Marry Me
T R E V O R ' S P O V
This is it.
I'm going to propose to the love of my life. Alam kong hindi ito naging madali para sa aming dalawa ang mga nangyari. Mga araw na gusto ko nang mag-let go ng mga bagahe na matagal nang nakasiksik sa mga kaloob-looban ng aming buhay.
It's now or never. I hope she'll say yes to me so that I'll become the happiest man in the world.
"Earth to Trevor! Ano na pre?" Hansel snapped me out of my thoughts. Agad naman ako napatingin sa mga tropa ko saka ngumiti sa kanila, bagay na ikinangiwi ng mga ito.
"Bro, nababaliw ka na. Tara sa EO." Chandler says, causing the other boys to laugh at his remark.
"HAHAHAHA! Siraulo ka talaga golden maknae! Kung nababaliw siya, di ba dapat sa psychiatrist na siya magpakonsulta?" Riley wondered saka tumawa ng pagkalakas-lakas. Agad naman siyang sinapok ng mahina ni Linus.
"Oo nga naman kasi Chandler. Bakit siya pupunta sa eye specialist?"
Napakunot naman ng noo si Dalton saka nagsalita.
"Eye specialist? Or an ophthalmologist?" Dalton wondered. Napalingon naman ang iba sa sinabi nito.
"Ano ba pinagkaiba nun? Eh di ba parehas lang naman din ang ginagawa nun." Linus says, which made Dalton's face turned sour.
"Seriously bro? I mean yeah, okay. Pero still, you could have worded it better." Dalton fought back.
Alis na ko ha. Wala ako diyan.
Ngumisi naman si Julian sa gilid ko. "Ah, talaga ba? Ang importante may ambag ako."
Luh, anong connect nun?
"Julian, tama ka na. Bukas ulit." Asik ko na ikinatawa ng iba.
"Amputa, anong akala mo saken? Free trial sa pagsasalita? Aba, binabayaran ang talent fee ko dito. Di ko sasayangin yan no!" Laban naman ni Julian sa akin.
"Free trial amputa. Ano yan, Spotify?" Hansel asked him. Julian just smiled at him saka nag-peace sign.
"Nope. Oh, ano na. Magsiayos na tayo ng mga gagamitin natin at puro tayo eksena imbis na nag-aayos na sana tayo. Mahal ang bayad magpaayos ng ganitong pagmumukha." Riley instructed.
Agad ko nang inayos ang mga susuotin ko para sa gaganaping proposal mamaya. Muli kong tinignan ang singsing na isusuot ko sa kanya.
It was an emerald cut ring galing sa Cartier. Ang brand kung saan model si Taehyung.
"Naks! Cartier ang tatak ng engagement ring! You could've chosen Gucci though. Ako pa naman ambassador dun." Pagmamayabang naman ni Hansel. Napatawa naman ako sa sikmat nito.
"Ano ba naman yan! Pati ba naman brand ng singsing, pag-aawayan niyo pa. Bakit, kayo ba ang ikakasal? Hindi naman di ba? Not our wedding, not our problem." Linus taunted while eating chips.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Grabe talaga ang isang 'to.
"Malamang! Importante yung kasal no! Ano ba sa tingin mo? Kasal-kasalan sa labas?" Hansel snapped at him. Linus just raised his hands in defense.
"Sabi ko nga, hindi. Hyung naman eh." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo
Hays, ano ba nagawa nito sa past life? Dati ata tong takas sa mental eh.
"Hansel hyung, puso mo." Dalton reminded him.
Hansel just smiled as he leaned his head on his shoulder.
"Aww, mukhang kayo pa ata ang mas ikakasal kesa sa amin eh!" Asik naman ni Shannen. Natawa pa ako nang biglang nagpasabog ng confetti sina Seth. Mga loko loko talaga!
"Asan na? Akala ko ba engaged na kayo?" Pagtataka naman ni Vladimir. Agad akong nagulat sa pagdating mga mokong.
Sakto namang dumating ang mga kapamilya namin. Isang minuto lang ang pagitan. Agad namang nagkasundo ang parents namin na siya namang ikinatuwa ko.
"Hays, buti naman hijo at sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa kasalan rin pala ang tuloy." Sabi ni Mom.
Sumabat naman si Tito Leroy at Tita Sienna sa sinabi nito.
"Oo nga hijo. Akala ko pa naman, di mo na itutuloy ang panliligaw mo. Yun pala itutuloy mo rin."
Agad kinalabit ni mom si Tita Sienna.
"S-Sienna? I-ikaw ba si Sienna Marie Umali?" Mom asked her. Tita Sienna blinked back at her as she scanned her thoroughly before she spoke.
"Tianna? Ikaw ba yan?" Tita Sienna asked her. Mom beamed happily.
"Oo, ako nga ito! Sienna Marie! Ako ito! Si Tianna Luna Lopez! Yung classmate mo nung high school! Kumusta ka na?" Mom introduced herself. Agad namang lumiwanag ang mukha ni Tita Sienna sa tuwa nang maalala niya si mom.
"OMG! Sabi ko na nga ba! Ikaw nga yan eh!!! Kumusta ka na Tianna?" Mom asked her. Funny how these two women chatted in an instant. Siguro kung ibang tao lang itong si Tita Sienna, baka di niya ito pansinin.
"Ito, maganda pa rin. Saka may business na pinapalago." Mom told her. Napapalakpak naman si Tita Sienna sa narinig.
"Really? That's a good news I've heard from you, Mare!" Tita Sienna beamed na para bang inaalala niya ang naging samahan nila ni Mom.
Mom, on the other hand, plastered a smile on her face at tila proud na proud pa sa mga achievements nito.
"Alam mo Sien, yung mga araw na nangangarap lang tayo noon na balang araw yayaman din tayo? Ito na iyun!" Mom told her, to which Tita Sienna agreed with her words.
"Aba'y siyempre! Who would have thought na yung mga anak din natin pala ang magkakatuluyan? HAHAHA! Kids these days, sobrang in love na in love sa isa't isa. Parang pinagbuklod talaga na saging." Tugon naman ni Tita Sienna.
"Hep hep hep! Mga tita, pwede niyo po bang ibigay ang spotlight kina Trevor? Kasi moment po nila ito eh." Pambabasag naman ni Chandler na ikinatango naman nina Mom.
"Ay, oo nga pala. Sige mga anak the floor is yours." Sabi naman ni Mom saka iginaya sila ni Chandler at Julian para bumaba. Agad namang sumenyales si Hansel para sa aking gagawin na proposal.
Agad naman akong napatingin sa babaeng mahal ko – si Shannen na kanina pa nakangiti sa aking harapan.
If she's happy, then I am happier — more like, the happiest man alive.
"Alam kong marami tayong napagdaanan at kakaharapin pang mga pagsubok love pero... despite all of it, ay napagtagumpayan natin ang mga nangyari at sasamahan pa rin kita sa kahit anong hamon. Dahil ikaw ang aking dulo, gitna, at simula. Ms. Shannen Larisse Umali Dela Paz, will you make me the happiest man alive and marry me?" Pag-aalok ko. As she was about to answer ay biglang dumating si Sharlene at walang habas na inaway-away at dinuduro si Shannen.
"Hindi ko hahayaan na sumaya ka! ADILANTADA KA TALAGA SA BUHAY NAMING LAHAT! Layuan mo si Trevor!" Asik nito. Ano nanaman ang pumasok sa isip niya't naisipan niya pang manggulo?
Agad nandilim ang paningin ni Linus saka hinigit ang kanyang mga braso saka siya inalog-alog.
"Ikaw na dipungal ka! Ang lakas lakas ng loob mong magpakita dito! Ang kapal kapal ng pagmumukha mo! Kung di ka masaya sa mga nangyayari sa buhay mo, wag mong idamay si Shannen dito!" Gigil na sambit ni Linus.
Di rin napigilang magsalita ni Riley. Bakas sa kanyang pagmumukha ang pagkamuhi niya dito.
"Aba't ang kapal kapal ng pagmumukha mong magpakita dito?! Bakit, sino ka ba sa inaakala mo? Papakasalan ka ni Trevor? Gising na, Cinderella! Alas dose na! Naghihintay na ang mga trapo't basahan para maglinis. Di ka nababagay dito!"
Dahil din dun ay biglang tumulo ang luha ni Sharlene. Di niya na siguro kinayanan ang mga sermon ni Hoseok at Yoongi kaya agad itong napayuko at tila walang bahid ng kaunting kahihiyan. Immune na ata siya sa ganito.
"P-pasensya na. H-hindi ko sinasadyang manggulo." Sabi nito. Agad nandilim ang paningin ng hyung line sa sinabi nito.
"Di mo sinasadyang manggulo? Tangina, sinong niloloko mo dito?" Hansel asked her menacingly. Sharlene lowered her head even more. On my peripheral vision, ay napansin ko ang pagiging inggitera niya kay Shannen.
Halatang guilty. Sarap niyang tirisin kahit hindi naman siya kuto.
At ang sanang engagement party namin ni Shannen ay biglang napalitan ng kadramahan at kapestehan. Badtrip.
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...
