Chapter 5

11.4K 357 4
                                    

Keiko's Pov

Dinala ko ang kamahalan sa sentro ng karagatan. Sa mahabang panahon na paghahanap ay natagpuan din namin siya.

Lagi siyang hinahanap ni Shenrin mag-isa sa kung saan-saang lugar, nagbabakasakali na makita at maramdaman kahit kudlit lang ng aura at kapangyarihang meron siya. Hindi siya sumuko hanggang sa dumating ang araw na ito pagkaraan ng ilang libong taon. Isang Raika si Shenrin at nung oras na nagmulat ang kanyang mga itim na mata, ang kamahalaan kaagad ang hinanap niya.

Isang siyang malakas na Raika at hindi pangkaraniwan lamang tulad ng iba. Lahat halos ng nasa kabilang mundo ay nais siya ngunit hindi ko inaasahan na ganito pala ang ibig ipahinuha ng tadhana, kakaiba. Sa lahat ng pwedeng mapili, dito pa niya naramdaman at nakita mismo ang hinahanap niya sa mundo ng mga mortal. Mahihina silang klase ng tao. Pero iba ang pakiramdam ko sa isang ito, nasa dugo niya ang katatakutan at masasabi mo talagang siya.... ang kamahalan.

Maski ako man ay nakaramdam ng takot nang mapalapit ako ng kahit katiting sa kanyang anyo. Hindi ko rin maiwasang magbaba ng tinig na parang isang maamong hayop at basta ko nalang naiyuyuko ang ulo ko sa tuwing madadako ang tingin niya sa aking direksyon.

Hindi ko alam kung anong meron siya, pero alam kong espesyal siya dahil si Shenrin mismo ang pumili sa kanya.

" Keiko asan si Shenrin? Sabihin mo ano itong dumadaloy na pangamba sa akin. Bakit pakiramdam ko'y nag-aalala ang lahat sa akin sa lalaking yon. " napahawak siya ng mahigpit sa tapat ng kanyang puso kaya nalaman ko na ang nais niyang malaman. " Ano bang nangyayari sakin? " hirap na tanong niya habang sumusikip ang kanyang dibdib habang nasasaktan ng hindi niya alam kung bakit.

Siguro ay nagsisimula na ang epekto sa kanya ng kasunduan. Mararamdaman na niya ang sakit pag hindi niya nakikita ang kanyang Raika sa tuwing nasa malayo ito. Hindi kakayanin ng isang kamahalan kapag nawala ang Raika sa kanilang tabi kahit saglit lamang.

Nung mga oras na tinanggap niya ang katapatan ni Shenrin ay umayon siya lahat ng mga mangyayari sa proseso kaya nararanasan niya kung ano man ang nararamdaman niya ngayon.

Tunay ngang hangga't buhay siya, buhay din ang Raika. Sa kanya nakasalalay ang pagbagsak at pag-unlad ng kahiraan kaya sana ay hindi kami nagkamali. Hiling ko'y tama si Shenrin sa pagpili sa kanya.

----------------

Corin's Pov

Ano ba tong kakaibang nararamdaman ko..

Nasa sentro ako ng karagatan at rinig na rinig ang langitngit ng nag-aalong dagat malayo sa eskwelahan.  Kahit ganun at malayo si Shenrin sa kinatatayuan ko, nararamdaman ko parin siya. Tila papalakas at papabilis sa paglipas ng segundo, minuto at oras ang pintig ng puso ko

Nababanaag na aking nagdidilim na paningin. Daang halo-halong emosyon ang nangibabaw sa aking sistema at palagay ko'y anumang oras ay mawawala na ko sa paligid ng parang bula at wala sa katinuan.

Kinabahan ako sa mga sumunod nangyari. Tila tumatalas ang lahat ng pandama sa aking kapaligiran na kahit mismo . Nararamdaman ko rin si Shenrin. Nag-iinit na ang pakiramdam ng buo kong katawan. Heto nanaman ang nagpupumilit na kumawala sa akin.


" Masyado na nila tayong nararamdaman. "

Hindi ako maaaring magkamali. Alam ko si Shenrin ang nagsalita. Hindi ko namalayan na nandito na siya.

Bumaling siya sakin.

Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko ngunit hindi yon dahil kay Shenrin. May iba pa akong nararamdaman.

Presensiya ng kung ano at ng madako ang paningin ko sa di kalayuan ay natanaw ko ang mga matang yon. Umiinit ang dugo ko habang papalapit sila.

Wala sa loob na napasalita ako ng lenggwaheng ako mismo ay hindi ko naintindihan. Ang paghatol. Nakakaramdam ako ng isang paghatol sa oras na yon.

" Shinra Amatisen. " at sa isang iglap ay lumipad sakin ang espada na kanina lang ay gustong-gusto ko na talagang mahawakan.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon