa loob ng envelope na yan ang lahat ng backround ni Daddy at Mommy maging ang ate ko. Gusto kung malaman kung ano ang tunay na dahilan kung bakit pinaslang ang parents ko at kung ano ang tunay na dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko." Paliwanag niya sa kaharap na agent.

"I'm sorry Miss Villanueva kung hindi ko nabanggit ito sa inyo. After ng nangyari sa kapatid niyo ay siya ring pag-alis ng secretary nito. Sa tingin ko, may alam ito sa nangyari sa kapatid mo." Ani Mr Cruz kay Ashley. "At isa pang bagay Miss Villanueva, bago nagpakamatay ang kapatid mo ay huling tao na namataang nakausap nito ay ang one of the Cristoval brothers." Sigunda pa ni Mr Cruz.

"Are you sure for that Mr Cruz?" Paniniguro ni Ashley sa sinabi ng lalaki.

"Oo. Miss Villanueva, nangalap na ako ng paunang impormation tungkol sa nangyari sa kapatid mo. Dahil alam kung darating ang oras na papaimbistigahan niyo ito." Saad nito sa dalaga.

"Thanks Mr Cruz, I'm hoping na sa lalong madaling panahon ay mabigyan ng kasagutan ang mga katanungan ko sa isip." Anang dalaga sa agent.

Matapus ang pag-uusap ng dalawa ay napaisip ng malalim si Ashley. Kung bakit unti-unting nabibigyan linaw sa kanya ang lahat, ngunit bakit iisang pamilya ang sangkot. Anong kuneksyon ng pamilya Cristoval sa pamilya niya. Maging ang Del Rio ay may galit sa Cristoval hinggil sa pagkamatay ng kanyang magulang. Sa ganun siyang pag-iisip ng dumating ang yaya nito habang nakatitig siya sa isang trayanggulong portrait.

"Hija, Ashley." Tawag ng yaya nito sa kanya. "N-nana, kayo po pala." Anito sa matanda bahagyang nagulat.

"Nana, may alam po ba kayong dahilan kung bakit pinaslang sina Mommy at Daddy?" Agad nitong tanong sa matanda. Ang matanda naman ay napatda, marahil ito na nga ba ang kinatatakutan niya ang magtanong si Ashley tungkol sa magulang niya. Kabilin bilinan ng mag-asawa bago pa man ang mga ito sumakabilang buhay na wag na wag magsasalita ang matanda sa nalalaman nito tungkol sa tunay na pagkatao ni Ashley.

"Nana, bakit po kayo natahimik. Ang layo po atah ng iniisip niyo?" Untag ni Ashley sa matanda.

"Ah! Wala hija, naalala ko lang ang iyong Ama't Ina." Anang matanda sabay hinga nito ng malalim.

BUONG maghapon na hindi umuwi si Vince sa Condo niya kung saan niya iniuwi si Jelouh. At dahil maggagabi na ay nagmamadaling gumawa ng dinner para sa asawa si Jelouh. Ngunit lumamig na ang hinada nitong pagkain ay wala parin Vince na dumating. Ngunit naghintay parin ito hanggang sa bumukas ang pinto.

"Vince?"

"Oh! bakit?" Nakakunot noo nitong tanong sa asawa kuno.

"Saan ka galing? Gabing-gabi na at naghanda ako ng dinner pero lumamig lang kasi kanina ka pa hindi dumarating." Ani Jelouh kay Vince.

"Bakit sinabi ko bang hintayin mo ako at sinabi ko bang magluto ka ng dinner dahil darating ako? Wala atah! akong sinabing ganun." Ani Vince dito.

"Vince naman asawa mo na ako, pero bakit ganyan ka at bakit nagpapasok ka parin ng babae dito sa bahay kahit nandito ako? At dapat maaga kana rin umuuwi dahil may asawa kanang naghihintay dito sa bahay." Mangiyak iyak na ani Jelouh na kinainit ng tainga ni Vince.

"What did you say. Asawa? Ah! right asawa na nga pala kita." Patuyang sabi ni Vince kay Jelouh. "But, you know what? If I'm not mistaken, this is what you want right, so welcome to my life. Kaya wag kang magtanong o magreklamo dahil ginusto mo ito. At wala kang pakialam kahit gabi-gabi ay may ibang babae akong kasama dahil this is me. Ito ako, ito ang buhay mayron ako at dito ako masaya. At hindi naman kita pinilit pumasok sa buhay ko. Pinili mo ito, kaya magtiis ka kung kaya mong magtiis. Kung hindi the door is open. Dahil hindi ko naman sinabing pumasok ka sa buhay ko. Ikaw ang kusang pumasok, kaya ikaw rin ang kusang umalis kung hindi muna kaya." Ani Vince kay Jelouh.

"Ah! one more thing, kahit kailan ay hinding hindi ako magkakainterest sa'yo. Dahil I love someone else and she's my life. Kahit ilang beses pa tayo magpakasal at pumirma ng marriage contract ay siya parin ang laman nito." Sabay turo nito ng kanyang puso at tinalikuran si Jelouh na natahimik. Agad na tinungo ni Vince ang kwarto niya at pabalibag niya itong sinara. Naiwan namang natigalgal si Jelouh sa labas at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan nito.

Ng mahimas masan si Jelouh ay agad itong nagtungo sa kanyang silid. "May araw ka rin sa'kin Vince, once na napasakamay namin ang ilan sa mga ari-arian niyo ay tingnan lang natin kung hindi ka magmamakaawa sa harapan ko." Kumpyansang bulong ni Jelouh sabay ngiti nito ng nakakaluko.

HABANG nakaupo ang matandang Del Rio sa loob ng library ay malayo ang iniisip nito kaya hindi nito namalayan ang pagpasok ng kanyang asawa.

"Ang layo atah! ng iniisip mo Victor." Anang asawa nitong si Emilda kaya napatingin agad ito sa asawa.

"Ikaw pala?" Nakangiti nitong aniya sa asawa. "Iniisip ko lang kung saan ba tinago ni Arthur ang mapa bago ito napaslang ng mga naghahanap nito." Anang ginoo sa asawa.

"Di ba may kasamang golden key ang mapa?" Tanong ni Emilda sa asawa.

"Oo. Ngunit yun ang hindi ko alam kung saan niya tinago." Ani Victor kay Emilda. "Natatakot ako sa maari nilang gawin sa natitirang tagapagmana ng mga Villanueva." Anang ginoo sabay hinga ng malalim.

Agad naman ginagap ng asawa nito ang kamay ng ginoo. "Mabibigyan din ng kasagutan ang lahat at magbabayad din ang dapat managot." Anito sa ginoo.

TBC.

The Mistress Revenge(Completed)Where stories live. Discover now