Chapter 3

16.1K 453 35
                                    


Tumigil pagkaraan ng ilang sandali ang pananakit ng aking ulo ng magsimula naman ang pagtugtog ng isang kakaibang himig ng musika na katulad rin ng narinig ko sa may dalampasigan.

Tumayo ako ng dahan-dahan mula sa pagkakaluhod ko at tiningnan ang mga pangyayari sa paligid kung nanaginip nga lang ba ako ng kung ano ngunit dun ako nagkamali.

Nandito parin ang lalaking may pulang buhok. Hindi parin siya nawawala at umaalis sa kanyang kinatatayuan sa kabila ng lahat ng nangyari kanina.

Lumakad siyang muli palapit sa akin ng mapagtanto kong magkalayo naman kami ngayon.

At sa tamang distansya tulad sa kanyang ginawi kanina, maingat siyang lumuhod sa aking harapan habang tinutukod naman ang kanyang isang paa.

Ang kanyang ginagawa ngayon ay katulad ng isang lalaki na hinihingi ang kamay ng kanyang babaeng sinisinta sa isang makalumang panahon.

' Pakiusap kamahalan, ang kamay mo. " wika nito ng mahinahon.

Mataman siyang nakatitig sa akin habang nakatingala, bahagya siyang yumuko sa aking harapan na animo ako'y isang dugong bughaw at siya ang aking tapat na taga-paglingkod.

Ano ba tong panaginip at naguguluhan na talaga ako sa tinatakbo nito.

" Sino ka ba, anong ginagawa mo dito? " tanong ko na diretso ang tingin sa kanyang munting paningin. Gusto kong malaman kung anong nangyayari ngayon.

Alam ko at siguradong may kinalaman siya at ang mga kakaibang bagay na naririnig ko sa paligid kung bakit nangyayari ito ngayon.

Tumingala siya at tumingin saking mga mata na parang nangungulila.

" Ako ay si Shenrin, ang nag-iisang Raika ng Kahariang Khan. Namatay ang aking kamahalan daang libo na ang nakalipas. Nandito ako ngayon sapagkat ikaw ang aking pinili kapalit ng kanyang kamahalan. Isa kang Hari at nandito ako para sunduin ka at dalin sa aming mundo. "

Seryoso niyang pahayag na hindi ko lubos maintindihan alin man doon ang kanyang tunay na ibig sabihin sa kanyang mga salita. Paano magiging isang hari ang isang katulad ko kung isa akong babae.

" Pasensya na hindi ko maintindihan ang gusto mong sabihin. Wala akong alam kahit na katiting sa sinasabi mo. Umalis ka na. " pagtataboy ko rito.

Iniwasan ko siya at kinuha ang aking gamit. Siguro ay makakabuti kung uuwi na ko.

Tinutungo ko na ang pinto ng silid at palabas na sana ako ng harangan niya ang aking daraanan. Malumanay ang kanyang mga mata at tila nagmamaka-awa kung titignan mo.

" Nakikiusap ako sa'yo kamahalan, pakinggan mo ang pagsumpa ko ng katapatan. Inuulit ko, ako ay si Shenrin, ang Raika ng kahariang Khan. Ako ngayon ay nasa harap ng aking kaisa at sumusumpa ng walang katapusang katapatan kalakip ang kanyang buhay. Ngayon kamahalan, pakiusap, tanggapin mo na ang aking mga kamay at tayo ng umalis pauwi sa ating Kaharian. "

Bigla nalang bumilis ang pagtibok ng puso ko sa kanyang mga sinabi. Para siyang nagsagawa ng ritwal ng sumpa na umaanyaya sa aking kaluluwa at ramdam kong wala akong magiging kawala pag dumampi na sa dulo man ng kanyang mga kamay ang aking palad.

Unti-unting nawawala ang pangamba ko ngunit ang ulap ay tila nagngangalit at naramdaman ko ang pagbabagong simoy ng hangin sa apat na sulok ng lugar na ito.

Sa di malamang kadahilanan ay nadama ko ang maitim na enerhiya ng ibon kanina na papalapit ngayon sa aming kinatatayuan. Nagpipigil ng luha na pumikit ako at inisip ang magiging desisyon ko.

Nang marinig kong umingit ang ibon na malapit na sa amin ay doon na tumulo ang luha ko at hinarap si Shenrin.

I have no choice. I want to live and in order to do that, I need his side.

Inabot ko ang kanyang kamay na hanggang ngayon ay nalahad parin sa akin. Natatakot man ako sa maaaring mangyari kapag ginawa ko yun at nakipag-daupan ako sa kanyang palad na ngayon ko lang nakilala at sa isang panaginip pa.

Tumayo na siya at sumilay ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. Bago ko pa malaman kung bakit, hinapit niya na ako sa aking tagiliran kasunod nun ang nakakahalinang amo'y ng kanyang hininga at ang maiingat na pagdampi ng mainit niyang labi sa akin.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon