Chapter 10

24 1 0
                                        


Sickness

Agad akong nagising sa ingay na nagmumula sa baba. Naalimpungatan ako sa mga ingay at tawanan nito.

Pagkababa ko ay bigla kong narinig ang boses ni Mama at ni Papa na kausap si Trevor.

"Hijo, mabuti na lamang at hinatid mo na agad ang aming anak. Sinabihan naman na kasi namin siya na magpahinga kaso ang tigas tigas ng ulo. Gustuhin man namin na sabihin na lumiban muna sa klase kaso ang sasabihin naman niya kesyo baka bumagsak raw siya." Paliwanag naman ni Papa.

"Papa naman, hindi naman talaga ganyan ang totooong rason ko eh.. Pinapahiya niyo naman ako sa kaibigan ko eh."
Saad ko habang pababa ng hagdan. At sina Mama? Ayun, inaasar ako.


"Kaibigan ba talaga? O ka-ibigan? Anak, magkaiba yun."
Pang-aasar naman ni Mama. Ito talaga si Mama, kahit kelan gagawa at gagawa ng paraan para asarin ako eh.


"Ma, nakakahiya yung ginagawa niyo ni Papa. Para niyo naman akong binubugaw sa lagay na yan." Nakabusangot kong sabi. Tumawa naman silang dalawa.

"HAHAHAHAHA! Anak naman, hindi ka naming binubugaw. Saka kung ibubugaw ka namin edi sana may apo na agad kami."
Ang exaggerated naman ng sinasabi nito ni Mama.

Talaga naman oh. Ako pa nga ang ginawang bugaw. Kaya pala ang mokong tuwang-tuwa kapag nakakarinig ng ganyan. What if regaluhan ko siya ng cotton bud stick sa birthday niya?

"HAHAHAHAHAHA! Ikaw kasi eh. Kaya ka nagkakasakit eh, kasalanan mo rin eh." Paninisi ni Trevor. Leche talaga 'tong lalakeng 'to. Walang konsiderasyon.

"Duh, di ba pwedeng nakalimutan ko lang magdala ng payong? Saka, traffic kaya! Buti sana kung kasingbilis ko si Flash di ba? Edi sana nakarating ako ng maaga!" Laban ko. Umismid siya.

"Sus, ako pa lolokohin mo! Eh sinadya mo lang ata na magkasakit ka para mag cutting class eh."
Asik naman sa akin ni Trevor.

Napalingon naman sina Papa sa narinig.

"Ano yun? Hoy, Shannen Larisse! Hindi ka naming tinuruan ng Papa mo na magcutting ha! Nung kapanahunan namin ng papa mo, hindi kami mahilig lumiban sa klase." Pangaral naman ni Mama.

Napakamot ako ng ulo matapos kong marinig ang sermon ni Mama.


"Ma, hindi totoo yun ha! Sadyang makwento lang talaga si Trevor!"
Laban ko saka binigyan si Trevor ng isang nakakasindak na tingin.

"Eh totoo bang nagcutting class ang anak ko hijo?" Tanong ni Papa. Umiling naman si Trevor bilang tugon.

"Biro lang po Tito! Pero totoo pong nagkasakit si Shannen. Akala ko nga po mamamatay na siya eh." Kwento naman ni Trevor sa mga ito.

Ang exaggerated naman ng pagkakasabi. Mas matindi ka pa sa figures of speech na hyperbole!

"Ang exaggerated mo namang magkwento. Kitang madaling maniwala si Papa sa mga sinasabi mo eh!" Sabi ko sabay kurot sa tagiliran nito na ikinagulat niya.

"Aray! Shannen naman! Tito, ang brutal naman po ng anak niyo!" Sumbong naman ni Trevor. Agad naman akong pinandilatan ni Mama sa gawi ko.

"Shannen, tama na yan. Okay lang na magbiruan, pero walang sakitan. Wala naman sa rule of love yan." Pag-aadvice naman ni Mama. Nasuka ako sa huling sinabi ni Mama, Love? Anak ng!

"Ma naman! Kelan pa nagkaroon ng rules sa love love na yan? Eh di ko pa nga nararanasan yan!" Sabi ko pa. Like, hello? Kung pwede lang iconvert sa pera ang love baka naging instant millionaire na ako niyan.

"Alam mo ma, siguro mayaman na ako kung naging pera lang ang pagmamahal sa sinasabi niyo. Saka aanuhin ko naman yan kung sakali?" Pagtataka ko naman.

"You'll never know anak. Malay mo naman di ba? Malay mo na kay Trevor na pala, hindi mo lang namamalayan." Sabi naman ni Papa sa akin. Yung totoo? Promotor ba kayo? Bakit niyo ba ako binibigyan ng dahilan para lang mainis?


Buwisit.


TREVOR'S POV

"Hijo, bakit ngayon lang kayo ng anak ko?"
Pagtataka ng Papa ni Shannen. Kasi naman eh. Bakit kung kelan pauwi na ako sa bahay namin, saka naman ako nagmagandang loob na ihatid 'tong babaeng 'to?

Mamaya, isipin ng magulang niya niyayadong ko na ang anak nila't binigyan ko na sila ng isang dosenang apo.

Aish. Kasalanan talaga nina Landon 'to eh. Bakit ko nga ba sinasamahan ang mga gagong 'yun?

"Ah, eh kasi po napansin ko po kasi na matamlay ang kalagayan ni Shannen kanina kaya po agad po siyang napunta sa Principal's office. And ayun po, pinatawag rin po ako para naman po kahit paano masamahan ko po sa pag-uwi si Shannen. Mahirap na po't baka naglipana ang mga gago sa daan, pagdiskitahan nanaman po siya." Paliwanag ko. Agad namang nakahinga ng maluwag ang mama ni Shannen kahit paano.

"Mabuti na lang at nandun ka, hijo. Pagpasensyahan mo na minsan ang pag-uugali ng anak namin ha. Matigas kasi ang ulo niyan. Pag pinagsasabihan namin eh, parang wala lang sa kanya." Sabi naman ng mama niya. Naiinitindihan ko naman kahit paano ang mama niya. Sadyang makulit lang talaga si Shannen pero she's kind naman deep inside if you get to know her personally.

"Naku, ayos lang po yun Tita. Ang importante po, naiuwi ko po ng maayos si Shannen sa inyo." Sabi ko naman sa mama nito.

Napangiti naman ang mama ni Shannen sa sinabi ko. Mukha lang talaga akong barumbado pero matino pa rin naman ako.

"Siya nga po pala Tita, ano po pala ang pangalan niyo?" Pagtatanong kong muli. Napatikhim ito saka nagsalita.

"Just call me Tita Sienna na lang hijo. And yung asawa ko naman, just call him Tito Leroy. Parents kami ni Shannen."
Tita Sienna told me. Ang classy naman ng pangalan nila. Para akong nakipagmeet and greet sa mga royal couple sa London.

"Nice to meet you po Tita Sienna at Tito Leroy. Medyo hindi nga lang po formal yung pagkakaintro ko but at least I got to know your names po." Magalang kong pagkakasabi.

Napatawa naman si Tito Leroy sa sinabi ko. "Hijo, wag ka nang mag-intro intro. Sayo na ako!" Hala, si Tito naman eh, mapagbiro.

Tumikhim naman si Tita Sienna sa sinabi nito. "Leroy naman! Wag kang maghasik ng kaanuhan mo dito! Ikaw talaga, ang tanda mo na lahat lahat, ang landi landi mo pa rin."

Agad nagpeace sign si Tito Leroy sa sinabi nito.

"Hijo, pagpasensyahan mo na ang asawa ko ha! Masyado kasing bitter to eh. Bet niya kasing mag-ulam ng ampalaya nung bata pa siya." Sabi pa nito.

Umismid naman si Tita Sienna sa sinabi nito. "Leroy naman! May bata dito. Mamaya na lang kasi yan. Saka baka hinahanap na siya ng mga magulang niya."

Napatawa naman ako. Ang cute naman nilang dalawa. Parang hindi halata sa edad nila ang mag-asaran.

Pero sa sobrang saya ko ay hindi ko na pala namamalayan na gabi na pala. Hudyat na aalis na ako at uuwi pa sa bahay.

"Uh, Tito, tita uuwi na po ako. Salamat po sa kwento. Sana hindi pa po ito ang huli nating pagkikita." Sabi ko sa kanila.

"Ah, eh ganun ba hijo? Naku, sayang naman at baka hindi ka pa kasi kumakain ng hapunan. Nagluto pa naman ako." Pag-aalok naman ni Tita Sienna sa akin.

Gustuhin ko man na magstay pa ng kaunti ay naging alanganin pa dahil any moment ay baka maghanap rin sa akin sina Mom and Dad.

"Pasensya na po talaga't naabala ko pa po kayo. Sige po dito na po muna ako. Magtetext na lang po ako kay Shannen pag nakarating na po ako sa bahay." Pahabol ko pa.

Agad akong nagmano sa kanila saka dali-daling umalis pauwi. For sure, mag-aalburoto nanaman sa galit sina Mom and Dad kung saan ako nanggaling.

Hays. Bullshit.

Broken StringsWhere stories live. Discover now