Chapter 1

55 6 13
                                        


Defense

Kasalukuyan akong gumagawa ng aking part sa research. Kasi naman eh, bakit may practical research pa? Saka, anong mapapala namin dito? Buti sana kung may kabuhayan package na kasama 'to. Edi sana kumikita kami ngayon.

Saka, kung pwede lang talagang i-convert sa pera ang mga papel na 'to, aba instant millionaire na kami siguro ngayon.


Kaagad kong binuksan ang aming group chat sa research para icheck ang aking mga kagrupo. Mamaya kasi, baka jino-jongdae nanaman ako ng mga ibang kagrupo ko't baka kami lang nina Avery at Leslie ang kumikilos.

"Oh, ano na progress niyo sa research natin? Umuusad naman ba?"
Pag-uupdate ko. Maya-maya pa ay biglang nagreply si Avery sa end ko. Si Leslie naman, baka may nirerevise pa sa end niya. Yung dalawa? Hays, ewan ko na lang talaga.

"Oo naman, nag-aayos na ako ng part ko sa chapter three. Medyo mahirap kasi 'tong part na 'to eh."  Reply niya. Hays, kahit papaano ay medyo nakakausad kami, hindi katulad nung una.

Agad ko namang hiningan ng update si Leslie tungkol sa dalawang tukmol. May balak ba talagang grumaduate yung dalawang 'yun?

"Les, yung dalawang tukmol, online ba? Patanong naman kung may balak pa silang tumulong sa research natin or else... I won't hesitate to drag them both at magsarili sila sa mga researches nila." I ordered. Agad kong sinara ang aking Facebook at saka nagpatuloy sa aking part sa research.

Habang gumagawa ako ng aking part ay biglang sumagi sa isip ko ang mga maaring mangyari sa upcoming research final defense.

What if biglang sumulpot yung dalawa nanaman tapos sasabihin na may ambag sila? Anong ilalaban ko? More importantly, if they did have one, paano nila i-eexecute yun?

As I was about to curse some bad words ay saktong nagreply si Leslie sa end ko.

"Trev, sinabihan ko naman yung dalawa, kaso ang reply naman ng dalawa sa akin is "Kaya niyo na yan, kami na bahala sa snacks natin para sa final defense." From there, hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanila after kong makatanggap ng ganung reply. Anong sasabihin ko?"

Right after kong mabasa ang response ni Leslie sa end ko ay biglang kumulo ang dugo ko. Tangina nilang dalawa! Anong mapapala ng pag-ambag nila sa snacks? Porket may mga pera sila, idadaan na lang nila kami sa meryenda?

TANGINA TALAGA NILA SAGAD TO THE FUCKING NTH POWER!

Ayoko na sanang replyan pa si Leslie pero dahil sinagad sagad nila ang pasensya ko, hinding hindi ako papayag na mapunta lang ang pinaghirapan namin sa wala.

Saka, anong silbi ng pera nila? Aanuhin ba namin yan? I don't fucking tolerate that type of bullshit. Hindi ako katulad ng ibang leader sa research na hinahayaan ang sarili nila na mabulag sa pera just because yun na yung "ambag" or tulong nila mula sa amin.

Dali-dali akong nagtipa ng reply kay Leslie.

"Pakisabi sa kanila maghaharap kami sa Principal's office. Hindi na tama 'tong ginagawa nila sa atin. Anong mapapala natin sa mga pera nila? BULLFUCKINGSHIT NILANG DALAWA!"


Agad kong sinara ang aking cellphone saka ibinalibag yun. Tangina nila kasi. Hinding-hindi nila ako mauuto sa mga ganyang tactics.

More importantly, may kauukulang grade ito. Isa para sa groupings at isa para sa mga nagpresent individually. Ngayon, paano ko ieexplain 'to kina Ma'am ang lahat ng ito by next week?


Ilang saglit pa ay biglang nag text ang tropa kong si Landon sa end ko.

From: Landon Craig Vallejo Cullen


Message: Pre? Musta pagiging senior high school student? Okay ka lang ba?


Isa pa 'tong gagong 'to. Porket wala silang masyadong ginagawa at pachill-chill lang eh. AB Theater Arts ba naman ang ipupursue ng gagong 'to kasi gusto maging singer-songwriter.

While me? Ito, still contemplating whether I'll take up the course between Psychology or Communications. Hays, wala ba sa mga choices ang pagpapakamatay?

Joke lang, bata pa ako para mamatay, plus may pangarap pa ako sa buhay.

Maya-maya pa ay agad kong nireplyan si Landon sa kabilang linya.

To: Landon Craig Vallejo Cullen

Message: Ito, may kargo na mabibigat at mga pabigat. Tangina nilang dalawa.


Gigil na reply ko sa kanya pabalik. Agad namang nagreply si Landon after two minutes.

From: Landon Craig Vallejo Cullen

Message: Sinong dalawa? Care to share Trev?

Damn about them. Paano ko ieexecute yung sasabihin ko kay Landon?

Knowing that guy, kahit loko-loko ang isang yun, hinding-hindi ako magdadalawang isip na sabihin yun sa kanya dahil alam kong matinik 'to pagdating sa mga advices.

To: Landon Craig Vallejo Cullen

Message: Ganito yun, Lima kasi kami sa research. Yung dalawang babae, maasahan mo talaga. Pero yung dalawang classmates ko na tukmol, dinadaan-daan na lang kami sa pera.

Pagkareply ko ay may napansin akong new message request galing sa isang.. babae? Damn, paano niya nakuha ang facebook account ko?

Baka naman same lang kami ng mutuals?

Agad kong binuksan ang message request na yun saka tumambad sa akin ang pangalan ng isang babae.

SHANNEN LARISSE UMALI DELA PAZ

Wow! Ang ganda ng pangalan ah. Saka, mukhang artistahin ang pagmumukha. Di kaya nagpagawa siya kay Belo at naging instant celebrity itong isang 'to?

From: Shannen Larisse Umali Dela Paz


Message: Hello, I'm Shannen Larisse Dela Paz, Grade 12 student galing sa HUMSS. May ipapasagot sana akong survey namin sa research. Ako kasi yung leader eh. Di ko kasi mautusan yung iba kong kaklase. Replyan mo na lang ako after mong sagutan yung survey na nasa google form. Thank you and have a good day!
RESEARCHSURVEY.googleform.

Shet, sayang! Akala ko pa naman kung ano na yung sasabihin niya. Tapos may naka-attach pang word file sa end niya.


Aba, ayos rin 'to ah! Agad kong binuksan ang sinasabi niyang form at saka ako napunta sa isang form na survey nila. Pero grabe rin yung effort nung Shannen ha.

Di kaya, dumidiskarte rin yung babaeng 'yun? O baka naman nagpapahelp lang na sagutan yung research survey nila tapos may nakalakip palang I LOVE YOU sa ending page.

Hays, Trevor kung ano ano na lang ang sumasagi sa utak mo! Magpapasagot lang yung tao ng survey nila, hindi kiligin sa mga kaartehan mo sa buhay.

Agad kong sinagutan ang form na sinend ni Shannen saka tinapos ang research namin. Nang maramdaman ko ang aking pagod sa kakaaayos ng mga parts ng mga kaklase ko na kanina pa nila pinasa ay kaagad rin akong nakaramdam ng antok at mabilis rin akong nakatulog.

Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon