Chapter 6

10.5K 328 26
                                    

Corin's Pov

" Nakita rin kita kamahalan... "

Isang tinig mula sa espada. Kung sa gayon tama ako, tinatawag rin ako espiritwal na kaluluwa nito.

" Ipakita mo sa akin ang tunay kong anyo. " utos ko na lumabas nalang sa aking bibig.

" Masusunod kamahalan. " tugon nito at lumiwanag ang isang mahika at binalot ako.

Magaan na pakiramdam at lapangyarihan ang bigla nalang dumaloy sa akin at nagsusumiksik sa pag-apaw. Ang aking tunay na pagkatao ay nakilala ko at ang dati kong katawan ay nakawala na.

Ang buhok ko'y nagbago mula sa pagiging kulay itim nito ay naging kasing tingkad tulad ng sa isang araw.

Ang aking itim na mga mata'y nagbago at naging kulay lilac na naghahalong dugong pula. Pumutla rin ang kulay ng aking balat at naging maputla.

Hawak ko ang espada at naramdaman ang pintig nito. Isa itong buhay amateras at tatawagin ang kaluluwang nabubuhay dito. Dinama ko ang dulo ng talim nito sa pamamagitan ng aking mga daliri at sa paraang alam ko ay nagpasya na akong binutin ito.

Inalis ko ang puti nitong kalasag na puno ng mga kakaibang simbolo at inilabas ang tunay nitong talas.

Shenrin's Pov

Ang mga salitang tanging isang kamahalan lang ang makakabigkas. Narinig ko mula sa kanya at nagpatunay na tama ako, siya na ang aking kamahalan.

Ang dugong dumadaloy ng pilit sa kanyang mga ugat at sa buong pagkatao niya ay batayan ng kanyang posisyon sa kabilang mundo. Hindi siya pangkaraniwan dahil nagkakaroon ng reaksyon ang espada sa pulso ng kung anong nararamdaman niya at ngayo'y pakiramdam ko'y madadala ako ng lakas ng enerhiyang meron siya.

Kung titingnan siya ngayon habang nakatayo sa gitna ng pinakamataas na bangin o sa pintuan ng lagusan ay buong paggalang ko siyang titingalain at ibubuwis ang aking buhay para sa kanya.

" Shinra Amasen. " narinig ko mula sa kanya na ang mga mata'y nakatuon sa di kalayuan lagpas sa sakop ng mga normal na mata.

Lumipad ang Amateras o espada ng sagradong templo patungo sa kanyang mga kamay na parang bahagi ito ng kanyang katawan.

Anong mang oras ay makikita ko siya. Ang aking makapangyarihang kamahalan.

Nagsimula magbago ang kanyang buhok pati ang kanyang mga mata. Ganun din ang kanyang balat na naging kasing putla na ng isang taong walang dugo.

Ang espadang nasa pangangalaga ko ay pagmamay-ari niya bago pa man siya isinilang sa kanyang mundo. Palagay ko'y kinukuha niya ngayon kung ano ang sa kanya at malugod ko itong ibibigay sa kanya.

" Lumapit ka sa'kin Shenrin. " tawag niya sa akin.

Yumuko ako at tumango ngunit hindi ko inasahan ang nangyari bago pa man ako magsimulang maglakad patungo sa kanyang direksyon. Naramdaman ko nalang na nagbago ang aking pisikal na anyo. Napangiti nalang ako ng mapagtantong gumagawa siya ng kasunduan sa pagitan naming dalawa. Isang ritwal ng pagsasama.

Nasaksihan ko ang pagyuko ng itim na kalangitan sa kanyang kapangyarihan. Isa lang ibig ipakahulugan nito. Siya mismo ang tumawag sa aking ikalawang espirito upang ipaalam na nagising na siya at tinatanggap ang alok ko na panghabang-buhay na paglilingkod.

Ang pagyuko ng itim na langit ay simbolo ng paggalang at pagtanggap ng kaharian ng mga kaharian sa aming daigdig. Pagkilala ito sa kung anong kapangyarihang tinataglay ang meron siya.

" Gothiko...Ipakita mo ang iyong sarili. Tinatawag kita sa ngalang Yabusa! " hinagis niya sa taas ang espada at lumutang ito ng mabilis. Naglabas ito ng itim na hemospera at binalot ang sarili sa nagliliyab na apoy.

Lumipas ang magbilis na paglaki ng bilog na apoy at sa mabagal na pagkawala ng liyab ay bumungad ang Puting Lobo na may guhit kulay abo sa mga pagitan nito. Mas nakakatakot ang itsura nito kaysa sa akin at ang mga mata nito'y masyadong matalim para sa mga mahihina at malalakas.

Kasabay ng pagkabuhay nito ang paglapit ko sa kamahalan ng hindi inaasahan.

Hinawakan niya ang aking balahibo tulad ng ginawa niya kanina at nakakasumamo ang init ng kanyang palad.

Dumaloy ang bugso ng kapangyarihan sa buo kong katawan na tila isinasalin sa akin.

" Kamahalan... " tawag ko ng alisin niya ang kanyang mga kamay sa akin. Binigyan niya lang ako ng isang sulyap at sinabi.

" Manuod ka lang Shenrin. " wika niya ng mahinahon na tila may gustong patunayan at ipakita sa akin.

" Yabusa, inuutusan kitang dalhin kami ni Shenrin sa harap ng mga Enma sa dakong silangan. "

Tumayo ng tuwid ang pandinig nito at tumugon.

Ginawa nito kung ano ang inutos sa kanya. Siya ang mailap na puting lobong may puting pangil na si Yabusa.

Umalulong ng malakas ang puting lobo at kasabay nun ang pagrinig ko sa pangalawang wika ng kamahalan.

" Ako si Corin K Enki. Hinirang na Hari ng Kahariang Khan. Anong karapatan ang ibinigay sa sinuman upang patayin ako sa araw ng pagtatakda. " nanghahamon na tanong ng kanyang tinig.

Ang salita niya'y patalim sa'king pandinig. Nababalot ng kakaibang aura ang pagkatao niya.

Halatang alam ng mga malaking ibon na tinatawag sa taguring Enma kung anong tao o sino ang maling binangga nila.

" Paglaho ang kabayaran sa paglabag ng hindi pagkilala sa isang Hari... Kaya ang hatol ko ay Desimas. " tumingin siya sakin at naramdaman ko nalang na nagbalik na ako sa dati.

" Yabusa. Alam mo na ang isusunod na hakbang. " wika nito ng makahulugan.

Mataman niya akong tinitigan ng walang pagkurap. Hindi na ko nagdalawang isip pa dahil alam ko na nais niya. Isang halik.

" Tama na kamahalan, alam kong pagod kana. " wika ko at ikinulong siya sa aking mga bisig.

" Shenrin, natakot ako na baka saktan nila tayo. Ayos ka lang ba? Tama naman ang ginawa ko hindi ba... " yumakap siya sa'kin ng umiiyak at humilig sa dibdib ko. Isa parin siyang bata at kailangan ng tamang pagkalinga pero hindi siya normal.

Tinaas ko ang mukha niya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumingin sakin. Luhaan at mugto ang kanyang mga mata. Nagbuntong-hininga ako at hinapit siya sa kanyang bewang at hinaplos ang kanyang pisngi. Yumuko ako at marahang binigyan siya ng isang halik sa kanyang labi.

Pagtatalik ang makaka-pagbalik ng enerhiyang nawala sa kanya at sakin lang ito pwedeng makuha pero hindi ko isasagawa sapagkat masyado pang maaga.

" Wag ka na umiyak kamahalan.Narito lang ako sa'yong tabi, tumahan kana. " pagpapagaan ko ng pakiramdam niya habang yakap ko siya.

Naglabas na ng kakaibang aura ang puting lobo at minasdan ko ang gawi nito. Isa-isa niyang ginawang abo ang nakapaligid na mga Enma sa paligid na parang wala lang sa kanya.

Katulad sakin pagkatapos nun ay nagbalik na sa dati ang espada at kusang sumukbit sa aking tagiliran kasama ang kalasag nito.

Binalingan ko si Keiko na nagmamasid lang kanina sa amin at nagmamatyag sa mga mangyayari.

" Keiko, buksan mo na ang lagusan. Pagod na ang kamahalan. " mabilis kong utos at binuhat si Corin na nakatulog na sa paghikbi at pagod dahil sa paglalabas ng maraming enerhiya sa katawan.

" Masusunod Lord Shenrin. " sagot nito ng walang atubili.

Nagpatiuna na siya at sumunod narin ako kasama ang mahal kong si Corin.

Gods and Demons [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon