Chapter 20

5.4K 186 0
                                    

Corin's Pov

Nakakamatay na katahimikan.

' Stand still your Majesty, please don't move an inch ' paulit-ulit yan sa isipan ko simula ng sinabi ng nagpapalit ng aking damit ngayon.

Sa totoo lang ang sarap lumubog sa kinatatayuan ko. Nakakailang pala sa pakiramdam na binibihisan ka ng iba.

Wala na rin yata akong pribelehiyo na bihisan ng kasuotan ang sarili ko. Hay bakit naman ganito?

" Hindi pa ba tapos? Nangangalay na ako e... " reklamo ko at sumimangot.

Kung di siguro ako sinungitan ni Shenrin kanina malamang wala ako ngayon dito sa kinatatayuan ko at hinahayaan silang damitan ako.

" You can relax now your Majesty, were done dressing you. " sabi ng aking tagabihis at lumayo. Kasama niya sa kanyang likuran ang mga tumulong sa kanya.

" Pwede ko bang makita ang itsura ko? " tanong ko.

Kimi akong ngumiti dahil nahihiya ako sa kanila. It just so happens that they don't have names. Yun ang sabi ni Shenrin sa akin.

Nakaka-insecure din ang mga itsura nila dahil wari silang mga manikang binigyang buhay.

" Of course you can do as you please your Majesty.. You were very welcome to take a look at yourself. We shall leave now to give you some privacy. " they all nod at me curtly pagkatapos ay isa-isa na silang nawala sa aking paningin sa isang kisap-mata.

' Oh god ' napatampal nalang ako sa noo ko. Ano ba namang lugar tong pinagdalan sa akin ni Shenrin, puro kababalaghan. Ano naman kaya ang susunod na ikatataas ng balahibo ko.

Speaking of Shenrin nga pala..

Kung may ball mamaya at may nagbihis sa akin, ibig bang sabihin...

" May nagbibihis din kaya ng damit kay Shenrin? " tanong ko sarili ko pagkatapos ay nanlaki nalang ang mata ko. Hindi kaya!? Ay tama na nga kakaisip Corin!

Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi para ialis ang mahalay na naiisip ko sa mga oras na ito.

Si Shenrin.

Walang damit.

Binibihisan ng iba.



Sandali!...

Binibihisan ng iba!??

" Ano ba naman yan nakaka-ilang naman ang ganun. " sambit ko na parang kinakausap nanaman ang sarili ko.

Napatungo nalang ako. Mariin akong napapikit at nagbuntong-hininga.

Iniwan ako dito ng weird na mga tagabihis. Paano ko makikita ang sarili ko ngayon? Ang creepy talaga ng mundo at ng lugar na ito promise.

Kalma lang Corin. Kahit ang weird ng mga tao dito, wag mo nalang pansinin dahil wala ka rin namang magagawa.

" Asan ba naman kasi ang sala...- " binukas ko ang mata ko na pinikit ko kanina at namalikmata yata ako sa tumambad sa akin " min..? "

Puro salamin?

Lumingon ako sa kaliwa, sa aking kanan pero sadyang napapalibutan nga talaga ako ng salamin.

Huminto na ko sa kakabaling ng ulo kung saan-saan dahil puro salamin lang naman ang nakikita ko. Minasdan ko nalang ang aking sarili.

Hinawakan ko ang aking mukha na para bang hindi ako ang nasa salamin kundi isang napakagandang babae na hindi pamilyar sa aking paningin.

Hindi na ako katawang dalaga kundi isang ganap na babae.

Mahaba ang aking itim na buhok na may dampi ng kulay ng rosas. Nakasuot ako ng isang above the knee na black halter dress na bumagay sa aking napakaputlang balat na tila tinakasan na yata ng dugo.

Napatitig ako sa aking mata at nanlaki ang mata ako. Ang mata ko, bakit ganito?

Lumapit pa ako at pinagmasdan pa itong mabuti.

Lilac ang aking mata na may pagkakulay dugo. Anong nangyari? Totoo bang nagbago na ako?

Ang mga matang ito ay nakakatakot at binibigyan ako ng dahilan para tayuan ng balahibo sa sarili kong batok.

Its not me. What the?

' Who are you? ' napamaang kong tanong sa aking sarili sa harap ng salamin at humakbang palayo sa mismong repleksyon ko.

' I am you. You are what you see. So what you think? '

Napaatras ako na tila ba madadapa sa narinig. Sinagot ng tinig na yun ang tanong ko.

Nag-eecho parin ang boses nito at paulit-ulit sa utak ko.

" What do you mean? Wherever you are, come out now and talk to me! " sabi ko dito na tila para bang sinusuway ko ito.

' I told you, you are me. In other words, you are talking to your inner self which is me. "

Mabilis akong napailing. Hindi yan totoo.

" Corin I'm here. Come out now, the crowds were been waiting for so long. " boses ni Shenrin na narinig ko at naglaho na ang salamin ng ilusyon.

" Ah o-oo Shenrin lalabas na a-ako. " kandautal-utal na ako sa pagsasalita at nagsimulang tunguin ang pinto ng labasan ng magandang kwarto.

" Pasensya na sa paghihintay. " sabi ko ng nakayuko pagkalabas na pagkalabas ko.

" That's okay, I know you are worth waiting for.. look at me.. " he said with his soft soothing voice.

Iniangat niya ang aking mukha. Unti-unti siyang yumuko at pinadaanan ng mabilis na halik ang aking mga labi.

" Shen... " sabi ko na halos pabulong nalang. Siguro namumula na ako.

" A few minutes have no match for a billion year I spent on waiting and finding you. I have 'love patience' when it comes to you okay?.. " sabi niya at nginitian ako.

Love patience. Ang sarap pakinggan lalo na at galing sa kanya.

" A-ah..eh o-okay. " sabi ko na medyo nahihiya. Isipin ko lang na billion years niya akong hinanap, grabe.

" Now shall we. I can't wait to introduce who you are to me. "

He then gesture to his arms for me to cling onto him and I gladly oblige with a smile plastered on my lips because I'm absolutely happy with my adorable handsome prince, standing right here beside me.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon