Chapter 14

6.1K 216 0
                                    

" Saan ka nagpunta mahal kong kamahalan, pinag-aalala mo nanaman ba ako. " bungad tanong sa akin ni Shenrin ng makabalik na ako sa aming silid.

Napapitlag tuloy ako sa pagkagulat sa kanya pagkasara ko ng pinto.

Tinaasan niya ako ng kilay na parang naghihintay ng ipapalusot kong dahilan sa kanya kung bakit ako lumabas.

Feeling ko kanina ay maliligaw na ako kaya naisip ko nalang na hintayin siyang magising kaya ako bumalik pero mukhang mali yata ako ng pasya. Nakahiga pa siya at nakabukas ng bahagya ang isang mata na tipong inaantok pa.

Habang pinagmamasdan ko siya ay hindi ko mapigilang humanga sa kanya. Napakagwapo talaga ng lalaking ito. Kahirap isipin na nakakatabi ko siyang matulog dito sa mismong silid na ito at sa nag-iisang kama meron ang kwartong ito.

Nginitian ko siya ng bahagya. Nag-aalala siya sa akin. Unang beses pa namang may nag-alala sakin at nakakagalak na siya ang una. Ang sarap pala sa pakiramdam.

Tinaasan niya ko ng kilay ng hindi parin ako sumasagot. Ang cute niya at ang gulo pa ng pula niyang buhok. Tipong ang sarap niyang pagmasdan ngayong mukha siyang bagong gising.

Naalala ko yung kagabi.

Hindi naman siguro niya ginawa yun sa' akin kasi wala namang masakit sa katawan ko. Namula nalang ako sa naisip at umiling. Kung anu-ano nalang naiisip ko.

" Corin naglalakbay nanaman ang diwa mo, tama ba. " sabi niya sa akin dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ko. Hindi naman tuloy ako mapakali sa kinatatayuan ko.

" Ah, gusto ko lang sana itanong k-kung bakit tayo tabi ... matulog? " dugtong kong tanong na hindi rin sigurado kung yun ba talaga ang dapat kong itanong o ano. Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa dulo ng kama.

Bahagya siyang bumangon at minasdan ako.

" Ayaw mo ba. " malungkot na tanong niya sa mahinang tinig ang boses. Nakita ko rin na nagdalawang isip pa siya bago niya ko tinanong.

Umayos ako ng upo at humawak sa kobre ng kama. Hindi naman ako sanay sa ganitong usapan kaya nakaka-ilang.

" Gusto ko naman s-syempre?, at saka nagtatanong lang naman ako kung bakit at isa pa h-hindi naman ako n-nagrereklamo. " bawi ko para naman gumaan yung loob niya. Inayos ko pa ang kimono ko na may konting gusot kahit matino pa itong tingnan.

" Talaga, totoo ka ba sa sinabi mo. " umaliwalas ang itsura niya at halatang nagpipigil ng ngiti.

Grabe ang kanyang lihim na pagpipigil ng ngiti, nakakahipnotismo at nakakadalang talaga.

Hindi ko mapigilan na sumungaw ang isa ring ngiti sa mga labi ko.

" Oo, k-kakasabi ko nga lang. " bulong ko ng mahina, yung parang hindi niya na maririnig. Nakakahiya kasi kung ilalakas ko pa ang boses ko.

" Tabihan mo ako. "

" Huh? " napatingin ako sa kanya.

" Halika rito, ang layo mo sa 'akin dyan sa pwesto mo. " sabi niya at tinapik ang malaking espasyo sa tabi ng hinihigaan niya.

Hindi naman na ako komportable sa pinag-uusapan namin. Para kasi siyang kasintahan na naglalambing.

Pinilit kong ibahin ang usapan para naman hindi ako mailang.

" Ah, pwede mo ba akong samahan sa labas? Wala kasi akong makitang tao at kasi... kasi... " pinagpapawisan na ang kamay ko kung pano ko ba dapat sabihin ang gusto ko.

" Kasi?...ano? " dugtong niya.

Paano ko ba sasabihin na gusto kong maligo? Simula kasi ng mapadpad ako dito hindi pa ko nakakaligo. Naiinitan narin ako sa suot kong kasuotan.

" Gusto ko ng magbabad sa tubig.. alam mo na, para makapaglinis ng k-katawan... M-meron ba d-dito? "

" Yun lang ba kamahalan, halika at ipapakita ko sa'yo kung saan. "

Tumayo siya bigla ng tuluyan at hinatak ako sa kamay. Napatingin ako sa kamay namin. Malambot pala ang kanyang palad at ang sarap sa pakiramdam ng init na lumalabas dito.

Binuksan niya ang pinto at tuluyan na kaming nakalabas ng silid ng magkahawak-kamay.

Katulad kanina ay dumaan kami sa hagdan na dinaanan ko dahil yun lang ang pababa at ganun din ang nangyari kanina dahil sa unang baitang palang ay nasa baba na kami kaagad ng walang kahirap-hirap.

Mabilis siyang naglalakad pero bakit parang normal lang sa akin?

Pumasok kami sa isang malaking silid. May mga nakita akong magagandang babae na naka kulay lavender na kimono at lahat ay mga nakayuko at nakahilera lamang sa gilid.

" Lord Shenrin. " pagbati nila habang nakayuko parin at ganun din ang ginawa nila sakin ngunit mahaba ang kanilang tila pagbati. " Pleasure to have you here your Majesty.. Were here to fulfill our duty as your royal servants before, during and after you bath. Command us as you please your Majesty. "

" Command us as you please. " sabay-sabay na wika nila ng nakaharap sa akin.

Tiningala ko si Shenrin. Ngumiti lang siya at tumango. Iginiya niya ako at tinungo namin ang napakalinis na asul na tubig na kala mo ay kumikinang sa sobrang linis.

Nakatayo lang kami dun. Ano na?

" Hindi ka pa ba lalabas? P-paano ko maliligo? " tanong ko ng nag-aalinlangan kung tinatanong pa ba talaga ang tanong ko.

" Hindi ako lalabas kung yun ang tinutukoy mo, bumitaw ka nalang muna sa akin at magbabad sa tubig. " sagot niya.

Nanlaki man ang mata ko ay wala na rin akong ginawa kundi ang magbuntong-hininga at simulang hubarin ang aking kasuotan, kakaiba talaga ang mga bagay na nangyayari sa mundong to.

Kahit ayaw ko, hindi ko nalang inisip na nandito siya at umaktong hindi ko siya nakikita. Bumitaw ako sa kanyang kamay at sa gulat ko bago magbabad sa tubig ay isa-isang lumapit ang mga babae kanina at tinanggal ang mga tinira kong panloob na damit. Inilugay nila ang aking mahabang buhok at kung ano-ano pang pag-aasikaso ang ginawa nila na talagang nakakailang para sa akin. Hindi ako makapaniwalang hinubaran nila ko sa harap ni Shenrin.

Wala na akong nagawa kundi ang mamula sa kahihiyan dahil hindi manlang ako nakatanggi at nakita pa ni Shenrin ang lahat. Ibang mundo ito kaya hindi nalang ako magrereklamo.

" Tama na, okay na ako. " utos ko ng kumuha sila ng bulaklak na mukhang isasabon pa nila sa katawan ko. Kinuha ko ito at ako na ang gumawa.

Matagal din akong nakababad at pagkatayo ko ay inasikaso nila akong muli.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon