"Let's go." Malamig na sabi ni Neien saka nagsimulang maglakad. Hinabol ko naman siya at hinawakan sa kamay. Huminto ako kaya huminto rin siya.

"Ang seloso mo. Lalo kang nagiging hot  sa paningin ko." Tudyo ko sa kanya. Nilingon niya ako at pinandilatan. Natatawa kong hinila ang jacket niya pababa para magpantay kami ng mukha saka hinalikan siya sa labi ng mabilis. Sandali siyang natigilan at napatitig sa 'kin. Nahihiya ko siyang nginitian.

"Tara na nga. H'wag ka ng titingin kay Mr. Jang kung ayaw mong mawalan siya ng trabaho." Banta niya sa 'kin. Napasimangot naman ako. Heto na naman siya sa mga banta niya.

"Damot." Nakalabing sabi ko.

"Umuwi na tayo." Naiinis na sabi niya. Pinandilatan ko naman siya.

"Sige. Subukan mo! Sa kabilang kwarto ako matutulog mamayang gabi." Banta ko pabalik sa kanya. Agad na nagsalubong ang kilay niya.

"You can't do that." Tugon niya sa 'kin.

"Try me." Nakangisi kong sabi sa kanya. Napabuntong hinga naman siya at hinawakan ako sa kamay saka nagsimulang maglakad papunta sa cable car na naghihintay sa 'min paakyat ng Namsan tower. Naroon na rin si Mr. Jang na pormal ang mukha pero may nanunudyong maliit na ngisi sa labi. Ang gwapo talaga ng chauffeur na 'to!

"Quit staring." Sabi ni Neien sa 'kin saka pinapasok ako sa loob ng cable car. Nang makasakay kaming lahat ay nagsimula na itong umandar pataas. Ang laman ng cable car ay kaming tatlo. Nakaka-star struck si Mr. Jang. Parang bagay siyang artista kesa drayber. Nakatanaw si Mr. Jang sa magandang tanawin ng Seoul mula rito sa cable car.

Napakagandang tanawin. Kitang-kita ang overlooking ng Seoul. Mas maganda siguro kapag gabi. Sa vacation house ni Neien na hindi ko masabing bahay bakasyunan dahil mas mukha itong pent house, kitang-kita naman ang diamond bridge na nagniningning tuwing gabi.

"Neien, may asawa na ba si Mr. Jang o di kaya girlfriend?" Tanong ko kay Neien. Marahas siyang napatingin at akmang susugurin na ang walang kamalay-malay na si Mr. Jang. Pero pinigilan ko agad siya. "Tinatanong ko lang dahil baka pwedeng i-reto kay Loxe, naku! Tiyak na matutuwa 'yon." Kinikilig kong bulong kay Neien. Matalim ang mga sulyap na iginawad niya sa 'kin kaya niyakap ko siya sa bewang.

"Bakit kinikilig ka?" Naiinis na tanong niya.

"Ano ba?! Babae lang ako. Marupok pagdating sa katulad niya." Natatawa kong sabi. Lalong nagdilim ang mukha ni Neien kaya natawa agad ako.

"Stop laughing." Seryosong sabi niya pero hindi ko mapigilan ang tawa ko. "Stop laughing or I'll fvck you here." Seryosong sabi pa rin niya kaya agad akong napatigil at agad na pinamulahan ng mukha. Mabuti na lang at tumigil na ang cable car dahil nakarating na pala kami sa tuktok. Agad na lumabas si Mr. Jang na sinundan ni Neien. Sumunod naman ako sa kanila.

Naupo muna ako sandali para pagmasdan ang ganda ng lugar. Bumili muna ng makakain sina Neien dahil nagugutom na ako.

"It's so peaceful here." Mahinang sambit ko habang dinadama ang malamig na hangin.

"You're right. It's very relaxing." Sabi ng katabi ko na hindi ko namalayang may katabi na pala ako. Nakasandal siya sa bench at naka-shades kaya hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya pero gwapo din siya at gwapo saka gwapo pa rin. Muli akong napatingin sa tanawing tila senaryo sa painting.

"It's mesmerizing. I wonder how it looks at night." Mahina kong sabi.

"Very beautiful. The city looks like a forest of fireflies. City lights are twinkling like stars and city seems to be a small galaxy. Are you a tourist?" Tanong niya.

"Yeah. I'm from Philippines, with my... uhmm..." Hindi ko alam kung paano ko ia-address si Neien sa ibang tao. Kung paano ko siya papangalanan. Kung master ba, dominant, o sasabihin ko na lang na baby maker niya ako.

"With your boyfriend?" Nakangiting tanong niya. Ramdam ko ang pamumula ko, hindi na lang ako sumagot. "There's nothing to be shy of. Aren't you happy? You're with him in this special place? Having someone really special is a very amazing feeling." Sabi pa niya.

"You're right." Sa hindi ko malamang dahilan ay napangiti ako.

"Why don't you try the love lock trees? Snow hasn't fallen yet. You'll be lucky if it falls exactly when you lock it together." Sabi niya.

"Why?" Tanong ko.

"It's a good luck for the two of you. It means the promise you kept with each other today will last for eternity. No one can take you apart from each other, not even yourselves." Nakangiti niyang sabi saka tumayo na.

"U-Uhmn... What's your name?" Tanong ko ulit.

"T-A-O. I'm Tao." Sagot niya saka naglakad palayo. Sinundan ko na lang siya ng tingin ng may ngiti sa labi. I want to try the love lock trees.

"Who's that?" Napatingin ako kay Neien na may hawak na potato skewer at hot chocolate. Nginitian ko siya at pinaupo sa tabi ko.

"Wala. May ni-rekomenda lang siya na pwede nating puntahan." Sagot ko sa kanya.Kinuha ko ang pag-kain na dala niya at kinain na agad. Matapos naming kumain ay nagtungo na kami sa Namsan tower. At doon ay inikot ang buong tower. Marami kaming pinuntahan. Halos mag-gagabi na nang magyaya si Neien na umuwi. Halatang pagod siya pero maaliwalas ang mukha niya. Pagdating namin doon ay may mga taong naghihintay sa labas ng pinto ni Neien.

"What are you doing here?" Salubong ang kilay na tanong niya sa kanila. Nginisihan lang siya ng mga ito.

"You can't just disappear like that. You can't run away with her." Sabi pa niya. Agad naman akong kinabahan sa klase ng tingin niya.

---
Ito na guyseu~ Sorry kung slow update ngayon.
Back to school na kasi ako... T__T
Kapit lang ng kaunti pa... malapit na.
Sino naman kaya yung dumating?
Enjoy reading and keep voting.
Please do leave a comment it is highly appreciated.

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن