Chapter 2

19.9K 508 3
                                    

Corin's Pov

Kasalukuyan akong nasa loob ng silid-aralan at payapang pinagmamasdan ang ulap sa labas ng bintana.

Nagtuturo ang aming guro at nakikinig naman ang lahat ng mga estudyante maliban nga lang sa akin.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang huminto ang oras. Dumilim ang kalangitan at nawala ang payapang alipaap.

Napakunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Kinain ako ng kaba ng mapagtantong mag-isa nalang pala ako sa loob ng kwarto.

Kinabahan nalang ako ng umihip ng malakas ang hangin at tuluyan ng naglaho ang lahat ng nasa paligid ko at ang mahiwagang tinig ng lalaking yon sa tabing dagat ay narinig ko tumatawag nanaman sa akin.

" kamahalan... "

Nilibot ko ang aking panigin sa aking likuran kung san nanggaling ang tinig. Nakita ko doon ang pigura na nagpahugot sa aking hininga.

Isang itim at nakakamanghang nilalang na ngayon ko lang nakita, isang Lobo na may pilak na mga mata ang nasilayan ko na di halos masukat ang laki.

Unti-unti itong lumalapit sa akin habang ako naman ay napapaurong.

" kamahalan... " ulit nito.

Lumingon-lingon ako pagkarinig muli sa tinig. Yun nanaman ang pakiramdam kong may tumatawag sa akin.

Nang hindi ko makita ay bumaling nalang ako sa nilalang na nasa harap ko. Wala man lang akong maramdamang takot mula rito.

Tumingin lang ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang anyo. Napansin siguro nito ang pagiging kalmado ko kaya tuluyan na itong lumapit ngunit may distansya parin. Hindi ko namalayan ang pag-angat ng kamay ko ng abot-kamay ko na siya at kusang hinawakan ang kanyang malambot na balahibo.

Sa pagkagulat ay hindi ko na napansin ang mga sumunod na nangyari. Nagbago nalang bigla ang kanyang anyo. Naputol ko nalang ang aking hininga sa bumungad sa aking mapanlinlang na mga mata.

Sa aking harapan ay nakatitig ang isang lalaki na may pulang buhok at itim na mga mata.

Inilahad niya sa akin ang kanyang mga kamay na parang gusto niyang hawakan ko. Tinitigan ko lang siya hanggang sa magsawa ako sa maamo niyang mukha.

" kamahalan, sumama kana sakin... " wika nito na nakatayo ng matuwid sa kanyang kinatatayuan.

Tinitigan ko pa siyang mabuti para makasiguro kung totoo ba siya.

Kung ganun? ang tinig na aking naririnig na tumatawag ay siya pala. Sa mga sinabi niya ay binawi ko ang aking mga kamay at lumayo. Isa itong panaginip.

" Haikyu, malapit na sila. " isa nanamang tinig ngunit kakaiba sa lalaking nasa harap ko ngayon. Kung ganun may kasama siya at di nag-iisa.

Bago pa ko makapagsalita at magtanong ay isang malakas na ingay ang nangyari mula sa isang lugar. May dumaang isang matalas na ihip ng hangin at kasabay nun ang paglitaw ng napakalaking ibon na may nanlilisik na pulang mga mata sa sulok ng aking mga mata.

Bumalik ang daloy ng oras ngunit wala na ang aking mga kaklase at guro sa silid. Sinira ng kahindik-hindik na ibon ang lahat ng salamin ng bintana sa lakas ng pagpagaspas nito.

Napasulyap akong muli sa pula nitong mga mata na nagpasakit sa ulo ko dahilan para matumba ako sa aking kinatatayuan. May kung anong enerhiya ang kumuha sa katawan ko at nagpupumilit lumabas ng hindi ko maintindihan.

Napasabunot ako at napaluhod sa sobrang sakit na dinudulot nito sa aking buong sistema na tila pinipilit hinahati ang pagkatao ko sa dalawa.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon