Hanggang sa naglakas loob ako na liligawan ko si Mira. Nabigla pa nga siya eh. Ang cute niya pag gano'n siya. Natural na natural. Siya kasi ang nagturo sa akin na kapag nagmahal sigurado masasaktan ka. Siya rin ang nagturo sa akin ng bagay na akala ko di ko na magagawa..

Ang magpatawad at magmahal muli.

Nakakatawa lang, kung kelan nagustuhan ko siya ay doon naman ako na reject. Mahal pala nito ang boss namin, si Michael.

Present...

Napamulat ako ng mata. Hindi ko alam na may luha na palang tumakas sa aking mga mata.

Dammit!

Agad kong pinunasan iyon saka huminga ng malalim habang nanatiling nakaupo. Sinandal ko ang aking ulo saka matagal na nag-isip.

Ikakasal na siya.

Masaya na siya sa piling ni Michael kaya masaya na rin ako para sa kanya. Pang-ilang heartache na yun ah! Strike 3? Siguro kung nagkataon tatawanan ako ng mga nakakakilala sa akin..paano puro ako iniiwan.

I missed Mira. Yeah, I missed her. She's very special to me. Hindi ko alam kung kaya kong pumunta sa kasal niya. Para na akong nagpapakamatay kapag pumunta ako doon, di ba?

Siguro tatandang binata na ako. Kung hindi naman, baka natraffic lang siya. Sa ngayon, ayoko munang maghintay at umasa. Kung darating edi darating. Hindi ko naman siya kailangan salubungin para magkita kami.

Pumikit ulit ako habang nagmuni muni ay biglang nagflash si Rea sa utak ko. Napamulat ako ng mata.

Ano yon? Pati ba naman sa pag-iisip ko sumisingit si Rea? Tindi ng epidemya niya ha.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.

From: Engot

Hi keroppi! Pasalubong ko ah! I want chocolate ice cream, hawaiian pizza, and choco sundae! Thankx, BTW, Gwapo mo! Hihi..

Ps: Libre masahe ka pag binili mo ako nyahahahaha :)

Natawa ako bigla sa text niya. Para talagang bata. Nakangiti pa rin ako ng mapaharap sa screen ng cellphone ko at nakita kong nakangiti ako bigla tuloy akong napasimangot.

Minsan talaga nakakahawa ang pagkabaliw ni Rea.

-----
Rea's POV

"So, 'yun ang nangyari sa lovelife ni Drake." Sabi ni Keith. Bigla akong natahimik habang nakikinig sa kanya.

"Oy, ba't umiiyak ka?" Gulat na tanong ni Eula. Nagulat din ako kasi hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Agad kong pinunasan iyon gamit ang aking kamay.

"Kasi naman parang MMK ang buhay ng palakang 'yon. Tapos ang haba ah. Kala ko di na matatapos at aabutin tayo ng pasko." Paliwanag ko. Makahulugang titig naman ang binigay sa akin ni Keith.

Hindi ako makapaniwala na ganoon pala ang nangyari sa kanya. Kaya pala ubod siya ng sungit. Hindi lang sa love life pati na rin sa family, although mahal siya ng pamilya niya ay kulang pa rin dahil hindi siya buo.

"Kaya pala..KSP siya." Sambit ko.

"KSP?" ani Eula habang nilalantakan ang cake ni Keith. Akin dapat yun eh. Kulang ang isang slice sa akin tapos aagawan pa ako nitong bruhang to.

"Kulang sa Pagmamahal." Sagot ko.

Bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang feeling ko pero ngayon naiintindihan ko na siya. Para tuloy gusto ko siyang tulungan makabangon at mapasaya ulit.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now