Chapter 5

28 4 6
                                        


Game

"So.. friends na ba tayo?" Tanong ni Trevor sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa direksyon niya't hindi umiimik.

Napatikhim ako. "What do you mean by that? Friends na as in like... best friends or with benefits?" Inosenteng tanong ko. Napahalakhak naman si Trevor sa akin saka hinaplos ng marahan ang aking pisngi.

"HAHAHAHAHAHA! Ano ka ba Shan, you're overthinking too much. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Kakacellphone mo yan."
Sermon sa akin ni Trevor saka nagwink. Anak ng! Wala naman sa usapan ang kumindat ah!

Itong si Trevor talaga, porket sikat lang sa mga students dito sa academy eh. Palibhasa kasi porket mayaman lang 'tong isang 'to.


"Gago! Kung makalecture naman saken 'to parang akala mo talaga ikaw nanay ko eh. What if sakalin kita diyan?" Asik ko. Nagulat naman si Trevor sa sinabi ko. Ang epic ng pagmumukha eh! Sarap gawing tarpaulin at ipost sa mismong gate ng school!

"Paano mo naman nasabi na ako nga talaga nanay mo? Eh hindi naman kita kadugo. Siraulong nilalang." Asar sa akin ni Trevor. At anong sabi niya saken? Siraulo? Aba, ayos din 'tong kumag na ito.

"Sinabi ko lang naman ah! Saka bakit, may problema ka ba sa sinasabi ko?" Asik ko ulit. Minsan, mapapaisip ako kung tao pa ba 'tong kausap ko o alien? Siguro both.

Mula sa aking peripheral view, nakita ko si Calli, kasama si Lindsay na hingal na hingal kakatakbo. Saang marathon nanaman sila galing at parang akala mo mawawalan na ng oras dito sa mundo?

"Oh, saang Fun Run nanaman kayo sumali at hingal na hingal nanaman kayong dalawa?" Pagtataka ko. Napalingon ako sa nakita.

Oh, the wannabe queens. Sina Sharlene, kasama sina Kiarra at Chloe. May pa-flip flip pa ng hair, akala naman siguro ng mga ito, aangat ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan lang ng pag-rampa at pagpapaganda. Ang nakakatawa pa dun, kahit anong paganda nila, salungat pa rin naman yun sa ugali't grades nila. Palpak na nga, bagsak pa.

Kaya ayan, kahit anong bayad pa ng mga parents nila sa summer class, wala pa ring kwenta - parang existence lang nila.

"Oh, first time niyo lang bang makakita ng matalino slash maganda? Bakit? Nakakasindak ba?"
Tanong ni Sharlene sa amin. Tawa lang ng tawa ang dalawang kupal sa harapan ko.

Nasuka naman ako sa mga sentence niya. Pfft. Matalino? Saan banda? Eh puro make up kit nga lang ang dala dala ng mga yan eh.

Tumikhim naman si Calli sa narinig. "Maganda ka pala? Tangina, di ako aware na meron ka palang ganun! Saka, di ba dapat may notebook at pamphlets kang dala? Bakit makeup kit lang ang dinala mo? Mukha bang beauty salon 'to?" Asik pa nito. Napatawa naman ang buong cafeteria sa sinabi nito.

Hindi napigilan ni Sharlene na ikuyom ang kanyang mga palad. Wala naman pala 'tong babaeng 'to sa kaibigan ko eh. May ugaling basag-ulo pa man din si Calli.

"What did you just say?" Gigil na tanong ni Sharlene dito. Muling umabante si Calli sa kinatatayuan nito.

"Binabalaan na kita, Sharlene Rose Villarin Hermosa. Hindi mo ikakaganda yang pagiging bully mo dahil unang-una, isa kang ingrata na napilitan lang na iluwal ng nanay mo, kahit ang totoo, hindi naman niya ginusto na buhayin ka!" Asik ni Calli.

Namumula na sa inis si Sharlene sa sinabi nito sa kanya. Di ata niya matake ang ugali ni Calli. Kung maldita si Sharlene, mas malala naman ito.

"You bitch!" Akmang sasampalin naman ni Sharlene si Calli nang may humarang na isang kamay, hudyat na pinapahupa na ang away na namamagitan sa kanilang dalawa.

Si Trevor. Agad namang napanganga sina Kiarra at Chloe sa nakita.

"Anong ginagawa nanaman ng tatlong kupal dito?"
Pagtataka ni Trevor sabay napatingin sa gawi nito.

"Omg, Fafa Trevor, save us from those bitches naman oh! Inaaway kami ng mga froglets na yan." Muntangang sabi ni Sharlene. Nasuka naman ako sa narinig. FAFA? WTF! Kelan pa naging bading si Trevor?

Trevor just did the opposite. Hindi niya pinakinggan si Sharlene at nilampasan lang ito.

Fafa Trevor pa nga. Pftt. Nakakabaklang pakinggan. Sarap niyang ipatapon sa planetang Jupiter.

Teka nga, kakaaral ko 'to sa Science eh. Di ba dapat sa trash can? Tutal parang mas bagay siya dun.

"Fafa Trevor pa nga. Kelan pa ako naging bading? Saka, pwede ba? Tantanan niyo na ang girlfriend ko kung ayaw niyong mauwi sa principal's office!" Pagbabanta naman nito. Huli na nang marealize ko ang next few lines ni Trevor na kaagad nagregister sa utak ko.

Tantanan niyo na ang girlfriend ko

Tantanan niyo na ang girlfriend ko

Tantanan niyo na ang girlfriend ko

Ano kamo? Ako girlfriend niya? Wow, saang information niya nakuha yun? Di ako aware dun ha.

"WHAT? GIRLFRIEND MO NA SI SHANNEN?" Tanong nilang lahat dito.

"...wala na kayong pakeelam 'don." Sabi ni Trevor saka hinigit ang kamay ko. Agad naman sumunod sina Calli sa likod ko.

"Wait, Fafa Trevor!" Sigaw naman ni Sharlene.

Narinig kong tumikhim si Kiarra.

"Bes, mukhang malabo na mapasayo si Trevor my loves mo. Halatang gusto niya si Shannen eh."


Agad akong lumingon sa kinaroroonan nila. Halatang galit na galit na si Sharlene dahil sa sinabi ng kaibigan niya.

Muling nagsalita si Sharlene. "Trevor will be fucking mine! I'll seduce him until he falls in love with me!" Nanggagalaiting sabi nito. Napatawa naman si Lindsay sa sinabi nito.

"In your dreams, Sharlene! Bawi ka na lang sa next life lods! HAHAHAHAHA!" Mukhang hindi na mawawala sa kanila ang pagiging tarantado. Kanal humor ba naman ang pag-uugali.

"AAAAAAAAAAAA! Humanda kayo saken! Lalong-lalo ka na Shannen Larisse! Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya. Bakit naman ako maghahanda? Mukha ba akong may birthday?

Saka, kung magbibirthday man ako, paniguradong hindi siya invited dun! Asa!

"Tama na Sharlene! Nakakahiya ka na."
Saway sa kanya ni Chloe. Tama yan, pagsabihan niyo yang kaibigan niyong may lahing ahas.

At tuluyan na nga kaming umalis sa cafeteria. Nakakainis kasi yung tatlong bruha dun.

Dali-dali naman kaming pumasok sa library. Huli na nang marealize kong magkahawak kamay pala kami ni Trevor papasok. Issue nanaman 'to panigurado.

"Uy! Ang taray! Holding hands while walking! Ay oh! Pumaparaan naman pala 'tong si Kuya Pogi sa tropa namin!" Sigaw ni Calli. Pag kami pinalabas talaga, kakalbuhin ko 'tong kaibigan ko.

"Hyacinth Callista! Ang ingay ingay mo! Mamaya palabasin tayo dito ng di oras." Saway ko.

Agad nagpeace sign si Calli sa gawi namin saka nagbow, ngunit huli na nang biglang pumasok ang principal.


"Ms. Hyacinth Callista Melendez Feliciano, come see me at the office!"
Sabi naman ng principal.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko, napunta nga sa office si Calli. Ang ingay ingay kasi. Sasabunutan ko talaga 'tong babaeng 'to.

At the end of the day, ayun parang binagyo ang nangyari sa araw ko. Sabayan mo pa yung trip to the principal's office na nangyari kay Calli.

Hays. Mukhang literal na nilaro kami ng tadhana dahil sa mga nangyari ngayong araw na ito.

Lalong lalo na sa sinabi ni Trevor sa akin. Wow! Speechless ako dun ha!

Anyways, if this is the game that he wants me to play, then let's bring it on!

Ako lang naman si Shannen Larisse Umali Dela Paz, ang babaeng hindi umaatras sa kahit anong laban. Kalabanin na nila ang lahat ng tao dito sa school, wag lang ako.

I know how to play fair and square anyway. Ako pa talaga ang hinamon niya ha!

Sige, tignan natin kung sino mananalo sa larong sinasabi niya. Babawiin niya rin ang mga sinasabi niya sa akin in no time. 

Broken Stringsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن