Chapter 18

5.3K 184 0
                                    

Corin's Pov

" Pano pag hindi ako pumili ng alin man sa dalawa? Anong mangyayari ha... lalaking mahilig sa grey? " tanong ko sa kanya na may pang-uudyok pa at kunwari pa kong natatawa.

Pwera biro, may nakita kasi akong singsing sa hinliliit niya at ayon sa nakita ko, grey din ang kulay nun.

Sa totoo lang parang ang weird ko na rin. Lahat nalang napapansin ko at maski ako hindi ko na ata kilala ang sarili ko. Hindi kaya dulot ng pagpunta ko dito ang nangyayari sa ugali ko?

Kelan pa ba naging matigas ang ulo ko? At isa pa, parang ang matured ko na mag-isip at minsan naman ay may pagkaisip bata.

Sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako ganito tulad ngayon sa mundong ginagalawan ko at kinalakihan ko dati. At isa pa bakit nga ba uli ako nandito? Ngumuso ako ng hindi ko nalalaman ng parang bata. Hay ano bang mundo to? Ilan taon na nga ba uli ko?

" Isa kang isip bata... pano ka ba nagustuhan ng lalaking yun? Ang weird niyong dalawa.. di maipinta ang ugali niyong mag-master..tss" puna niya at umiling-iling pa.

Umalis siya sa pwesto niya at lumapit ng bahagya sa akin.

Aba't!

" Bata naman talaga kasi ako kesa sa'yo...ugali na ngang matandang ermitanyo.. " ani ko ng pabulong.

" Kahit asarin mo ko hindi ka pa rin makakadaan dahil... - " pinutol ko na ang sasabihin niya.

Napansin ko rin kasi na kanina pa siya kakalait sa akin tapos ngayon nandadamay pa siya? at si Shenrin pa talaga yung dinamay niya kanina.

" E kung padaanin mo nalang kaya ako kesa lait ka ng lait dyan tapos pati ibang tao dinadamay mo.. hay ang daldal! sungit pa! " inismiran ko siya.

May tumunog na bumagsak na bakal. Hindi ko man yun nakita sa sandali nitong pagdaan sa paningin ko, sigurado akong galing yun sa kanya.

Hinimas himas ko ang noo ko na pinitik nanaman ng kung sino.

Ano ba yun? Grabe, ang sakit lang sa noo. Nawala na tuloy ang konsentrasyon ko.

" So your Majesty, how does it feel to see what will happen? Like what I just show you? "

Teka!? Paanong!?

" Nasa labas tayo kanina ah! Sabihin mo, maligno ka siguro no?! " napamaang ako ng tingin sa kanya.

" That is just one of my trick. The moment you saw me, your seeing my fake virtual reality of some of  my fragments. In other words, I invade your mind to kill time until those monsters after you got killed by Shenrin. I just bought him enough time para hindi ka makaabot sa destinasyon mo.. " paliwanag niya sa akin at kumuha ng isang bulaklak na dilaw dito sa isang hardin kung san niya ako dinala habang lutang ako sa trick na ginawa niya kanina.

Sa totoo lang parang totoo yung nangyayari kanina.

" Sadista ka. Pabalikin mo nga dito si Shenrin at ayaw kitang kausap.. " sabay irap ko sa kanya. " legal advisor daw e ang sadista.. " bulong ko pa habang nagmumukmok.

" I will not tolerate your being impulsive in making decisions. You can't disobey or command me whenever you please. I will always knock some sense to you. In other saying, I am the only one who can calm you. " he crossed his arms and look at me sternly trying to intimidate me. And hell! It really works to me! This guy is giving me creeps!

" O-oo na... " pero ayoko parin sayo! Creepy!

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon