Chapter 6

29 3 5
                                        


Banter

"Naks! Iba na talaga ang aura natin ngayon! Anong blush on gamit mo?" Muntangang tanong sa akin ni Calli. Ano nanamang nakain nito?

"Oh, kumusta naman ang nangyari sayo sa principal's office kahapon?" Tanong ko. Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Napalabas tuloy si Calli sa library dahil sa sobrang ingay ng bibig. Parang akala mo may nakasalpak na microphone sa end niya.

"Ayun, papaglinisin ako dito sa library tapos kelangan ko pang pumunta sa prinicipal's office before ako pumasok sa klase." Sabi pa nito. Ayan kasi, ang ingay ingay.

"I can help you naman with that." Sabi naman ni Trevor dito. Agad lumiwanag ang mukha ni Calli sa sinabi nito.

"OMG! Talaga ba Trev? Baka naman nagbibiro ka lang ha." Sabi pa nito. Agad tumango ng marahan si Trevor.

"And ako na rin pala bahala mga future school activities niyo. Pag may di kayo magets, chat niyo ko or pwede ring gumawa tayo ng gdm for academic purposes. Ayos lang ba?"
Suggestion pa nito. Napanganga na lang ako sa sinabi nito.

Bakit ko ba makakalimutan na dati pala siyang Class Valedictorian nung elementary at senior high school days niya?

"Naks! Porket valedictorian ka lang ng batch niyo dati eh. Lodi ka naman pala namin eh!" Pang-aasar ko. Napatingin siya sa gawi ko. Is there a dirt on my face ba? Bakit grabe naman to kung makatitig sa akin?

"Parang ikaw hindi naging honor student ah." Asar naman nito sa akin. Well, I mean—okay, naging honor student rin naman ako pero it only ranges between top 2 and 3. And I just ended up having the rank of 1st honorable mention from elementary to senior high school.

"Duh, nasa top nga rin ako eh. Top 3." Pagmamayabang ko. Napahalakhak lang ito. Edi siya na matalino.

"HAHAHAHAHAHA! Sayang ka lods. Pero okay lang, malay mo naman baka maging summa cum laude ka. Who knows what the future holds for you?" Advice niya pa. Wow, ang laking tulong ng advice, may kasamang panununya.

"Mag-aadvice ka na nga lang, may kasama pang pang-aasar! Buti di ka nadisqualify sa honor roll. Kasi, kung ako teacher mo tapos ganyan ugali mo? Heck, baka tanggal ka na."
Pang-aasar ko.

"At bakit naman ako madidisqualify? Sa gwapo kong 'to? Madidisqualify ako? Hah! Baka nakakalimutan mong Belleza ang apelyido ko! Wala sa lahi namin ang pagiging palpak." Trevor says as he flips his imaginary hair. Tanginang galawan yan! Parang di lalake ampota.

"Bakla ka ba?!" Di ko na mapigilang sumigaw sa harapan niya. Maya-maya pa ay bigla kaming inasar ni Sir Chaucer. Ang school librarian.

"Yieeee! Ship ko 'tong students na 'to! HAHAHAHAHA!" Asar nito sabay finger heart sign sa gawi namin.

Nangasim naman ang pagmumukha namin sa isa't isa.

"YUCK! SIR CHAUCER, DI KAMI TALO!" Sabay na sabi namin sa kanya. Agad nagulat si Sir Chaucer sa narinig.
"So.. bading kayo pareho, ganun?" Pagtataka pa ni Sir Chaucer sa amin. Nakaka-jungshook na pangyayari. What does he mean na bading kami pareho?

"No way! Lalake ako sir! Mas mahaba pa sa buhok ni Shannen ang pagiging straight ko!"
Laban naman ni Trevor. Sa lahat ba naman na pwedeng banggitin ni Trevor, bakit yung buhok ko pa?

"Ah, talaga ba? If totoo ngang straight ka, halikan mo nga si Shannen." Sir Chaucer challenged him.

Agad namang lumapit sa akin at saka hinalikan ako..

Mismo sa labi.

At si Sir Chaucer? Ayun, najungshookt!

"Parang maling kiss naman ata yung nabigay mo. Ang sabi ko, kiss sa cheeks, hindi sa lips! Ano ka ba naman Mr. Belleza!"
Huli na nang marealize ko ang ginawa ni Trevor sa akin.

Saka... bakit sa lips pa?!

"Gusto kita, Shannen. Di ko lang talaga nasasabi sayo, pero... Gustong gusto kita sa paraang ako lang ang nakakaalam." Pag-amin ni Trevor sa akin.

And me? Ayun, najungshook! Hay nako, aamin na nga lang, kelangan may kasamang kiss?

