Chapter 12 His Family

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung sa labas ay napakaganda na ay doble ang ganda sa loob. Nakakamangha. Mukhang galing pa sa ibang bansa ng biniling gamit. Ang mga muwebles nila ay kakaiba. Parang pinasadya talaga. May mga malaking painting na parang larawan ng family nila. Simula sa lolo at lola hanggang sa mga anak.

May grand staircase na paakyat sa itaas. Para tuloy gusto kong mag debut at bababa dito sa mahabang hagdan. May red carpet sa sahig kaya lumulubog ang aking paa ng makarating kami sa sala.

"Grabe..kayo na ang mayaman." Bulong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. May sumalubong sa amin na tatlong katao. Mukhang family member din sila.

"Kuya!" Salubong ng babaeng mestisa. Hawig siya kina Justine. Ang pagkakaiba nga lang ay mestisa ito. Nakakapagtaka na si Drake lang ang walang kamukha sa kanila.

Ampon kaya si Drake? Kaya ba iba ang apelyidong ginagamit niya?

Yumakap siya sa kay Drake saka hinalikan sa pisngi. Ginulo naman ni Drake ang buhok nito saka ngumiti sa kapatid. Ang ganda talaga niya. May dimples pa ito sa pisngi kaya lalo akong nagandahan. Katulad siya ni Wayne na may dimples. Pangarap ko din magka dimples noon pa. Yun nga lang hindi pinagpala.

Natanaw ko ang papalapit na lalaking may katandaan na at nakayakap sa braso niya ang magandang babae. Hula ko mga magulang nila ito. Kahit na may edad na ang lalaki ay matikas pa rin ito. Mukha ngang macho ito dahil bakat ang polo shirt na suot niya.

Ang babae naman ay nakataas ang kilay na parang kontra bida sa pelikula. Ang ganda nito at ang kinis ng kutis.

"Pa..This is Rea..my girlfriend." Pakilala niya. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mukha ng papa niya. Para akong nakonsensya bigla. Mukha silang mabait para lokohin lang. Diretso ang tingin niya sa akin habang pinapakilala ako ni Drake.

"Finally, we meet." Nakangiti niyang saad sa akin.

"Hello po! Nice to meet you po!" Masiglang sabi ko saka lumapit sa kanila. Nagmano ako sa papa niya. Nang lumapit ako sa mama niya para magmano ay napangiwi siya at umiwas ng kaunti. Kaya ngumiti na lang ako.

"You're very pretty." Komento ng papa niya na nagpangiti sa akin.

"Kayo din naman po, e. Ang gwapo niyo. May asim pa." Humalakhak siya bigla. Nakita ko naman ang paglukot ng mukha ng asawa niya. Gusto ko ngang plantsahin ang mukha niya para matanggal ang gusot.

Narinig ko rin ang pagtawa ng nasa likuran namin. Nang lumingon ako ay si Wayne at Keith pala. Si Harry ay nasa sulok at may kausap sa phone. Si Jess ay ang lawak ng ngiti sa amin. Si Drake ay seryoso pa rin ang mukha na parang kinakabahan.

"Wanna eat? I'm sure you're starving." Alok ng papa niya.

Kumamot ako ng ulo. Nakapamulsa siya sa boardwalk shorts niya. Ang mama naman ni Drake ay panay ang taas ng kilay sa akin. "Naku tamang tama po. Gutom na gutom na ako. Si Drake kasi hindi ako pinakain kanina." Narinig ko ang pagsipol ni Wayne sa gilid. Natawa naman ang papa niya sa akin. Si Jess naman ay napangisi.

"You're very rude, bro. How can you resist this pretty woman? Kung ako baka sinusubuan ko pa siya." Umirap lang si Drake sa sinabi ni Wayne.

Magkapatid ba talaga sila? Opposite kasi masyado. Nakarating na kami ng kusina ay panay ang tukso ni Wayne at Keith kay Drake. Ako naman ay nakanganga lang hanggang makarating sa kusina.

Ang haba ng mesa nila. Parang kasya ang bente katao. Parang mesa sa malakanyang sa sobrang haba.

"Ang haba ng mesa..may okasyon po ba?" Tanong ko sa Papa nila. Ngumiti ito sa akin. Tumikhim naman si Drake sa aking tabi.

Hinila niya ang isang silya para paupuin ako. "Gentleman na si Drakey." Tukso na naman ni Keith. Napanguso ako sa kanya. Sinulyapan ko ang mga nandoon. Nakatingin lang sila sa amin. Sina Candice at Justine ay panay ang sulyap sa amin.

The Best Pretending RoleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon