Mad-nae
"Oh ano na?" Hansel asked us sassily. Napatingin lang kaming lahat sa direksyon nito. At ang Hansel niyo, nakapameywang pa. Shala talaga nitong isang 'to.
"Anong ano na? Baka pwede mo kong tanungin kung pwedeng tayo na?" Dalton asked him while wiggling his eyebrows playfully. Sinamaan lang siya nito ng tingin.
Napabuntong hininga muna si Hansel saka nagsalita. "Alam mo, kaka-cellphone mo yan! Kung anu-ano na yang nasasagap mo na fake news sa social media. Umayos ka nga!" Hansel scolded him. Binigyan lamang ni Dalton si Hansel ng peace sign, to which Hansel looked at him. He looks so damn done with his attitude.
"Dalton Lear, pwede bang magseryoso ka naman? Tangina, nakakainis ka na eh!" Ayan na nga bang sinasabi ko eh. Wag ginagalit si Silver Mad-nae.
Kung si Chandler ay isang Golden Maknae, si Hansel naman ay isang Silver Mad-nae. Ayos!
"Seryoso naman ako pagdating sayo ah! Ikaw nga 'tong pakipot eh!" Pahabol pa ni Dalton. Aba aba, kakatapos lang ng Valentines eh, bumabanat nanaman itong isang 'to.
"Ampota! Wala ka na bang ibang gawin bukod sa pang-aasar sa akin?" Hansel asked him. As he was about to say something, I cut them both off. Mamaya kasi baka kung saan na humantong 'tong conversation nila eh.
"Oops, tama na yan. Mamaya, baka kayo pa ang magkatuluyan instead na magkajowa pa kayo ng babae." I told them. Napalingon naman sina Dalton sa gawi ko. Jusko, wala pa sa kalahati ng taon, nag-aaway nanaman silang dalawa.
"Yuck, I better not!" Saad ni Hansel, with his usual disgusted look. Habang si Dalton naman ay kasalukuyang nakatingin lang ng direcho at parang wala siyang masabi. Paano ba naman kasi, ang aura ni Dalton, lakas maka-big boss ang atake.
Maya-maya pa, biglang sumabat si Grayson. "Anong nangyayari? Tapos na ba ang teleserye niyo diyan?"
Sinamaan ko ng tingin si Grayson. Akala siguro nito naglalaro eh.
"Wag ka na kasing sumabat Grayson hyung. Pagtuunan mo na lang ng pansin yang height mo kung paano ka tatangkad." Pang-aasar sa kanya ni Chandler.
Ito talagang bibig nitong Golden Maknae na ito eh, di naman sasakyan yang bibig niya pero wala siyang preno sa pang-aasar eh.
"Chandler Hayden." Grayson warned him. Mukhang pati ata tong dalawang 'to magiging si Tom and Jerry dahil lang sa pang-aasar.
"Tama na kasi, Chandler. Kitang di na nga natutuwa si Gray eh." Saway naman ni Julian sa kanya.
Umalma naman si Chandler sa kanya. "Julian hyung naman! Kitang nilalambing ko lang naman si Grayson hyung eh."
Sumimangot naman ako. "Paglalambing ba talaga yun, Chandler? Eh parang form of bullying na yang ginagawa mo eh."
Napatuop naman si Chandler sa sinabi ko. Wala naman pala 'to eh.
Linus just clapped at my bold move. Nakakahawa naman pala ang pagiging savage niya. Pati ako nahawaan.
"Uy, oo nga pala!" Sigaw ni Riley sa amin. Anong meron nanaman sa kanya? Bakit parang akala mo nasa bundok tralala kung makasigaw naman 'tong lalakeng 'to.
"Bakit?" Pagtataka namin sa kanya.
Huminga muna ng malalim si Riley bago siya nagpatuloy na magsalita.
"BIRTHDAY NA NI SEXBOMB LINUS HYUNG BUKAS! GET! GET! GET GET AWWWW! RAWR! ESTE MEOW PALA!" Anunsyo ni Riley na ikinatawa naming lahat dahil sa sinabi nito.
"HAHAHAHA! AMPOTA! KELAN PA NAGING PARTE NG SEXBOMB GIRLS SI LINUS?" Hiyaw ni Hansel. Napatawa naman kami dahil sa sinabi nito.
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...
