Chapter 8

8.4K 283 4
                                    

Shenrin's Pov

Maagang nagising si Corin kaya kinailangan ko siyang patuluging muli. Binasa ko ang aking labi dahil hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang sa kanya na nahagkan ko.

Napatingala ako at napangiti ng maalala ang imahe niyang natutulog ng mahimbing at payapa. Hindi siya nakakasawang pagmasdan dahil sa amo ng inosente niya mukha.

Sigurado ay hindi pa niya nakikita ang kanyang sarili dahil maraming nagbago sa kanya. Maingat akong tumayo palabas kanina at iniwan siyang payapa ang tulog.

" Rikodo, bantayan mo ang kamahalan." bilin ko pagkalabas ng sagradong templo kung saan naroon ako ngayon.

Sinara ko ang malaking pintuan kung saan kaming dalawa lang ng kamahalan ang maaaring makapasok sa loob.

" Masusunod Lord Shenrin. " sagot ni Rikodo.

Si Rikodo ay isang Hachi, nilalang na may puting pakpak na nagtatago rin sa mga anino.

Ayoko lang makaramdam ng takot si Corin sa makikita at magiging kapaligiran niya dito sa mundong ginagalawan ko. Kinailangang magtago ng mga tagapaglingkod niya para mapadali ang pagprotekta kung sakaling may magtangka sa buhay niya.

Iniingatan at pinapahalagahan ko ang buhay niya para sa kaligatasan 'naming dalawa.

" Tawagin mo agad ako pag nagising ang kamahalan dahil papatay siya pag hindi nakakita ng kahit sinong kakilala. Naiintindihan mo ng maliwanag Rikodo. " tanong kong muli.

" Gagawin ko sa nga ng kamahalan Lord Shenrin. " tugon niya na buo ang katapatan.

Tumango ako at umalis para ipagpatuloy ang aking obligasyon sa pagpapanatili ng kaayusan sa Kaharian.

----------------

Corin's Pov

Sinusubukan kong kumbinsihin sila na anak nila ako at hindi totoong isa akong sumpa para sa kanila. Hindi ko na kayang ipagwalang bahala ang bigat ng pakiramdam na nararamdaman ko sa bawat binibigkas nilang salita galing sa bibig. Pamilya ko naman sila pero bakit?

Nagmamakaawa akong lumuhod at nagpupumilit na tanggapin nila ko, bigyan ng pagmamahal katulad ng isang normal na anak na nangangailangan ang pag-aaruga.

" Lumayo ka sabi! Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ka talaga kabilang sa pamilyang ito. "

Sigaw niya na puno ng galit at kahihiyan na ang tinig na tumutusok ng unti-unti sa'king dibdib.

" Ama, Ina, ako to si Corin... p-pakiusap....p-pabalikin niyo na ko... " pagmamakaawa ko ng dahil sa hirap. Hindi ko kayang mawalan ng isang pamilya, mapaghanap ako at hindi ko iyon itatanggi dahil salat ako sa pagmamahal na natatanggap.

Kita ko sa kanilang mga mukha na hindi nila ako gusto. Umiling lang sila sa akin na nagpatulo lang ng masaganang luha sa 'aking mata.

" Hindi ikaw si Corin. Patay na ang anak namin at ampon ka lan. Iba ka sa aming lahat, wala kang lugar sa mundong to. Tingnan mo ang sarili mo, naliligaw ka sa'yong tunay na panahon. " tinalikuran nila ako at naglaho nalang sila ng parang bula sa harap ko.

Sunod-sunod na mabilis na pag-iling ang ginawa ko. Hindi, hindi yon totoo.

Tumayo ako sa pagkakaluhod at hinanap ko ang salamin. Nang mahawakan ko bisagra ay nanigas nalang ako sa aking kinatatayuan at tuluyan ng nabitawan na naging sanhi ng pagkabasag mismo ng salamin.

Hindi ako naniniwala sa dito, hindi ito maaari, isa lang itong kalokohan, hindi ito totoo!

Bakit? Bakit ba ayaw nila akong paniwalaan? Ako si Corin hindi ba? Ako to.

Nasapo ko ang magkabila kong pisngi at napaiyak. Bakit nangyayari sa'kin to?

Tinakpan ko ang mukha ko ng aking dalawang kamay sa sobrang kalungkutan. Pakiramdam ko'y nawalan ako ng pag-asa at ng mga taong magmamahal pa sakin.

Nawala na sila. Tinaboy na nila ko at iniwan.

Mag-isa nalang ako. Wala nang magmamahal sa akin at dinudurog ng isiping ito ang puso ko.

Tumingin ako sa kawalan at nakita ko siya. Nakita ko ang liwanag dahil natagpuan niya ako sa pinakamadilim na lugar sa mundo ko. Siya na ang meron ako.

Siya nalang nga at wala ng iba. Puno ng lungkot na lumapit at tumakbo ako sa kanya. Hindi ako nabigo paglapit ko sa kanya dahil agad niya akong niyakap at pinagaan ang aking kalooban.

" Sssshhh...tama na.. "

Tumingin ako sa kanya.

" Kukunin ka rin ba nila sakin? hindi ko k-kaya, pakiusap wag... " nahihirapang pagsusumamo ko habang umiiyak sa kanya.

" Hindi kita iiwan, matulog ka ng mahimbing. " wika niya sa akin sa malamyos na tinig.

" A-ayoko ipikit ang mata ko. Ayoko dahil pagmulat ko mawawala ka na, natatakot ako na iwan mo rin ako kapag pumikit ako dahil mawawala ka sa paningin ko. Pakiusap ayoko..." pagmamakaawa ko at yumakap ng mahigpit.

" Tumingin ka sakin. " wika niya kaya tumitig ako sa kanyang mga mata.

" Hinding-hindi ako mawawala. "

Sumisinok na tinanong ko siya.

" Pangako? "

Ngumiti siya at hinagkan ako at sinabing " Pangako. "

" Wag mo akong iiwan kahit kahit kailan dahil hindi ko na kaya, magtitiwala ako at panghahawakan ang pangako mo. "

Tumango siya.

" Hindi kita iiwan, dito lang ako sayong tabi. "

Hinayaan ko lang na yakapin niya ko at iahon ako sa kadiliman na nararamdaman ng puso ko at dahil dun naaalala ko siya. Ang kanyang pulang buhok, itim na mga mata, kakaibang pananamit at ang halik. Siya si Shenrin at hindi ko siya kalilimutan at ang pangako niya.


Pagdilat ng mata ko ay isang malaking espasyo ng isang kwarto ang namulatan ko. Hinanap ko agad siya ngunit hindi ko siya nakita.

Kinabahan na ako sa sandaling hindi ko siya namulatan. Wala na siya...iniwan niya ko.. hindi siya tumupad.

" Shenrin! "  sigaw ko at hinanap ang aking espada.

Bumilis ng bumilis ang naging pulso at pagtibok ng puso ko. Si Yabusa. Tama. Kailangan ko ang espadang yun.

" YABUSA! Ilabas mo ko rito! "

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon