Chapter 26

4.5K 140 1
                                    

Riuyu's Pov

Kanina pa ako nakatayo rito sa tuktok ng puno sa taas ng Golden Maze ng kaharian.

Malawak ang kaharian at may mga Enmang nakapaligid at nagmamatyag. Ang labing isang lalaking dumating kagabi ay mukhang may kinalaman kung bakit may mga nakapaligid na diyablo sa paligid.

Kilala ang labing-isang lalaking yun bilang the Eleven Deci Demon. Manipulasyon ang hilig nilang gawin at libangan. Ang kanilang pisikal na anyo ay kasalungat ng kani-kanilang katangian.

Unang myembro, Jeroi. Kilala siya bilang blood shot eye dahil nagiging pula ang kanyang brown na mga mata. Siya ang taga plot ng plano na sigurado ang tagumpay. Kakayahan niya ang mahusay na kalkulasyon sa mga bagay-bagay. Sa makatuwid, siya ang utak at madalas na pinakamahinahon sa kanila sa harap ng panganib.

Pangalawang myembro, Shiro. Lalaking may bughaw na buhok at magaling makisalamuha sa iba. He can easily blend amongst the crowd. Kilala siya bilang shift mind reader. Kakayahan niya ang malaman ang iniisip ng iba. Pinapasok niya at binabago ang isip ng kanyang biktima kung kinakailangan.

Pangatlong myembro, Shiki. Kilala bilang short-tempered cold demon. Kakayahan niya ang panggagaya ng anyo ng iba. Siya ang pinakamarahas sa grupo nila at iniiwasan ng iba na makasalamuha. He was hot inside but very cold outside.

Pang-apat na myembro, Roshan. Kilala siya bilang Demon Angel. May bughaw na mata sa ilalim ng brown nitong kulay. Trabaho niya ang pangunguha ng mga kaluluwa.

Pang-limang myembro, Shoko. Kilala bilang Evil Joker. Isa siyang free spirit na laging nakangiti ngunit sa likod ng kanyang bawat ngiti ay isang malagim na balak.

Pang-anim na myembro, Mori. Kilala bilang the cruel fighter. Pumapatay siya ng walang awa. May itim na buhok at scythe sa mga kamay.

Ang limang myembrong di nabanggit at natitira ay masyadong classified ang impormasyon at kailangan ng ibayong konsentrasyon para malaman ang mga kakayahan nila. Sa madaling sabi, lahat sila ay malalakas.

Napapalakas na ang simoy ng hangin at nagsisimula na akong mabagot.

Ang tagal. I keep tapping my foot in boredom. Nakakatulong din ang hangin dahil magagamit ko ang aking plawta para tumugtog ng himig.

Kung alam lang ni Shen ang naitulong ko sa kanya. Tinutugtog ko ang himig ng sinaunang musika ng plawta.

Ako ang dahilan bakit kumakalma minsan si Corin sa tuwing hindi niya na makontrol ang kapangyarihan at ang kanyang sarili.

Tapos ngayon ay paghihintayin niya lang ako dito ng mga bisita para sa isang kakaibang laro?

Ewan ko ba kung bakit ako ang pinag-aantay dito sa mga isip batang mga hari ng mga kabilang kaharian. Sa totoo lang ay nakakainis na itong tradisyon nila na ginaganap sa tuwing may bagong papalit na hari sa pumanaw na nauna.

Bumababa ako sa tuktok ng puno sa tulong ng ihip ng hangin at inilabas ang aking Yasha. Isang espada ang aking Yasha at sa palagay ko ay naramdaman ito ni Corin nung unang araw ng ginamitan ko siya ng mahika gamit ang virtual image ng mga fragments ko.

Pagkalapag ng aking mga paa ay saka dumating ang pangatlong Hari.

*horse stomps

" Hoooh easy wild beast! " sigaw ng isang lalaki na nagmamani-obra ng isang malaking karwahe at pinipigilan ang halimaw na kabayong humahatak dito.

Maraming pang sumunod na dumating at alam ko na kung sino-sino sila. Limang karwahe na bawat isa ay may lulan na isang pinaglilingkuran, ang kanilang hari.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon