Chapter 56

14 0 0
                                        

After Seven Years

THIRD PERSON'S POV

Abala si Shannen sa kanyang ginagawa nang agad dumungaw sa kanyang laptop ang kanilang anak na si Tinsley.

"Mom? What are you doing?" Tinsley asked her. Shannen just smiled at her daughter's words. Napatigil muna sa pag-assort ng mga music files si Shannen saka niya muling hinarap ang kanyang anak na kanina pa naghihintay sa sagot nito.

"Oh, this one po ba? I'm just sorting files lang po for music." Magiliw na sagot naman ni Shannen sa anak nito. Mahahalata rin sa features ni Shannen ang kanyang muling pananaba dahil sa pagbubuntis nito sa kanilang pangalawa't huling anak.

Sumulyap naman ang kanyang asawa na si Trevor sa ginagawa nito. Mahahalata sa kanyang mukha ang saya.

"Baby, di ka pa kumakain ng dinner. Come on, I'll make you some food. Tinsley, mind helping Daddy?" Utos naman ni Trevor kay Tinsley at saka agad na pumunta sa kanyang Daddy para tumulong.

"Dad, what food are we going to make this time for us?" Tinsley asked her dad. Napanguso naman si Trevor sa sinabi ng kanyang anak kaya naman ay bigla niya itong sinagot na para bang hindi siya dehado sa sasabihin nito.

"Dad's going to cook kimchi-jjigae, since Mommy's craving for spicy and hot soup." Walang pag-aalinlangang sabi naman ni Trevor sa kanya. Napapalakpak naman si Tinsley sa sinabi nito.

"Wow! We're going to cook a Korean dish for mommy and for my little brother? That's so awesome dad! You nice! Keep going!" Wika niya sa daddy niya, dahilan para matawa si Trevor sa sinabi nito.

"HAHAHAHA! Ikaw ha! Kung anu-ano na ang mga natututunan mo sa Tito Bangtan mo ha!" Sabi naman ni Trevor sa kanya saka pinisil ang ilong ng kanyang anak, bagay na ikinatawa lang ni Tinsley.

Shannen, on the other hand, watched her husband and her daughter bickering and laughing over little things, making her heart swell at the image before her.

Magsasalita pa sana si Shannen nang biglang umeksena ang pitong makukulit. Wait nga, kelan ba mawawala sa eksena itong mga ito? Mukhang napapadalas na kasi yung pagiging extra nila sa kwentong ito ha. Mamaya baka tuluyan na silang maging regular casts sa kwentong pinagbibidahan ng mga kaibigan nila.

Sayang pa man din talent fee nila. De joke lang.

"Uy, Shannen! Okay ka lang?" Riley asked her. Ngumiti lang si Shannen bilang tugon. Mukhang busy pa siya sa kakatingin sa mag-ama niya, baka kasi mawala sa paningin niya.

"Oo naman! Si Shannen pa ba?" Grayson  answered on her behalf, making Riley mad at his choice of words.

"Amputa naman oh! Kelan ka pa naging spokesperson ni Shannen, aber?" Riley asked him. Grayson just shook his head and smiled. Grayson naman kasi eh, masyadong kina-career ang pagiging spokesperson eh. Pwedeng pa-batok sa kanya? Pa-isa lang, promise.

"Riley, yaan mo na si Gray. Ang importante, isipin mo na lang, mas lamang ka pa rin kesa sa kanya. Height palang, walang-wala na siya. Siguro nung umulan ng milyun-milyong cherifer, tulog siya. Kekeke," Pagbibigay naman ng moral support ni Linus sa kanya, dahilan para mag-reklamo nanaman si Grayson sa sinabi nito.

"Linus hyung naman eh! Kitang nananahimik ako dito eh. Patapos na nga lang ang kwento lahat lahat, yung height ko pa rin ang nakikita mo. Yung totoo, hyung? Crush mo ko no?" Panghahamon sa kanya ni Grayson. Nandiri naman si Linus sa sinabi nito.

"Ako? Magkakacrush sayo? Asa!" Linus spat, causing Grayson to laugh at his own ass. Gago kasi eh, kaya ayan di tuloy crinushback.

Maya-maya pa ay agad dumating ang iba pa nilang kamiyembro na sina Hansel, Dalton, Julian, at Chandler.

"Ano nanaman ang kaguluhan dito?" Hansel asked, eyebrows on fleek as high as possible.

At ang tatlo? Hala, nagtuturuan pa. Akala siguro ng mga 'to teacher eh. Di naman lisensyado.

Parang si author-nim.

"Wala. Dahil... panahon na para magsaya! Limutin mo na ang problema! Panahon na para sumigla. Mula gabi hanggang umaga!" Pagkanta naman ni Chandler na ikinatawa lang ng iba.

Napangiwi naman si Julian sa sinabi nito.

"Pre, wag kang maghahasik ng lagim dito. Tumatalsik ang laway mo hanggang dito." Pangaral naman ni Julian dito. Chandler just raised his hands in the air.

"Uy! Gago, di ako kapre. Kung meron man na kapre dito sa grupo natin, aba malamang, si Dalton na iyon!" Chandler swaegfully says, without even noticing the sudden drop of honorifics.

Agad namang umigting ang panga ni Dalton dahil sa sinabi nito.

"Dalton, sinasabi ko sayo. Matuto kang rumespeto sa mga mas nakakatanda sayo. Ilang taon ka nang bastos ah!"

At dahil tarantado si Chandler, yung akala niyang nagbibiro lang si Dalton ay imbes na makinig ay ginawa pa niya itong katatawanan at nagbiro pa ng todo.

"Ikaw nga, ilang taon ka nang kapre ah!"

Dahil dun ay nakatikim ng isang malutong na sapak galing sa hyung niya na idol niya pa man din.

"Alam mo, nakakainis ka na! Sumusobra na yung pagiging tarantado mo! Ano? Walang balak magbago? Ano? Uugaliin mo pa rin ba ang pagiging asal-hayop mo? Sumagot ka!" Nanggagalaiting tanong ni Dalton sa kanya. Agad namang inawat ng kim line si Dalton at yung remaining members ay agad lumapit para aluhin si Chandler.

"Anong kaguluhan ito? Ano nanamang nangyayari sa inyo? Parang walang araw na di nagkakapikunan at nagbabangayan eh. Gusto niyo pa ba akong maglagay ng boxing ring para magsabungan na lang kayo dito na parang mga manok? Parang walang pakiramdam ah! Mind you, buntis ang asawa ko, may bata dito. Utang na loob naman mga tol! Grow the hell up!" Galit na singhal ni Trevor nang maabutan niya ang mga kaguluhan sa sala. Di naman nagkatinginan ang dalawa na halos magpatayan na dahil sa talim ng tingin sa isa't isa.

"Sorry, nadala lang ako ng galit. I mean, di naman ako magagalit ng ganito kung inaayos sana ng isa diyan yung pagbibiro niya." Mungkahi naman ni Dalton. Napahilamos naman ng mukha si Trevor saka dumapo ang kanyang tingin kay Chandler na kanina pa takot makipagtitigan sa kanya.

"Chandler, totoo ba ang sinabi ng Dalton hyung mo?" Mahinahon ngunit may bakas pa rin ng iritasyon sa tono ng kanyang pananalita.

Agad napatango na lamang si Chandler sa sinabi nito.

"Why? Chandler, you should've known better. Dalton is obviously older than you. I mean, look pwede ka namang mag biro pero not to the fullest extent na parang kulang na lang, para mo lang siyang kaage, which is hindi dapat, hindi ba?" Trevor asked him. This time, his serious aura was washed away with a concerning one.

"Akala ko kasi, sasakyan ni Hyung yung joke ko. But then, I've realized na not everyone is joking with you. And with that, naging aggressive ako. Sorry, Dalton hyung. Sorry, T-trevor, Sorry hyungs." Chandler apologized genuinely, ang kanyang mata ay unti unti nang nanlalabo dahil sa kanyang mga luha. Naawa naman ang iba sa kanya kaya naman ay di naiwasan ng iba na mapaluha na rin para di siya magmukhang kawawa at pinagkakaisahan siya.

Nahalata naman ni Dalton ang pag-agos ng kanyang luha kaya naman ay agad niya itong pinunasan at niyakap ito, bagay na ikinatuwa ni Chandler.

"Wag ka nang umiyak. Nasasaktan din kami pag umiiyak ka. Kaya, tahan na. Just promise us na di ka na magjojoke ng mga ganun, okay?" Dalton sincerely says as he wiped his tears gently as he caresses his hair like his own little brother.

The other boys all fell through dahil sa nawitness nila kaya naman ay nakisama na rin sila sa group hug.

"Oh, anong nangyayari na dito?" Shannen asks as she straddled Tinsley on her hips, her growing belly almost protruding a bit dahil na rin sa pagiging visible nito.

"Sikretong malupit!" Sabi naman ni Trevor sa kanyang asawa na ikinakunot naman ng isa ang kanyang noo.

"May di kayo sinasabi sa akin noh?" Shannen asked him. Agad tumingin si Trevor sa kanyang mga kasama at saka naman nginitian ng pito ang binata.

Naku, mukhang under de saya nanaman si Trevor kay Shannen mamaya nito. Lagot!

Broken StringsWhere stories live. Discover now