Sweetheart
Di ako makatulog sa sinabi ni Trevor sa akin kahapon. Saktong sabado ngayon at marami rin akong aasikasuhin na paperworks. Jusko naman 'tong lalakeng 'to. Parang timang naman eh. Bakit naman kasi mahilig magpakilig yung lalakeng 'yun? Kitang di ko macontain ang feels ko dahil sa sobrang kilig eh. Baka naman guni-guni ko lang yung sinabi niya't joke lang pala ang lahat ng yun.
Trevor Floyd Lopez Belleza sent you a message
Trevor: Date tayo, bored kasi ako sa house eh.
Anak ng! Di pa nga Valentine's Day eh. Ang aga naman mag-invite nitong lalakeng 'to. Di ba siya makapagantay diyan?
Agad akong nagtipa ng message sa end niya.
To: Trevor Floyd Lopez Belleza
Message: Bakit? Anong gagawin natin? Saka duh? Midweek na midweek, magdadate? Baka nakakalimutan mong malapit nang mag Midterm exam in a few weeks.
Napabuntong hininga ako't huminga ng malalim. Bakit naman kasi ganun beh? May paganun pa kasi.
Maya maya pa ay nag-ayos ako ng aking higaan nang biglang may tumawag sa akin.
Saan naman nanggagaling ang ingay na yun?
"Shannen Larisse Umali Dela Paz Belleza!" Sigaw ni Trevor. Teka, bakit sinama niya yung surname niya sa surname ko? Di ko naman siya boyfriend or asawa.
Ang kapal talaga ng apog ng isang yun.
"Hoy! Bakit mo naman sinama yung apelyido mo sa apleyido ko?" Sigaw ko sa kanya pabalk.
Ngumisi ito. "Hehehe, ayos ba?" Tanong niya ulit. Agad akong bumaba mula sa kwarto saka ito pinuntahan.
Pigilan niyo ko, baka gusto nitong makatikim ng sapak galing saken.
"Sasapakin na talaga kita pag ako nainis." Pagbabanta ko. Humalakhak lang ito saken.
"You can't do that to me! Foul yun!" Sabi ni Trevor.
Foul daw? Taena niya! Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha ng isang yun.
"Kinginang 'to! Foul pa rin yun kahit saang anggulo! Sino namang nagsabi sayo na ilalagay mo ang surname mo sa surname ko ha?" Asik ko. Tumawa muli ito.
"HAHAHAHAHAHAHA! Yaan mo na! Batas ako eh, kaya sundin mo na lang." Sabi naman ni Trevor.
Muling uminit ang pagmumukha ko dahil sa sobrang inis. "Alam mo? Napakaantipatiko mo! Saka wala namang batas na nagsasaad na pwede mong isunod sa apelyido ko ang apelyido mo! Manyak ka talaga kahit kelan!" Laban ko pa.
"Ako pa nga ang sinabihang manyak. Bakit? Nakahubo't hubad ka ba nung lumabas ka mula sa kwarto niyo?" Bawi niya sa akin. Aba't tignan niyo 'tong isang 'to.
Sumilay ang kanyang ngiti mula sa kanyang labi na mapanukso. Gusto ata talaga nitong makatikim ng isang malutong na sapak galing sa akin eh.
"Hoy, mga bata kayo oo, daig niyo pa ang mga chismosa dito sa barangay natin. Ang iingay ng mga bunganga eh!" Bulyaw sa amin ng isang matandang kapitbahay.
Napayuko ako sa narinig saka bumaling ang aking tingin kay Trevor. Tangina kasi nitong lalakeng 'to eh. Pati ako napapahamak sa mga ginagawa niya.
Leche talaga!
"Lola, pagpasensyahan niyo na po itong lalakeng 'to ha. Gago po kasi yan eh." Sabi ko sabay irap kay Trevor.
Agad napanganga si Trevor sa narinig saka bumawi sa akin. "Ha? Ako pa nga ang gago! Hoy, Dela Paz na kamag-anak ng salonpas at patatas, hindi naman talaga yun yung narrative ko. Bida bida ka talaga. Ikaw ba yung nawawalang cast ng Jollitown? Balik ka na daw dun, hinahanap ka na daw nina Jollibee and friends! HAHAHAHAHAHAHA!"
Aba't talaga naman, ako pa talaga lolokohin ng isang 'to! Sarap niya talagang kutusan sa totoo lang. Pigilan niyo ko.
"Ako pa talaga lolokohin mo sa lagay na yan! Eh sino ba 'tong nangunguna pagdating sa mga asaran? Di ba ikaw?!" Laban ko. As he was about to say something ay agad pumagitna si Lola.
"Oh, tama na yan mga apo! Baka sa sobrang pag-aaway niyo, kayo pa ang magkatuluyan sa dulo. At pag nangyari yun! Ishiship ko talaga kayo!" Hala, kelan pa naging fangirl si Lola sa lagay na yan? At saan naman niya kami ishiship? Sa Lazada o sa Shoppee? Or baka naman sa J&T Express? Isama na rin natin ang LBC kwarta padala, Charot, sa Cebuana Lhuillier pala yun.
A/N: Lagot, isasangla pala kayo ni Lola. Payag kayo dun?
Agad namagitan ang katahimikan sa aming tatlo nang biglang putulin iyon ni Trevor. Nice one talaga. Kitang nagmomoment pa nga ang mga tao dito eh.
"Paano ba yan Lola, asawahin ko na po ba ang bebe ko?" Tanong pa nito na ikinasuka ko. Shuta talaga 'tong lalakeng 'to. Kung ano ano pa ang sinasabi. Saka anong asawa? Bakit, nag I do na ba kami sa simbahan?
Lakas din ng trip ng isang ito eh. Nilaklak na siguro ang Memory Plus Gold Advance na galing sa ibang kwento eh.
Napatawa naman si Lola sa mga sinasabi ni Trevor. Grabe rin pala ang tawa ni Lola, havey na havey kahit corny na ang mga sinasabi ng ulupong na 'to.
"HAHAHAHAHA! Hay nako kayo mga apo, kulang na lang asawahin niyo na ang isa't isa. Bagay na bagay talaga kayo kahit saang anggulo." Sabi pa nito. Agad kaming napatingin sa isa't isa saka nandiri.
"Yuck, Lola, never!" Sabay naming sabi saka kinilig si Lola.
"Ano ba naman kayo mga apo! Wag kayong bitter sa isa't isa. Sabi nga nila, the more you hate, the more you love. Malay niyo naman baka maging kayo nga talaga." Payo naman sa amin ni Lola.
"Eh paano naman po kung ayaw talaga namin Lola—ano nga po ba ang pangalan niyo?" Tanong ni Trevor. Ngumiti naman ang matanda saka nagsalitang mulli.
"Ligaya. Lola Ligaya." Tugon naman nito. Ah, kaya pala Ligaya pangalan niya, kasi baka siya na yata yung nawawalang kamag-anak ni Vice Ganda.
Joke lang po! Baka bisitahin ako ni Lola pag namatay na siya.
"Ligaya? Di ba kanta yan ng Eraserheads?" Muntangang tanong ni Trevor. Pati ba naman kanta, icoconnect mo pa sa pangalan ni Lola?
Agad naman napatawa si Lola Ligaya saka napatingin ng mabuti kay Trevor. Bakit naman ganyan yung pagtingin niya sa kanya? Di nga ako naggwapuhan diyan lola eh. Get your eyes checked 'La, tara na sa EO, sponsoran ko pa pampasalamin niyo sa mata.
"HAHAHAHAHAHAHAHA, Puro ka talaga kalokohan hijo. Baka mamaya iwanan ka na ng gelpren mo pag di ka nagseryoso, sige ka." Sabi naman ni Lola Ligaya.
At sa sinabi pa ni Lola na ako ang girlfriend niya? No way highway, expressway! Kelangan niya munang dumaan sa parents ko bago niya ako shotain. Ano siya, sinuswerte?
"Imposible naman po yang mangyari, Lola Ligaya. Baka mamaya jinojongdae lang pala ako niyan." Asik ko. Napatawa naman siya.
"HAHAHAHAHAHA. Ano yung jongdae? Artista ba yun?" Tanong muli ni Lola Ligaya. Ang lakas rin ng radar ni Lola pagdating sa mga ganito eh. Saan kaya ako makakahanap ng ganitong lola? Ang cool niya kasi saka hindi mo mahahalata sa kanya na nasa katandaan na talaga.
Muling sumabat si Trevor. Mukhang may sasabihin nanaman itong lalakeng 'to. Sana maganda yung sasabihin nito.
"Hindi ko jinojongdae, este iindianin si Shannen, 'La. Best friend ko kaya yan, di ba?" Sabi pa nito. Saka, hello? Ako, best friend niya? Ang kapalmuks naman nitong lalakeng 'to. Wala naman sa bokabularyo ko na kaibiganin ang isang hamak na katulad niya.
"Anong pinagsasabi mo na ikaw tropa ko? Magtigil ka nga!" Asik ko sa kanya. Mukhang di na ata ako titigilan nitong lalakeng 'to kahit kailan.
"Parang di mo ko tinulungan non ah!" Laban naman ni Trevor sa akin. "Pero ayos lang pala na di mo 'ko tropahin, at least ikaw naman yung sweetheart ko." Sabi nito sabay wink sa akin na ikinapula ng pisngi ko.
Pero ayos lang pala na di mo 'ko tropahin, at least ikaw naman yung sweetheart ko
Pero ayos lang pala na di mo 'ko tropahin, at least ikaw naman yung sweetheart ko
Pero ayos lang pala na di mo 'ko tropahin, at least ikaw naman yung sweetheart ko
Ano nanaman ang biglang pumasok sa isip niya't bigla na lang niyang sinabi yun sa harap ng matanda?
Di kaya... may nararamdaman rin siya sa akin kahit na frienemy ko lang siya?
O baka naman...nadulas lang siya't sinabi niya lang yun sa akin para lumevel up ang closeness naming dalawa?
Hays, oo nga pala may Midterm exams pa pala kaming dapat asikasuhin. Anak ng patola naman oh! Siguro nga, baka gutom lang talaga 'to.
Kasi naman eh, kung anu-ano pa ang sumasagi sa utak ko. Instead na mag-focus sa Midterm Exams ko, baka si Trevor pa ang dahilan kung bakit hindi ako makakapagreview ng maayos if ever man na bumagsak ako.
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...
