Special Chapter 3

19 1 0
                                        


Damned if I did it, damned if I didn't


Magmula nang makilala ko si Trevor, akala ko noon, guni-guni ko lang na magkaroon ng crush. Like hello? Magkakaroon pa ako ng crush in this economy?

Like, hello? Ibang-iba ang lasa ng fiction sa reality!

"Ano nanaman yang nasa isip mo?" Bungad na bati ni Lindsay sa akin. Alam niya kasi na crush ko siya. Kaya naman, agad niyang hinawakan ang aking kamay, dahilan para ako'y matigilan sa aking ginagawa.

"Uh, kasi... ano... may hinahanap lang ako." Sambit ko, dahilan para mapasigaw siya sa sinabi ko at mapatingin ang mga tao sa campus. Kaagad namang naagaw ni Celestine ang spotlight nito.

"At bakit ka kasi sumisigaw diyan, Lindsay? Sino ba yung inaabangan niyo dito?" Tanong niya na may pagtataka. Hindi niya pa kasi alam ang nangyayari kaya naman kaagad namin siyang hinila papasok sa loob.

"May pogi kasi beks!" Sabi pa niya kaya naman kaagad kaming napatingin sa sinasabi niya nang bigla namang nagsalita yung lalakeng sinasabi niya sa harapan ko.

"Ako ba yung lalakeng tinutukoy mo, Miss?" Medyo mahangin din ang isang to eh. What if bigyan ko siya ng polvoron para mabulunan siya't matauhan sa mga sinasabi niya?

Mahangin masyado eh.

"Alam mo.." Lumapit ako sa harapan niya, dahilan para siya'y mapaatras. "Ang hangin mo."

Napanganga siya sa sinabi ko. Bakit totoo naman ah! Ang hangin hangin niya, kala niya naman ang gwapo gwapo niya.

"Hoy Dela Paz!" Sigaw niya. "Hindi pa tayo tapos!" Saka niya isinukbit ang kanyang bag. Oo, cool yun tignan sa iba, pero para sa point of view ko, daig pa niya yung nangangalakal ng basura ang ichura.

At...anong hindi pa kami tapos? Eh di siya siguro aware na nagsisimula palang ako sa kanya. I'll make damn sure of it. Napangisi ako saka tumalikod na para umalis sa school grounds kasama ang mga kaibigan ko.


Lintik lang ang walang ganti! 

Broken StringsWhere stories live. Discover now