Yuck, ew!

"Ano ka ba! Aamin ka na nga lang, may pahalik pang kasama?" Asik ko. Tumawa lang ito.


"Ayaw mo nun? Kahit hindi naman ikaw ang poon ng Nazareno, at least may panata ako,"
Napatigil siya saka hinawakan ang kamay ko. "Hindi ka man santo sa paningin ko, at least ikaw lang ang babaeng sinasamba ko."

Parang tumigil ng 0.5 seconds ang mundo ko nang sabihin niya ang katagang 'yun. Until now, parang di ako makapaniwala sa sinabi nito.

Tanginang banat 'yan. Siguro kahit dead skin cells ko sa kuko kikiligin sa mga banat sa akin ni Belleza eh. Parang leading man sa isang drama ang atake!

"Alam mo, puro ka banat eh! Saan mo ba pinagkukukuha yang mga sinasabi mo sa akin? Sa mga love quotes na pinauso nung 2012? Ang jeje mo naman sa lagay na yan pre!" Asik ko. Napangiti na lang siya sa akin. Shet, di ba usually tatawanan lang ng mga lalake yung mga pinagsasasabi nila? Bakit parang siya? Hindi man lang tumatawa?

Muli itong nagsalita. This time, with feelings na para mas dama.

"Ayaw mo ba? Gusto mo ba ng isang pangmalakasang plot twist? Yung sasabihin ko na "joke lang" sa dulo? Well, you can't make me do that Shannen. Kahit ilang beses man ako lumagapak sa lupa at madapa, mananatiling ikaw pa rin naman ang aking paksa sa mga sinusulat kong mga liham at tula." Pahabol niya pa. Aba, Juanito Alfonso? Is that you?

Buti sana kung Carmelita Montecarlos ang pangalan ko. Saka duh? Kelan pa naging I Love You Since 1892 ang kwentong 'to?

"Ang corny mo brad! Just like what you've done awhile ago, Di tayo talo!" Asik ko saka umalis sa kinaroroonan nito.

"Wait lang, Shannen!" Trevor says. Naku, mukhang alam ko na kung bakit Trevor ang pangalan niya, Trevor means... trouble.

Trevor? Di ba kanta ni Lenka yun? Trevor Is A Friend?

Dejoke lang! Trouble Is A Friend pala yun! Shuta, baka biglang magparamdam si Lenka saken saka kantahin yung Everything At Once.

Okay... wala na sa script ang sinasabi ko. Pwe, pwe.


Alright, focus lang tayo sa goal.

"Bakit nanaman ba? Sunod ka ng sunod saken, ano bang kelangan mo? Pera? Sorry, wala ako nun!" Asar ko sa kanya. Agad lumukot ang mukha niya.

"Am I really just a play date to you?"
Aba! Kanina si Lenka lang ang sinasabi ko, ngayon naman si Melanie Martinez naman ang binabanggit ng isang 'to.

"Alam mo, puro ka banat eh! Di mo na lang izipper yang bibig mo kakatalak! Kalalakeng tao, di mo na lang ipirmi ang itlog mo sa isang tabi." Asik ko. Mukhang nahurt naman si Trevor sa sinabi ko.

I mean, that's the truth anyway, mahurt na kung mahurt. Akala naman kasi ng lalakeng 'to nakikipagbiruan eh.

"Ano ba talaga ako para sayo, Shannen?"
Trevor asked me dead in the eye. Here we go again... Teka Demi Lovato pahiram muna ng kanta mo.

"Strangers. Anong label ba ang gusto mo?" I challenged him. Napalunok ito ng mariin saka ako muling hinalikan. His lips are so damn soft like a pillow. Grabe naman kasi makaangkin itong lalakeng 'to. Moments later, he broke away the kiss as he spoke.

"Hindi man ako si Taj Jackson, pero I'll always think of you. Hindi man Jeon Jungkook ang pangalan ko, pero I'll be loving you right seven days a week. More importantly, hindi man RM ang pangalan ko pero I hope that you'll always come back to me."

Puro naman 'to banat.

Pero at least, pinakilig niya dun ng sobra ha! Siguro kung idedescribe ko ang lalakeng 'to bilang isang kanta, iisipin ko na lang na nag collaborate ang Paramore at Rosé sa mga oras na ito.

 He's the only exception and he'll always be the number one boy in my eyes. Si Trevor Floyd Lopez Belleza, ang lalakeng unang nagpatibok ng puso ko, ang naging kasangga ko sa academy, ang knight in shining armor ko, at ang lalakeng gusto kong makasama hanggang sa dulo ng aking paghinga. Sana... siya rin ang aking dulo, gitna't simula. 

Broken StringsWhere stories live. Discover now