"I suggest, don't involve yourselves in ORLAN. Avoid anything that has to do with them. Save this company from destruction." Pahayag ko na ikinatango lang nilang apat maliban kay Leslien na hindi pa rin makapaniwala.

"Konti pa, baka pag-isipan kong kaibiganin ka." Nakangising sabi ni George habang nakatuon na ang mga mata sa papeles.

"Then we're done. Cancel the operation. Dismiss ORLAN. Get out and D, please bring us food." Sabi ni Neien at nagtayuan naman silang lahat maliban sa 'min ni Neien.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong ko sa kanya nang makaalis na silang lahat. Pinatayo niya ako at dinala sa harap ng isang malaking portrait. Nakatakip ang kalahating mukha ng babae ng kumot pero halatang nakangiti ito.

"She's very beautiful, isn't she?" Ramdam ko ang pagngiti niya kaya napatango naman ako dahil maganda naman talaga siya.Maya-maya pa ay nagbukas ito na parang pinto. Napaatras ako sa gulat, hinila naman ako papasok doon ni Neien. Pagpasok namin ay bumungad sa akin madilim na pasilyo hanggang sa tumigil kami sa isa ang pinto. Nang buksan niya 'yon ay pumasok kami sa loob at napakapit ako sa kanya dahil wala akong makita.

"Dim Light." Sabi niya at nagliwanag naman ang kwarto. May kama doon at sofa bed. Parang maliit na version ng kwarto ni Neien sa mansion niya. Nakakamangha ang reaksyon ng kwartong ito sa liwanag. Nagmumukhang ginto ang mga kagamitan.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya. Hinila niya ako paupo sa sofa bed at inihilig ang ulo niya sa hita ko.

"Welcome to my lair." Nakangisi niyang sabi. Kahit medyo madilim ay comforting naman ang pakiramdam. Nakakarelax at napakatahimik. Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang katahimikan at peace of mind na bihira ko ng maranasan.

"Leslien is really upset." Sabi niya habang pinaglalaruan niya ang dulo ng buhok ko. Napamulat naman ako.

"I know and I want to annoy her more. Maybe we can invite your friends for dinner tomorrow sa mansion mo?" tanong ko sa kanya.

"Convince me." Nakangisi niyang sabi. Ngitian ko siya at pinagapang ang kamay ko sa loob ng suot niyang polo saka hinaplos ang matipuno niyang dibdib. Binuksan ko ang unang tatlong butones ng damit niya saka ibinaba ang mukha ko sa leeg niya. Doon ay minarkahan ko siya. Napamura siya sa ginawa ko kaya agad akong lumayo.

"Nakumbinse na ba kita." Inosente kong tanong sa kanya. Lalong lumawak ang ngisi niya.

"Sure." Sagot niya. Tumunog ang intercom, tanda na dumating na ang pagkain. Tumayo naman ako agad at sumunod na lang si Neien.

"Mamaya ka sa 'kin." Bulong niya sa 'kin saka pinisil ang pang-upo ko. Pinandilatan ko naman siya at tinawanan niya lang ako. Paglabas namin ay sakto namang pagpasok ni Darin sa opisina.

"Enjoy your meal." Sabi niya matapos niyang ilapag ang pagkain sa coffee table at lumabas din.

"Neien, yung totoo. Bakit mo 'ko pinapunta rito?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan ba may dahilan?" bahagya siyang ngumuso saka ako tinalikuran at naupo sa sofa.

"Adik ka ba? Syempre kailangan meron." Sagot ko saka inilabas na ang pagkain mula sa bag. Mukhang masarap. Naagaw agad ng isang bowl ang atensyon ko kaya kinuha ko agad 'yon.

"Akin to!" agaw naman agad ni Neien sa bowl.

"MUSHROOM SOUP! Gusto ko rin niyan!" dabog ko sa kanya. Sumimangot naman siya.

"Sige. Hati tayo." nakanguso niyang sabi. Kinurot ko naman nguso niya kasi nanggigigil ako. Ang cute kasi! Parang bata. Pinandilatan niya naman ako at isa-isang binuksan yung mga pagkain. Nagsimula na kaming kumain at sobrang sarap! Malapit na kaming matapos kaya nagtanong ulit ako kay Neien.

"Neien, bakit mo nga ako pinapunta rito?" tanong ko habang nagsh-share kami sa mushroom soup. Lumayo siya ng kaunti.

"Gusto lang kita makita." Sabi niya saka tumayo at tinalikuran na ako. Naiwan naman akong nakatulala at basa dahil natapon yung mushroom soup sa palda ko. I was stunned. 



*LESLIEN

That bitch! Who does she think she is?! Wala siyang karapatang ipahiya ako sa harap nila. I will make her pay for what she did to me! Hindi pwedeng mapunta sa kanya si Thunder o kahit sino man sa kanila. They are made to be mine. I'm their only lily. How dare her?!


---

Annyeong~

Sorry natagalan yung update! Naging busy lang~

Birthday celebration> Pa-rehistro> ETC.

T_T

Bukas ulit.

#NOVemberOne

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Where stories live. Discover now