Chapter 10

7.3K 279 1
                                    


" Magpakilala ka sa ngalan ng kamahalan.." utos nito habang nakatutok sa akin ang kanyang armas.

Isang lalaking may mahabang bughaw na mga buhok at kulay abong mga mata ang nagbabantay at nakaharang sa harap ng matayog na pinto.

Nakasuot siya ng isang pulang damit pandigma na may simbolong itim na dragon na kapaloob sa isang pabilog. Bakas sa kanyang tindig na hindi siya basta ordinaryo lamang na kawal.


Kinakabahan man ay nakayanan ko parin makasagot sa kanyang tanong.

" A-ako si Corin.. "

Tila ba napako na ko sa kinatatayuan ko. nakamasid lang siya sakin na tila ba sinusuri akong mabuti.

" Anong kailangan mo at napadpad ka dito sa tarangkahan? " tanong nito sakin ng mahinahon.

" Ka-kailangan kong pumasok sa loob. Maaari ba akong makadaan? " hinawakan ko ng mahigpit ang aking espada dala narin siguro ng kaba sa maaari niyang isagot.

Hindi ko kilala ang taong nasa harap ko ngayon pero alam kong hindi naman siya masama. Napadako ang tingin niya sa espada ko ng dahil sa paghigpit ng paghawak ko dito.

" Ang dala mo ba ay Ameteras? Paano mo yan nakuha? " mahinahong tanong niya sakin at bahagyang ibinaba palayo sa akin ang kanyang armas.

" Si Yabusa ay sa akin, hindi ko siya kinuha dahil una pa man ay akin na siya. " tanging nasagot ko sa tanong niya.

Napatitig ako sa mata niya at ganun nalang ang pagtataka ko ng makita ko ang takot sa kanyang mata habang bahagya siyang napayuko pagkakita niya sa mga mata ko.

" Kato siya ang -- " sabi ng anino na naputol din ng lumabas siya na tila isang higanteng Agilang iwinasiwas ang may kalapadan niyang puting pakpak.

" Rikodo? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba't pinapabantayan sa'yo ni Shenrin ang hari? bumalik kana doon sa tore. " utos nito ngunit hindi siya makatingin ng diretsyo sakin.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang pag-uusap.

" Tulad ng sabi mo Kato ay binabantayan ko nga ang kamahalan. " walang pakundangang saad ng tinawag niyang Rikodo at nabaling sa'kin ang tingin.

Bahagya rin itong yumuko kasabay ng pagsarado ng mga malapad nitong pakpak.

" Ako si Rikodo kamahalan. Ibinilin ka sa akin ng panginoong Shenrin bago siya umalis. " paliwanag nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya biglang pag-intindi.

" Mahal kong Kamahalan... " sa pagsulyap ko sa aking harap ay nakita ko nalang si Shenrin na nakatayo na sa harap ko.

Hindi maiwasan na magalak.

Nandito siya sa harap ko at nakatayo. Hindi niya ko iniwan. Tila isang bata ako na naligaw at lumapit papatakbo palapit sa kanya.

" Shenrin hinanap kita.  " saad ko at yinakap siya. Sa kanya lang ako napapanatag at gusto ko ang pakiramdam ng init ng kanyang yakap.

" Hindi naman ako umalis para hanapin mo. Lagi lang akong nandito at hindi ko kayang mawalay sa piling mo. " mahinahon at buong katapatang wika niya sa akin.

" P-paanong? Isa siyang babae?  " naguguluhang tanong ng lalaking nagngangalang Kato sa aking pagkakarinig sa sinabi ni Rikodo.




Pinatingala ako ni Shenrin dahilan para makita ko sa kanyang itim na mga mata ang pag-aalala.

" Bakit ka umalis? Baka kung anong nangyari sayo kung sakaling napansin ka ng mga kaaway.. "

Lumungkot ako dahil hindi ko manlang naisip na nag-aalala na pala siya sakin. Naging padalos-dalos nanaman ako.

" Wala ka ng magising ako kaya natatakot ako na baka iniwan mo narin ako Shenrin... " daing ko sa kanya nang nababahala.

" Delikado sa labas ng kaharian, hindi ka nila makikilala kaya dapat na lagi mo akong nasa tabi... "

" Hindi na mauulit Shenrin.. " pangako ko.

Tumango lang siya at sinuklay ang aking buhok.

" Gusto mo bang libutin ang Kaharian?.. " tanong niya ng may ngiti sa labi sa'kin.

Pagkarinig palang sa tanong niya ay parang binalot agad ako ng kagalakan.

" Maaari ba? "

Hinawakan niya lang ako sa aking baba at marahang tumango.

" Para sa'yo walang hindi pwede kamahalan.. Halika at ililibot kita sa kaharian. " aya niya sa akin.

Hinawakan niya ang aking kamay. Napatingin ako sa gawi ni Kato. Yumuko siya at nagsalaysay.

" P-patawad kamahalan sa aking kalapastanganan, ako po si Kato ang heneral ng unang hukbo. Ako ang bantay ngayon dito sa tarangkahan. " hingi niya ng paumanhin. tumango nalang ako at hinatak na ako ni Shenrin ng hindi manlang binibigyan ng kahit isang sulyap si Kato.

Nang sulyapan ko si Shenrin ay seryoso na ang kanyang itsura.

Bakit ganun?

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon