Chapter 13

18 1 0
                                        


Hangover

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa kitchen. Ano nanamang kababalaghan ang ginagawa ng mga tukmol na yun?

"Uy, Kaisen! Dahan dahan sa sabaw! Matatapon!" Rinig kong saway ni Landon. Talaga naman. Aga aga ang iingay. Daig pa ang mag-asawa sa kanto.

"Guys, hinaan niyo ang mga boses niyo. Natutulog pa sina Seth dito." Saway ko.

"Ito kasi!" Aba't nagturuan pa! Di na lang kasi magluto ng matiwasay. Edi less away pa.

Maya maya pa ay biglang nagtext si Shannen sa end ko.

From: Shannen Larisse Dela Paz
Message: Hoy, asan ka? Nakakalimutan mong Midterm exams ngayon!

Shoot! Oo nga pala!

"PUTANGINA!!! MAY MIDTERM EXAMS PALA AKO NGAYON! Omg! Guys una na ko sa inyo!" Sabi ko. Hindi ko na pinagsalita pa ang anim saka ako umalis ng walang pasabi.

Dali dali akong nagstart ng sasakyan saka umuwi muna sa bahay nang maabutan ako ng nakababata kong pinsan na si Hope.


"Uy, lagot ka kay Ate Shannen! Pinaghintay mo siya!" Sabi ni Hope sa akin. Napakamot naman ako ng ulo. Ano nanaman ang idadahilan ko kina Ma'am mamaya nito?

"I know, i know. Asan si Mommy?" I asked her. Saktong pagtanong ko ay agad akong nakita ni Mommy.

"Trevor Floyd, saan ka nanaman galing? Hindi mo ba alam na may exams kayo? Saan ka ba kasi nagsususuot? Alam mo bang tumatawag sa akin ang principal niyo? Bakit wala ka pa raw?" Sermon sa akin ni Mommy. Buti di ko naabutan si Dad ngayon. Aish, bakit ba lahat ng mga ginagawa ko may equivalent na consequences?

"Kina Seth po. Tumambay po kami to loosen up." I replied honestly. Not gonna lie, I'm not in my good state. For sure, I'll be retaking the exams and will review like the good student I am.

"Naku po. Oh, nag-almusal ka na ba?" She asked as I shook my head.

"Jusko kang bata ka oo. Maupo ka't ipaghahanda kita ng totoong breakfast. Hope, sabayan mo na rin si Kuya Trevor mo kumain." Yaya naman ni Mommy sa pinsan ko.

Habang kumakain kami ay agad kong tinanong si Mommy.

"Ma, Asan nga ulit sina Tito Celso? Saka hanggang kelan natin kukupkupin si Hope? Mamaya kasi baka hanapin yan dun."
I asked her. Mom just took a deep breath before answering me.

"Ewan ko diyan sa Tito't tita mo. Saka mas mabuti kung dito na titira sa atin si Hope. Alam mo naman kung gaano kabarumbado yang tito mo di ba? Halos gawin na niyang punching bag yang pinsan mo. Hindi hahayaan ng daddy mo na ibalik yan basta basta. Alam mo naman yang tito mo. Sutil." Sabi naman ni Mommy.

Napabuntong hininga na lang ako't hinarap si Hope. May point nga naman si Mommy sa mga sinasabi nito kaya naman di na ako nagdalawang isip na kupkupin itong batang ito, since only child lang ako't wala akong makausap.

"Earth to Trevor! Ayos ka lang?" Mom asked me. Ito. Tarantado pa rin naman kahit anong gawin kong pag-aayos.

"Oh, huh? I–uh, I'm still okay Mom. May iniisip lang po ako." I honestly said. And yes, how can I fucking forgot that I still have exams today? Ano nanaman irarason ko sa mga teachers ko? Na nageng-geng lang ako sa labas? Tangina talaga.

"Kuya? Bakit nandito ka pa sa bahay? Di ba dapat nasa school ka ngayon?" Hope asked me. I looked at the time. It's already 8 am and for sure, nagsimula na ang exams namin and for goddamn's sake, hinahanap na ako ng mga teachers ko sa school para magtake ng exams.

Aish, bakit kasi ako naglasing kagabi? Kasalanan talaga 'to nina Kaisen eh! Sarap nilang iuntog sa pader isa isa nang matauhan.

Kaagad akong pumuntang kwarto para magbihis at maghanda para sa school. Lagot nanaman ako kina Ma'am Natividad nito.

Ang terror pa naman ng teacher na yun. Badtrip.

Dali-dali akong nagbihis at nagmadali. Ni hindi na nga ako nagbreakfast para lang dun eh.

Just as I was about to head outside ay nakita ko si Shannen. What the? Don't tell me..

"Sabay na tayo, nagmessage si Ma'am Natividad at Ma'am Rosendo kanina, ginawa nilang pang-hapon yung exams kasi may ginawa sila kanina. Nakapagreview ka ba?" She asked me. Anak ng! Afternoon shift pa ang klase namin? Hutangena!!!!

"P-pero mapapagalitan ako nina Ma'am Natividad niyan eh!" Pagmamaktol ko. Ngumisi ito.

"Ayan, di kasi nagoonline sa gdm! Ano ba kasing ginawa mo't nasaan ka kagabi?" She asked me. Tangina, paano ko sasabihin sa kanya na naginuman kami nina Landon kagabi? Baka naman anuhin pa ako nito. Namumulis pa naman itong isang 'to.

"Weh?" I asked her.

She only hummed in response.

"Oo nga! Knowing Ma'am Natividad and Ma'am Rosendo, ikaw pa naman favorite student nilang dalawa. Jusko naman Belleza!" Shannen teased me. Ito talagang babaeng 'to kahit kelan. Mapang-asar.

"Pinuputangina mo nanaman ang araw ko Dela Paz! Masyado ka nang nambobola ha! Hindi na maganda yan ha!" I say.

She just only smiled awkwardly. Kung hindi ko lang kaibigan 'tong isang 'to, baka kanina ko pa ito sinakal.

"Okay, fine. Just promise me one thing." I say.

"One thing? Kanta yan ng One Direction di ba?" Shannen joked. But I didn't buy it for Pete's sake.

"Do I look like I'm joking?" I asked her. Her face screams horror. Takot naman pala mafriendship over eh.

"Sabi ko nga hindi. Bakit, ano ba gusto mo?" She asked me. I took a deep breath to show that I'm interested in this game at sigurado akong matutuwa rin siya sa binabalak ko.

"Be my girlfriend. Simula ngayon, boyfriend mo na ako." I declared proudly.

Shannen's face fell. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"A-ano?! G-girlfriend mo na ako? Hoy, nanggagago ka ba? O baka high ka lang?" She asked me. Kung nakadroga ako, hindi ko na sana sinasabi 'to sa harapan niya ngayon.

"Kung nakadroga lang ako't nagaadik, baka kanina pa kita ginahasa. Pero dahil gwapo ako, hinding hindi ko gagawin yun sayo. Ano ako? Siraulo?" I challenged her.

"H-hindi naman sa ganun. Pero kasi, di ba dapat—"'
She stopped when she realized that I'm cutting her off. Ayan nanaman siya sa mga kaaningan niya. Hindi na lang itikom ang bibig eh. Lagyan ko siya ng duct tape nang magtigil sa kakaoverthink.

"Shut up, will you? Kaya hindi natutuloy ang mga binabalak ko eh. Ikaw kasi puro what if. Amputa, ipakain ko sayo yang what-if mo eh, magtigil ka lang eh." My words made her pretty little mouth shut.

Magsasalita na nga lang, nonsense pa. Nakakainis. Ayoko pa naman sa mga ganun.

"So.. about sa girlfriend thingy na sinasabi mo"
Shannen told me. Oh, shoot. How can I forget about that shit?

"Oh, right. Baby, let's go. Akin na bag mo." I say that made her mouth agape. What? I'm just doing the right thing as a gentleman — as a boyfriend in particular.

"Hindi ka ba naiilang sa ginagawa natin?"
She asked me. I mean, why not? I'm the one who orchestrated this game so, why not continue playing it?

"Ako? Maiilang? That's not even included on my vocabulary. Saka, di ba dapat baby na rin ang tawag mo sa akin kasi boyfriend mo na ako?" I asked. Her face remained clueless at this point. Tangina, gusto ko na lang matawa sa reactions na binbigay niya sa akin.

"HAHAHAHA! Baby, you should've seen your face." I mocked her playfully. Agad niya naman akong sinapok ng mahina sa ulo.

"Alam mo? Tangina mo at ng mga tactics mong bulok!" She yelled at me as she walked away.

Woah, I didn't expect that move to happen. Amputa, ano nanaman ang nangyari sa isang yun?

Naglasing lang naman ako kagabi, tapos ngayon naman binasted na ako ng babaeng gusto ko.

Damn it.

Broken StringsWhere stories live. Discover now