Prologue

393K 6.3K 193
                                    

"What are these?" mahina ngunit mariing tanong niya sa 'kin habang mahigpit ang hawak sa maliit na bote.

"Uhh... Th-that's—" nauutal kong sagot sa kanya dahil sa sobrang kaba. Humakbang siya papalapit sa 'kin at mariing hinablot ang braso ko.

"Damn! Answer me! Why are you taking these?! Akala ko ba ito ang gusto mo?!" humigpit ang hawak niya sa kin na tila mababali ang buto ko. Taas-baba ang dibdib ko habang nakatitig sa kin ang nag-aapoy sa galit niyang mga mata. Kabaliktaran ng nag-aapoy niyang mga mata ang nararamdaman ko, nanlalamig ako at ano mang oras ay mawawalan ako ng ulirat.

"K-ka-kasi—" pilitin ko mang magsalita ay may nakabara sa lalamunan ko. Napapiksi ako ng bigla niyang ibinato sa pader ang bote ng contraseptive pills.

"Sumagot ka! I thought we had a deal?! You told me you're gonna bear my child! What's the meaning of this?!" Impit na sigaw niya. Napayuko na lamang ako at napahikbi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Bumuntong-hinga siya saka pinaglapat ang mga noo namin. "May nakita ka ng iba? Richer?! Smarter?! Better?" pangisi niyang tanong na ikinainit ng buong mukha ko. Umiling ako.

"Hindi sa gan'on. Umuurong na ko sa kasunduan natin," nakayuko kong sagot sa kanya. Pagak siyang tumawa saka ako pabalyang tinulak sa kama. Ramdam ko ang pagtama ng ulo ko sa headboard ng kama. Agad akong napaupo at sumiksik rito. Pinagmamasdan ako ng nagngangalit niyang mga mata, mas nakakatakot tignan ang bulto niya sa dulo ng kama. Pakiramdam ko'y isa akong kuneho na pinapanood ng lobong gutom. Kinuha ko ang kumot at unan na nasa tabi ko upang magtago ngunit kahit ang mga iyon ay hindi rin nakatulong na mabawasan ang distansya naming dalawa.

"You can't back out now. Not now. Not ever! You signed a contract with me! Kung hindi ka susunod sa usapan, tuluyan ng mawawala sa 'yo ang tarantadong 'yon! Makina na lang ang bumubuhay sa kanya. I can end him then and there. I won't be swayed by your tears this time," mariin niyang sabi saka hinablot ang unan at kumot na hawak ko. Kumikinang ang mga mata niya habang tinutunghayan niya kong namamaluktot sa takot.

"Pero hindi siya matutuwa kapag nalaman niya 'to," garalgal kong sabi sa kanya. Hindi na ko nanlaban pa dahil alam kong kaya niyang gawin ang banta niya. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa pinakainiingatan ko. Siya na lang ang meron ako at hindi ko hahayaang mawala pati siya.

"You should've thought of that before you decided to bear my child. Naisip mo yan bago mo isinuko ang buong pagkatao mo. Kawawa naman ang lantang-gulay mong nobyo dahil nauna pa kitang natikman kaysa sa kanya. You can't turn your back now. Hindi lang buhay ng nobyo mo ang tatapusin ko pahihirapan ko rin ang buhay mo," banta niya. Hinaklit niya ang braso ko saka marahas na pinunit ang damit ko. Tinulak niya ko pahiga saka siya umibabaw sa 'kin.

"Hayup ka," halos pabulong kong sabi sa kanya na abala sa paglalakbay sa buong katawan ko.

"I know and I like it," nakangising tugon niya. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at inisip na matatapos din ang lahat. Lahat, kasama ang damdaming unti-unting umuusbong sa puso ko. Mali ito dahil may nakatakda na sa 'kin at hinihintay niya ko.



----

Hi,

Mirrage here, I'll be revising this after six years.
I first published this on 2015 and re-reading it doesn't make me feel good.
So if you had read this before July 21, 2022, please don't be confused.
I will be editing parts of the stories to suit more appropriate / suitable situational instances.

So yeah, I'll be editing it bit by bit. (As in real slow)

Have fun!

You can follow me on Insta: @_mxrrgx and Facebook: Mirrage Nim

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon