Akala ko noon isa lang akong normal na babae pero may nagsasabi sa loob ko na kakaiba ako.
Ako si Corin, labing-anim na taong gulang. May mahabang itim na buhok at sakiting pangangatawan.
Hindi ako mahal ng mga umaruga sa'kin simula pagkabata. Dahilan nila'y hindi nila ko tunay na kadugo.
Nakatingin ako ngayon sa dagat at pinagmamasdan ang alon nito.
Magtatakip-silim na ngunit pakiramdam ko'y may humahatak sa'kin para dumito at maghintay ng kung ano.
Habang nakatingin ako sa umaalong tubig ng dagat, isang tinig ang aking narinig. Isang kakaibang himig ang nagsimula..
" kamahalan ... "
Napatayo ako. Akma na akong aalis ng marinig kong muli ang tinig.
" sinusundo na kita... kamahalan... "
Sa takot ko ay umalis na ko at umuwi pero bago yun, nakita ko ang pagliwanag ng kalangitan at pagdilim ng ulap sa nasasalaming tubig ng dagat.
Dito nagsimula ang pagkilala ko sa aking tunay na pagkatao.
BINABASA MO ANG
Gods and Demons [COMPLETED]
FantasyWhat will happen if you are brought to a new different world?