Chapter 57

13 0 0
                                        


Anniversary


"...pre! Tara inom na tayo!" Rinig kong sabi nina Hansel kay Trevor. Agad akong napasilip sa kanilang gawi nang mapansin ako ni Grayson.

"Patay... mukhang di matutuloy yung inuman natin mga lods!" Sabi niya pa habang nakatingin sa akin. For sure, may nalaman ito.

Pinasadahan ko siya saglit ng tingin saka ako ngumiti para di na siya masindak pa sa mga tingin ko.

"K-kanina ka pa nandito?" Tanong naman ni Linus. Ngumisi naman ako bilang tugon. Aba, bakit? Bawal na pala akong magbantay sa asawa ko? Baka mamaya naman kasi kung sinu-sino nanaman ang ireto nila sa asawa ko. Subukan nila't baka may lumanding na kamao sa mga pagmumukha nila.

"Ah, so ayaw niyo palang nandito ako? Nakakaistorbo na pala ako sa inuman sesh niyo? Sige, aalis na lang ako. Tutal parang ako pa yata ang nakasira ng araw niyo." Pabalang na sagot ko sa kanya. Damn these hormones. Kung di lang ako buntis ulit eh. Gago rin kasi tong si Trevor eh, gusto niya na agad masundan si Tinsley.

"Babyyyy! Andito ka pala!" Lasing na tawag sa akin ni Trevor. Pinanlisikan ko lang siya ng mata. Sige, inom pa! Papatulugin ko talaga siya sa labas ng bahay pag di pa siya tumigil na uminom diyan.

"Don't call me baby, unless you mean it." Saad ko. Pero teka... linyahan yan ni Ed Sheeran ah! Bakit naman ako nangunguha ng di naman sa akin? Wow, hugot yern?

"Hala! Si Shannen humuhugot na, akala ko hanggang banatan lang siya magaling eh. HAHAHAHAHA!" Siraulong sagot ni Linus. Pasalamat siya't buntis ako kasi kung hindi, baka kanina ko pa ito sinipa palabas ng aming home sweet home.

Umeksena naman si Riley. "Wag mo kasing ginagalit ang buntis, hyung. Mamaya sipain ka niyan palabas ng tahanan nila." Grabeng utak yan, Riley. Paano niya naman nalaman yung mga naiisip kong gawin? Mind-reader ba siya sa past life niya?

"Wag mo naman kareerin yung pagiging kabayo mo, hyung. Mamaya baka mamana pa yan ng bata, kawawa naman." Sabat naman ni Chandler. Agad namang tumalim ang tingin ni Riley dito saka kinwelyuhan ito.

"Aba't ang talas naman ng pagkakatabas ng dila mo, bata. Let me fucking remind you, mas matanda ako sayo, kaya sana naman kahit konting respeto naman sa akin bilang kuya mo sa grupo. Hindi porket ako ang close mo doesn't mean that I'll just let it slide and pass. Matuto ka namang ilugar yang joke mo, nakakabastos ka na!" Sigaw ni Riley saka inawat nina Hansel, Dalton, at Linus si Riley, habang sina Julian at Grayson ang umalalay kay Chandler.

"Tama na! Kitang nag-uusap lang tayo dito eh. Bakit kailangan niyo pang umabot sa pisikalan? Ano kayo, mga kinder?" Singhal naman ni Trevor sa kanila. Napasapo naman siya ng ulo saka ito umalis.

At kami? Ayun, mga di na makagalaw na akala mo naglalaro ng ice ice water at sabay sabay nanigas sa kanya-kanyang mga pwesto, not even dared to move para sana maka-move on na.

"Guys, June na. Baka naman oras na para gumalaw." Rinig kong sabi ni Dalton. Poor Daltonie. Sorry na baby. Sige na nga, pagalawin na natin sila.

Agad namang napabuntong hininga ang iba pa saka umiyak.

"Akala ko, forever na tayong magiging statue of liberty eh!" Madramang sabi ni Riley na agad binalingan ni Linus saka binatukan ng mahina. Jusko Sope, bakit ba kayo nagkakaganyan?

"Anong statue of liberty ang pinagsasabi mo diyan? Wala ka naman sa Big Apple para gawin mo yun. Bobo!" Savage na sagot ni Linus saka naman napakamot si Riley sa sinabi nito.

"Ouch naman sa bobo hyung. Baka pwedeng makahingi ng isang braincell diyan sa utak mong mataba?" Sagot naman ni Riley sa kanya. Agad umismid si Linus at hindi siya pinagbigyan sa sinabi nito.

"Nope. I can't do that Riley, unless kung idedate mo ko." Matapang naman na sagot ni Linus na ikinalaglag naman ng panga ng iba pa.

"HUH? ANO? MAGDADATE KAYO NI RILEY?" Sabay sabay na tanong namin sa kanila. Agad ngumiti si Linus saka inakbayan si Riley na kanina pa namumula dahil sa hiya at kakapalan ng pagmumukha.

"Uy! Sakto! Anniversary din namin ni Trev! Gusto niyo bang mag-double date tayo?" Suggestion ko. Just as he was about to say something ay biglang umeksena ang dalawang magbebe na sina Hansel at Dalton.

"Uy! Bakit double date lang kung pwede namang triple date na lang?" Sabay na sabi nila. Itong dalawang ito, di mapaghiwa-hiwalay. Si Moses nga napaghiwalay yung mga dagat eh, ito pang dalawang ito?

"Hala! Bakit kayo lang? Paano naman kami?" Tanong naman ng maknae line, dahilan para mapasapo ako ng noo. Pati ba naman sila sasama? Edi hindi na date to, picnic na ito. More like, bakasyon na ang gagawin namin kung ganun.

"Ampucha! Magbakasyon na lang kaya tayong lahat? Pucha, pati ba naman itong maknae line sasama pa? Edi hindi na date ito! Bwisit!" Naiinis na sagot ni Linus.

Napatawa naman kami sa pag-aalburuto nito. Kasi naman eh, bakit sasama pa sila? Pero ayos lang din para di boring ang kalalabasan.

"Ayun oh! Bakasyon daw! Sige, saan tayo?" Tanong ni Trevor. At yung pito? Parang mga nakawala sa manila zoo ang peg. Atat na atat lumabas mga besh?

At ayun na nga po, nagsimula na silang magplano ng mga itineraries nila kuno. Sana all po muna may budget pang-gala di ba?

"Hep hep!" Sabi ko sa kanila. At ang gagong Chandler, nagjoke pa.

"Hooray!" Yan na nga bang sinasabi ko eh. Ayoko ng jinojoke time ako eh. Kitang seryoso ako sa mga suggestions eh. Batuhin ko kaya siya ng banana milk?

"Kala kasi nitong batang to nagbibiro eh. What if manahimik ka muna sa gedli Chandler?" Hansel shooed him away. Wala sa timing yung pagjojoke time niya sa akin eh, kaya ayan tuloy, napapagalitan siya.

"So, saan nga tayo?" Tanong naman ni Julian. Nag open naman ng cellphone si Riley saka gumawa ng polling vote chart.

"The nominations for the best provinces are now open. Any suggestions?" Anunsyo niya sabay tingin sa gawi namin.

"Boracay tayo!" Suggestion ni Linus. Agad namang tinype ni Riley yung lugar na binigay ni Linus. I mean, okay, pwede rin namang mag-boracay, pero masyado na kasi yun overcrowded.

"Siargao tayo mga besh!" Sabay na sigaw ni Dalton at Hansel. Sus, mag-babar hopping lang itong mga to eh. Pero okay, sige gusto ko rin diyan. At agad namang nilagay ni Riley yung suggestion nina Hansel.

"Wala na ba?" Riley asked them. Agad namang nagtaas ng kamay si Grayson.

"Baguio na lang tayo tapos akyat tayo pa-Ilocos tapos Pagudpud para masaya!" Suggestion naman niya. Agad lumiwanag ang aming mga mata pagkasabi niya sa mga lugar na yon! AAAAA! Strawberry ng La Presa!!!

"Uy! Sige diyan na lang tayo!!!! Tapos akyat tayo ng mga bundok!" Sabi naman ng iba pa. Kaya ang ending, nasunod ang gusto ni Grayson saka nagpatuloy sa pagpaplano.

"Alright! Since na-finalize na natin yung destination na gusto natin, who'll handle the finances pala?" Riley asked us. Agad namang nagtaas ng kamay sina Jin.

"Okay, ganito. Sa gas pa lang kasi, mukhang mapapagastos tayo. Kaya siguro mga more than 10k ang ibabudget natin para sure." Hansel instructed. Agad namang umangal si Dalton na siyang mathematician ng grupo.

"Actually hyung, hindi lang more than 10k ang magagastos natin eh. May mas mahal pa yan diyan, so make it around 20k para mas sure. Kasi tignan mo, bibili tayo ng strawberry jam, kukuha ng strawberry, tapos after that, kakain pa tayo, maghohotel." Payo naman ni Dalton na ikinalaglag naman ng panga ng iba.

At ano kamo? More than 20k ang gagastusin namin dun?

"Okay lang yan Shan, sulit pa rin naman ang anniversary niyo eh. Sagot na namin pati ng management kaya worry no more na." Sagot naman ni Linus. Hays, salamat at may nasabi ding maganda ito.

And for sure, isasabay na nila sa anniversary namin ang anniversary nila as a group. Mukhang exciting 'tong trip na ito! 

Broken StringsWhere stories live. Discover now