Chapter 2

44 4 2
                                        


Deadline

"Trevor, may problema tayo." Bungad na sabi sa akin ni Leslie mula sa kabilang linya. Agad pumintig ang ulo ko dahil sa narinig. Paniguradong sina Peyton nanaman ang may kagagawan ng problemang sinasabi niya.

"Anong problema?" I asked her. Leslie took a deep breath before speaking.

"Binayaran daw nina Peyton ang mga panelists para hindi sila mapasama sa defense natin next next week."

Magkahalong inis, galit, at pagkamuhi ang nararamdaman ko para sa kanilang dalawa. Tangina talaga ng mga gagong 'yun. Hindi na nga sila tumulong sa paggawa ng research, sila pa 'tong may ganang magbayad?

"Kanino mo nalaman ang kwentong 'yan?" I asked her. Agad namang napalabi si Leslie sa kabilang linya.

"'Kay Shannen. Ang representative ng Humanities Department." Sabi pa nito. Tangina talaga ng dalawang gago na 'yun! Ang kakapal naman ng mga pagmumukha nilang bayaran ang research para lang hindi sila magdefend ng research paper?

Palibhasa mga anak-mayaman din katulad ko. Pero, kahit na anak-mayaman din ako, hinding-hindi ko gagawin ang bagay na yan para lang makalusot at makagraduate.

Kaya di umaasenso sa buhay eh. Peste.

At ang babaeng binanggit ni Leslie. Isa rin siya sa mga gumugulo ng isip ko. Kaya di ako makapag-focus agad sa ginagawa ko eh.

"Paano natin sasabihin yan kina Ma'am yan? Anong ipapalusot natin diyan?" Pagtatanong pang muli ni Leslie. Napaisip isip ako. Paano ko rin pala sasabihin yung ganung scenario.

"Siguro, sabihin na lang natin yung totoo kina Ma'am at ipaubaya ang kanilang desisyon." Saad ko. Hindi ko na pinaghintay pang sumagot si Leslie nang agad tumawag si Shannen sa end ko.

"Hey. Bakit napatawag ka? May problema ba?" She asked me. Paano ko ba sasabihin sa kanya na nababadtrip ako?

Wait... siya rin ata yung girl na nakita ko sa Facebook ko.

"Earth to Mr. Belleza, okay ka lang?" She asked me. I blinked twice to make sure na siya nga ang kausap ko ngayon.

"Naiinis lang ako sa mga kagrupo ko sa research! Tangina nila talaga sagad!"
Singhal ko. Nagulat naman si Shannen sa inasal ko.

"Bakit kasi may mga ganyan kang kaklase? Ano ba naman yan!" Pagrereklamo naman ni Shannen sa end ko.

"Kaya nga eh. Nandidilim na nga paningin ko sa kanila eh. Bullshit." Asik ko. Napatawa na lang si Shannen sa inasal ko.

"Uy, yung puso mo, Trevor! Mamaya baka atakin ka na diyan dahil sa sobrang galit, baka pati ako idamay mo." Sabi naman nito sa akin.

Nakakainis kasi eh. Bakit ba kasi nasa iisang mundo lang kami ng mga tukmol na yun? Buti sana kung may nagagawang tama para sa ekonomiya ng bansa. Pero wala, mukhang sila pa yata yung mga salot sa lipunan katulad nina Marcos at Duterte.

Nakakapunyeta.

"I won't let them. Hindi porket classmates ko sila ay hinahayaan ko na lang silang maging ganito sa kapwa nila. Mga sakit sila sa lipunan!" Asik ko. Mukhang nagulantang yata si Shannen sa narinig. Ngunit kalauanan nama'y nakapag-adjust rin ito.

"Leave it to me. Ako na bahalang kumausap sa mga yun. Alam mo namang ako yata ang President ng student council dito sa SAU, right?" Aniya. Oo nga naman, bakit ko ba nakakalimutan na President ng student council si Shannen?

"Sure ka ba diyan? Baka mamaya jinojongdae mo lang ako katulad ng dalawang tukmol ha!" Asik ko.

"Ako bahala sayo. Magkikita tayo bukas. 7 am sharp. Kasi may mga gagawin pa kami nina Dahlia at Carmille sa Student Council room kasama sina Landon at Aziel." Sabi naman nito kaya naman nagpapasalamat na agad ako.

"Uy, thank you nga pala dito sa tulong. I really appreciated it!" Tugon ko.

"No worries! I'll see you tomorrow!" Shannen says as I hung up.

Hays, buti na lang maasahan yun.

—-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SHANNEN'S POV


Kasalukuyan akong nagtatapos ng aking mga researches at assignments nang biglang may nagrant sa Facebook ko.


TREVOR FLOYD LOPEZ BELLEZA

Wait... parang familiar sa akin ang lalakeng 'to. Kung hindi ako nagkakamali, siya rin yung lalakeng nag-rant sa message request ko nung nakaraan.

Hmm... something's fishy. Baka naman manggugulo nanaman saken yun. Saka mamaya jino-jongdae lang ako ng lalakeng yun.

Maya-maya pa ay kaagad ko siyang cinonvince na sagutan ang aming research form tungkol sa mga music industry. Pero ano ang natanggap ko? Problema.

Sabagay, sino ba naman ang mag-aakala na parehas pa kaming leader from respective strands? Siya sa STEM. Ako? Sa HUMSS.

Agad akong nagtipa ng message kalakip ang research survey form.

To: Trevor Floyd Lopez Belleza

Message: Hello, I'm Shannen Larisse Dela Paz, Grade 12 student galing sa HUMSS. May ipapasagot sana akong survey namin sa research. Ako kasi yung leader eh. Di ko kasi mautusan yung iba kong kaklase. Replyan mo na lang ako after mong sagutan yung survey na nasa google form. Thank you and have a good day!

RESEARCHSURVEY.googleform.


Sana talaga gumana ang powers ko sa pag-coconvince na sagutan niya ang survey. Habang naghihintay ako ng kanyang response ay saktong napamessage si Calli sa end ko.

From: Hyacinth Callista Feliciano


Message: Uy! Musta research niyo baks? Okay na ba?

Nagulat naman ako sa sinabi nito. Akala ko pa naman kung ano na. Napahinga naman ako ng maluwag at agad ko siyang nireplyan.

To: Hyacinth Callista Feliciano


Message: Naku, kung alam mo lang Calli, nagkaproblema nga yung isang student sa research nila eh.

Matapos kong isend ang aking reply ay kaagad naman akong nakatanggap ng response sa end niya.

From: Hyacinth Callista Feliciano


Message: Weh? Problema ba talaga yan? O baka para-paraan niya lang yan para magustuhan ka? Either way, pag yan nagkatotoo, susuportahan pa kita.

Luh? Anong nakain ni Calli? Bakit parang kinikilig nanaman 'tong isang 'to?

To: Hyacinth Callista Feliciano


Message: Kingina mo talaga! O, siya sige na, may tatapusin pa ako na part sa research >,<

Pagkatapos kong isend ang aking message kay Calli ay agad akong napabuntong hininga saka huminga ng pagkalalim lalim. Feeling ko tuloy, parang may mga laman ang mga sinasabi ni Calli saken ngayon.

Sana naman nagbibiro lang siya sa mga oras na 'to.

Pagkatapos kong makapaghinga-hinga ng maluwag ay agad ko namang tinutukan ang survey form na sinagutan na agad ni Trevor. Hindi ko na pala namamalayan na tapos na pala yung pinapasagutan ko.

Ayan Shannen, chika pa more! #NORMALIZEBLAMINGCALLI

Dejoke lang! Mamaya baka kalbuhin ako ni Calli at baka hindi na ako makamartsa nito sa August.

Isama mo pa yung mga sinabi ni Trevor sa akin habang nagsusulat ako para sa research namin.

As a girlie na maraming inaasikaso, ang hirap niyang itoggle up. Hindi naman ako katulad ni Superman na kayang gawin ang lahat para iligtas ang mundo no?

Syempre, tao rin ako. Napapagod din. Anong akala nila saken robot? Pag ako nainis, sa kanila ko ipapagawa 'tong mga tasks na 'to.

Pero, di ko rin inaasahan na ang mga ginagawa ko ay para rin sa sarili ko — para sa mga pangarap ko na kailanma'y hinding hindi ko sasayangin.

Aaja pa ako para sa bayan. Kaya hindi pwedeng sumuko. May nakaabang pang future na naghihintay para sa akin.

At kakaimagine ko sa future, ayan na nga ba ang sinasabi ko — may deadline pa pala ako na kailangang i-meet.

Isama mo pa 'tong research na pa-importante sa aming mga estudyante kahit itatambak lang din naman sa library pagkatapos.

Ang hirap nitong pagsabay-sabayin pero ayos lang, at least hindi naman 'to lalake.

Eme lang. 

Broken StringsWhere stories live. Discover now