Chapter 12

6.6K 238 5
                                    


Napunta ako sa madalim na kagubatan sa isang iglap. Wala nang mga dahon ang mga puno at ang mga talulot ng bulaklak ay tuyo na nakakalat sa lupa.

Wala ang sikat ng araw kaya mas naging nakakatakot ang lugar kung nasan ako.

*growls

Himig huni ng isang hayop pero ng makita ko ang pinanggalingan nito ay ganun nalang ang gulat ko ng makita ng maliit na dragon.

Nakabuka ang malaki nitong pakpak. Kulay dilaw ang mata nito at kulay pink ang balat. Nakatayo lang ito sa aking harapan at minamasdan ako.

" Lumayo ka.. wag ka saking lumapit..  " banta ko rito habang dahan-dahang akong umaatras.

*eeeek

Humuni lang ito at lumapit sa akin. Aatras pa sana ako ng makita kong huminto ito.

Lumiyad pataas ang ulo nito at tumaas ang mga tenga na para bang may pinapakinggan. Bumaling-baling ang ulo nito at biglang nagbago ang mata.

Naulinigan ko ang ilang kaluskos at nakakaramdam ako ng panganib. May paparating at umaalingasaw sa mga ito ang amoy ng sariwang dugo.

" Ikaw na ibon o dragon ka, umalis ka na at may paparating! Magtago ka at ganun din ang gagawin ko! " sigaw ko rito.

Ewan ko kung bakit ko yun nasabi pero mukhang naagaw ko naman ang atensyon niya at nagtago ito sa likod ko. Natatakot man ako ay nanatili nalang ako sa kinatatayuan ko.

Para bang alam ng dragon na ito na ligtas siya sa aking tabi at ganun din ako sa kanya.

Sa di kalayuan ay nasilayan ko na ang mga paparating. Isang grupo ng mga Puma na kahindik-hindik ang itsura ang palapit sa amin.

Nakalabas ang mga pangil ng mga ito at halata sa kanila ang pagiging gutom.

Humawi ang mga ito ng napalibutan na kami. Umabante ang isang puma na may nakasakay na lalaking naka pulang damit pandigma.

Kulay indigo ang buhok nito at prenteng nakaupo sa taas ng puma. Maganda ang tindig at matipuno ang katawan nito. Tulad din ang damit niya kay Kato ngunit kita parin ang malaking pagkakaiba.

" Cougars at ease. " utos nito at nanatiling huminto sa aking harap.

" Ikaw... Magbigay galang ka...Punong heneral ang iyong nasa harap.. Sino ka para tahakin ang teritorya papunta sa Kaharian ng Uchisan? " kalmado lang ang tanong nito ngunit may bagsik.

" Napadpad ako dito dahil sa dragong ito. " tumalikod ako at akmang ituturo ang hayop sa aking likuran ng sa pagkagulat ko ay wala na pala ito.

" Wag mo akong linlangin.. isa kang lapastangan! Kunin siya at dalhin sa ating kamahalang Loki! "

Hindi na ako nakapalag at hinayaan ko nalang na dalhin o isakay ako ng isang puma at sumunod sila sa tinatahak ng lalaki.

Napaisip naman ako kung nasan na ang dragon. Bakit hindi ko manlang namalayan ng mawala ito?

Mabagal lang ang pagtahak ng mga puma sa daan kaya dinalaw ako ng antok at nakatulog. Pagod narin ako at wala na akong panahon pa para mag-aksaya ng lakas kaya nagpatalo na ko sa antok na dala ng pagod.

------------------

Nagising ako sa loob ng isang kama na may manipis na telang nakasabit sa paligid nito.

Isinandal ko ang ulo ko sa hamba ng higaan at inilibot ang tingin. Malambot ang kama at nasakop ng natural na amoy ng isang lalaki ang halimuyak nito.

Nakakahalina ang amoy na ito ngunit pinasasakit nito ang ulo ko.

" Your awake. " boses ng isang lalaki mula sa likod ng tela.

Hinawi ko ang telang manipis na humaharang sa pigura na natatabingan nito.

" Bakit ako nakahiga dito? At sino ka? " tanong ko.

Tumabi ito sa akin at pinagmasdan ako. Nakakailang ang kanyang tingin na tila ba hinihipnotismo ako.

Nakaputi siya ng pananamit at nakakahanga ang kanyang dilaw na buhok katulad ng kanyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at manipis ang kanyang pilik-mata. Matipuno ang kanyang pangangatawan at ang kanyang labi ay nakangiti sa akin.

" You will be my love. Give me your soul. " hinawakan niya ang aking kamay. Kahit magaan lang yun ay hindi ko manlang magawang ialis ito.

Unti-unti siyang lumalapit sakin at pilit niyang tinititigan ang aking mga mata.

" A-anong ginagawa mo! Tumigil ka! " pilit akong kumakawala sa kanya.

Paiba-iba ang kulay ng kanyang mata habang matamang nakatingin sa akin. Nagiging berde at babalik ito bigla sa pagiging kulay rosas nito.

" You shall be mine. " huling salita niya at dumampi na sa aking pisngi ang kanyang mga palad.

Hindi ko maramdaman kung nasalat niya na ba ang aking labi ngunit pakiramdam ko'y nagbabago ang mata ko.

Sumisikip ang aking dibdib at nahihilo ako. Bumibigat na rin ang aking paghinga at malakas ko siyang itinulak.

" Y-your aura, is it? -- No; it can't be.." naguguluhang saad nito habang kinakapos na ako ng hininga.

Nakatayo lang siya habang nasasaksihan ang paghihirap ko.

Nilalamig ako at nag-iinit sa pagkakataon. Nagsisimula ng umusbong ang pagtama ng kidlat kung saan-saan sa paligid ko. Nakatulong ang dilim upang maging nakakatakot ang pangyayari.

Anumang oras ay ramdam kong malalagutan na ata ako ng hininga.

Napabunot ako ng malalim na paghinga at ang tugtog... naririnig ko nanaman itong muli.

" What is happening here your Majesty!? "

Marahas na bumukas ang malaking dalawang pintuan. Pumasok ang ilan sa loob ng silid at nagulantang sa nasasaksihan ng mga mata nito.

" Where did you see that girl? I know her aura... " seryosong tanong ng tinawag nilang your Majesty.

" She was caught trespassing at the doomed forest.. She was brought here and we give her to you.. " paliwanag ng lalaking dumukot sa akin kanina.

Masamang binalingan ito ng kanilang kamahalan at namula sa galit.

" You imbecile! We must return her or we shall die in her hands! " himutok nito.

Die? Papatayin ko nga ba sila? Siguro ay tama siya pero hindi ko kaya.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng may dumaang malakas na ihip ng hangin at dumating si Keiko.

" Calm down your Majesty. Shenrin is about to arrive. " nagpakita siya sa mga tao roon at nahintakutan sila ng mapagsino ito.

Hindi na ako makasagot. Kung gayon ay katapusan ko na ba. Wala ng pakiramdam ang puso ko at malabo na ang aking paningin. Nagwawala na ako at wala na sa katinuan.

Nabasag ang lahat ng nakapaligid sakin ngunit may nagbalik sa aking ulirat na alam ko kung sino.

Ang mainit na dumampi sa aking labi. Ang pamilyar na amoy nito.

" Kamahalan tama na.. Nakauwi na tayo.. "

Pagkasabi niya nun ay nawala na ang mga taong nag-uusap sa paligid ko at ang hinihigaan ko ay ang kama na una kong hinimlayan ng makarating ako rito.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon