Chapter 13

6.3K 238 1
                                    


" Kumalma ka na mahal kong Corin.. " alo niya sa'kin dahil sa aking paghikbi.

Nilukot ko ang kanyang damit sa pagkuyom ng aking kamao.

" Sinubukan niya akong halikan... gusto niya ko lagutan ng hininga... b-bakit.." paghihinagpis ko ng dahil sa paninikip ng aking dibdib.

Lahat nalang ng tao. Mapa dito o sa lugar na kingisnan ko ay hindi ako nais na mabuhay sa mundo.

Ano bang nagawa ko para maranasan ko ang lahat ng to?

Hindi na ko naging masaya, puro nalang kalungkutan at pasakit ang nararanasan ko. Ayoko na at sawa na ko sa paulit-ulit na hindi magandang pangyayari sa buhay ko.

" Mahihirapan silang dampian ka ng halik.. kapag naglapat ang labi niyo'y mamatay ka.. ako lang ang maaaring umangkin sa'yo kamahalan.. " paalala niya sa'kin na seryoso ang mga matang nakatitig sa akin.

" Bata pa ako.. Labing-anim na taong gulang lang ako Shenrin... Hindi maaari ang mga sinasabi mo..  " malungkot na sabi ko sa kanya at napayuko.

Ito ba ang kapalaran ko? Ang balutin ng kalungkutan? Isa talaga akong sawi at mahina.

" Wag na wag kang yuyuko kamahalan dahil isa kang hari...Hindi maaari dahil mamaliitin ka ng iba. " sabi niya sakin sa matigas na tinig.

Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko. Matagal ko naman ng alam na minamaliit nila ko.

Tumingin siya sakin na para bang nagagalit.

" Tumingin ka sa akin kamahalan.. Ako at ikaw ay iisa.. "

Umiling ako agad.

" Hindi ko kayang tumingin sa mga mata mo.. h-hindi ko lang kaya lalo na pag ganyan ang titig mo sa'kin, pinapagalitan mo ako hindi ba?... " paliwanag ko dahil hindi ko talaga magawa minsan kapag seryoso siya.

Nakakatakot kasi. Mas gusto ko ang payapa at maamo niyang mukha kesa sa tuwing seryoso siya. Para siyang malamig sa'kin at wala manlang bahid ng emosyong ang kanyang mukha.

Narinig ko ang buntong-hininga niya at ibinalik niya ang kanyang payapang aura.

" Tumingin ka rito...ipangako mong hindi ka matatakot kapag nakita mo na ang iyong sarili... "

Kumuha siya ng isang salaming kwadrado. Pinahawak niya ito sakin at sinulyapan ko ito ng tingin.

Sa salamin ay nakita ko ang babaeng itim ang mahabang buhok at may pagkahalong pula. Maputla ang balat nito at maganda ang pangangatawan. Mapula ang manipis nitong labi at nakakalunod pagmasdan ang ganda ng lilac nitong mga mata.

Nakaka-inggit. Kaano-ano kaya ito ni Shenrin?

" Maganda siya.. sino siya Shenrin? Isang napakagandang babae... Bakit mo siya pinakita? " tanong ko kahit sa loob ko ay parang may tinik sa dibdib ko.

Ngumiti lang siya habang pinamamasdan din ang salamin. Kaya ko rin kayang pangitiin si Shenrin katulad ng pagngiti niya sa pagtingin lang ng larawan ng babae sa salamin. Pero nagulat ako sa kanyang sagot.

" Ikaw yan kamahalan.. Isa kanang ganap na babae.. Ngayon sabihin niyo sa'kin na hindi maaari ang sinasabi ko sa'inyo kanina... " makahulugan ang ngiting nasilayan ko sa kanyang mga labi.

Shenrin kung alam mo lang kung gano ka kagwapo sa paningin ko sa tuwing nasisilayan ko ang mga ngiti mo.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi. Hindi siya nagulat at dinama niya pa ang haplos ng aking kamay.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon