Chapter 18

18 0 0
                                        


Real Score

"Ano ba talaga tayo? Ano ba ako sayo?" Tanong ko kay Trevor. Like, duh? As his sole best friend, I need to know my limits. Na hindi porket best friend niya ako ay pwede ko nang gawin ang lahat.

Every move I make will always have a limit. Each goddamn step. In every way possible.

This time napahinto siya sa paglakad. I must have hit a nerve. Oops.

"I've already told you na gusto kita. Gusto mo bang itranslate ko pa sa ibang language para lang magets mo?" He asked me, his brows furrowed in confusion.


"I mean, yeah okay the feeling's mutual lang rin naman pero.. Di ba dapat nililigawan mo na ako para naman may label naman tayo kahit paano?" I asked. He gnawed at my statement.

"Label? Anak ng! Bakit gustong-gusto mo na may ganun pa na term? Parang sinasabi mo na rin sa akin kung hanggang saan lang ako lulugar sayo. Parang sinasabi mo lang din na "okay sige hanggang dito na lang tayo, nothing more, nothing less." Tapos ano? Pag natapos na tayo, saka mo isusumbat? Shan naman. Hindi pa ba halata sayo na gustong gusto kita? Hindi pa ba sapat sayo na ikaw lang priority ko? You're my number one girl in my heart. Courtesy by Rosé kasi wala nanaman akong marebat." Sabi niya. Just as I was about to pout ay agad siyang napangiti. Pero nung tinignan ko siya ng maayos ay bigla niya ring binawi ang kanyang ngiti na namumtawi sa kanyang labi.

"Ako nga ba talaga number one girl mo? Sus, baka palusot.com mo lang yan eh." Pagbibiro ko. Napahalakhak naman ito.

"HAHAHAHAHAHA! Shutangina ka talaga kahit kailan eh. Okay ka rin eh. Ako pa nga ang nagpapalusot. Sino kaya 'tong laging nag-aantay ng message ko tuwing 7 am para lang may makasabay ka?" Ito nanaman tayo. Lagi na lang ba niyang ibabalik yung nakaraan?

As far as I know, tapos na yun.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Parang ikaw hindi ka naging ganun ah! Sa ating dalawa ikaw ang OA at ako ang nonchalant. Magtigil ka nga!" Pang-aasar ko. Muli nanaman itong tumawa.

"HAHAHAHAHA! Wow! Ako pa nga ang nonchalant ngayon! Ako pa nga! Shuta ka talaga kahit kailan. Wala ka nang ginawang tama!" Asik ko sa kanya. Agad namang sumama ang timpla ng kanyang mood.

"If there's one thing na may nagawa akong tama sa tana ng buhay ko, that is to.. Treat you better like a queen. Deserve mo yun Shan. Deserve na deserve mo." Trevor honestly told me. May tinatago palang kabaitan 'to. Akala ko puro lang siya kashit-an sa buhay eh.

Pero at the same time, natouch ako dun ha. Speechless ako dun ha. Sana all ganun.

TREVOR'S POV

Having Shannen around is like a pill that I need to take everyday.

Like a dietary supplement. My human vitamin. My happy pill. My everything.

She's the only one who can heal my tortured heart. Being broken is different from torture.

Pag broken ka kasi, parang iiyak mo lang yan sa isang tulugan then the next day you'll be okay and whole again.

Whereas, kung tortured ka you'll always encounter every inch of pain. Every different cuts and every different depths of wounds that will forever etched into your heart.

"Alam mo, may napansin ako sa friendship natin." Bulalas ko. Napatingin siya sa akin. With a hint of glee.


Wow, ayos din tong babaeng to eh. Shining shimmering ang peg ng kanyang mata.

"Ano naman? May improvement naman ba?" She asked me. Shit, paano ko ba sasabihin to sa kanya?

"Listen carefully. Okay, gets mo naman siguro kung bakit kita gusto. Hindi dahil sa maganda ka. Gusto kita kahit sa paraang gusto ko..." I instinctively held her hand to intertwine with mine.

"Kasi mahal na mahal kita. Gusto kita Shannen. Maghihintay ako. Hindi kita pipilitin. Liligawan kita araw-araw, Susuyuin, mamahalin, aalagaan. Everything. Name it, and I'll do it."


"W-wow, Speechless ako dun ha. H-hindi ko alam ang sasabihin ko. Does this mean na nanliligaw ka sa akin or anything? Baka nam–" I cut her off. Just as I was about to kiss her ay may nanggulo sa may bandang gilid namin.

"Uy! Yun oh! Magiging ninong na ba kami?" Si Landon. Anak ng! Anong ginagawa nila nina Seth dito?

"Uy, Anong ginagawa niyo dito? Bakit niyo naman iniwan ang mga girlfriend niyo?"
Pagtataka ko. Just as they were about to respond ay saktong dumating sina Dahlia at Carmille.

"Chica!" The two girls squealed. Agad namang napatakbo si Shannen saka niyakap ang dalawa. How can I forget that? Best friends ni Shannen ang dalawa.

And me? Tropa ko rin ang mga husbands nito. Akala niyo siya lang?

"Uy! Buti naman napadalaw kayo. Musta mga buhay buhay?"
I asked them. Siyempre I need to be sensitive too. Lalo na't baka mabanggit ko yung kinaiinisan nila. Mahirap na.

"Ito, busy magpakatatay. Hahaha. Pero at least hindi katulad dito sa isang 'to. Imagine, tumira lang ng tres, may anak na agad, dalawang beses." Pang-aasar ni Landon sabay tingin kay Seth.

Gagong Landon talaga.

"Eh, kumusta naman kayo ni Carmille? Kelan niyo balak sundan si Larisse?"
Tanong naman sa kanya ni Seth.

Napatikhim si Landon ng kaunti saka nagsalita. "Napapansin ko nga suka ng suka si Carmille. Eh everytime na nadadatnan ko sila ni Larisse, naabutan kong tumatakbo pabalik-balik sa CR."

Napatingin kami ni Seth sa isa't isa saka nagasalitang muli. "Pacheck up mo na yan, bro. Baka hindi yan simpleng love-nat, este lagnat pala. Baka mamaya buntis na si Carmille." Sabi namin sa kanya.


Landon just nodded his head as a response. "Will do. Pupunta kamii sa drugstore to buy pregnancy kit to confirm if buntis talaga baby ko. I'll be happy if totoo ngang buntis si Carmy."


Tinapik-tapik naman namin ni Seth ang balikat nito. Shuta ang lapad taena.

"Balitaan mo kami ha. Willing kaming samahan ka na bilhan ng baby kits para sa baby number two niyo ni Carmy!" Like hello? That's how I give my moral support – by buying clothes for their second child and as well as to spoil their princess.

"Sagot ko na pala yung gamit ng mga bata."
I reassured him. Agad naman kaming niyakap ni Landon as a way of saying thank you. Bagay na ikinapapsalamat namin ng husto.

"Thankful ako sa inyong dalawa grabe. Kaya worth it kayong gawing ninong eh." Pagbibiro pa nito sa amin.

Ayos rin ang tactics ng isang to eh. Kaya pala nagpasamang magpabili ng gamit ng anak nila kasi kami pala ang gagawing ninong.

Ibang klase rin ang gimmick nitong lalakeng 'to eh.

"Oops, wait lang..." Si Seth. Aba, ano nanaman kaya ang sasabihin nitong lalakeng 'to?

"Trev... ano na ba real score niyo ni Shannen?"

His question made my jaw dropped on the floor. Sa lahat ba naman ng tatanungin niya, bakit yun pa?

"Real score namin? Ayun... liligawan ko na."
Shutang utak yan, bakit yun agad ang nasabi ko?

"AYUN OH!" Hiyaw nilang dalawa saka nag-high five pa ang mga loko. Wow! Pagdating talaga sa ganitong bagay, in-game na in-game silang mang-asar at pagtripan ako in a good way eh.

"Naks! Binata na ang Trevor namin! Magpapafiesta na ba ako?" Muntangang tanong ni Landon. Napatawa naman si Seth sa sinabi nito.

"HAHAHAHAHAHA! FIESTA PA NGA ANG NAIS! TANGINA MO TALAGA LANDON! UNAHIN MO MUNA SI CARMILLE, KUKURUTIN KO NG NAIL CUTTER YANG ITLOG MONG DI MAPIRMI-PIRMI!"

Ang bubrutal talaga ng dalawang 'to. Parehas gwapo na may pagkagago.

Magsama nga silang dalawa diyan! Bahala na silang dalawa diyan na magbangayan na parang aso't pusa.

Peste.

Broken StringsWhere stories live. Discover now