Her Reason
SHARLENE'S POV
Bata pa lang ako, tampulan na talaga ako ng tukso. Siguro dahil na rin sa pagiging mahadera ko. Yung tipong kailangan ko ring magpasikat para lang masabi na may maipagmamalaki rin ako bilang isang tao ng buong sanlibutan.
FLASHBACK
"Ito pala si Sharlene eh." Rinig kong sambit ng isang ale na nakakita sa akin. Hindi sumulyap sa akin si Mommy dahil na rin siguro sa kahihiyan.
Para sa kanya, isa akong malaking kahihiyan - sa kanilang dalawa ni Daddy.
Napatikhim si Mommy. Alam ko na kung ano ang namumutawi sa kanyang bibig.
"Di ko sukat akalain na siya pa yung dumating sa akin. Akala ko magiging swerte siya para sa amin ni Sylvester pero mali pala ako ng hinala."
Agad bumuhos ang mga masasaganang luha mula sa aking mga mata. Alam kong patama iyon sa akin ni Mommy - isang paalala na isa akong pabigat sa kanilang mga buhay.
Muling nagsalita ang kausap ni Mommy. "Ano ka ba Sasha! Ang harsh mo talaga sa anak mo. Tignan mo, mukhang mabait naman yan eh." Tukoy pa sa akin ng isang ale. Mommy just gave her a smug look as she turns to me - feeling disgusted at my appearance.
"I'm not being harsh Celeste. Look how ugly my daughter is. Ni hindi ko nga siya kamukha eh." Mommy told her, which made my heart sank. Aware ako sa part na ayaw sa akin ni Mommy vocally, pero dapat hindi na lang sana niya i-broadcast pa para lang matauhan ako sa bawat salitang binibitawan niya.
Napatingin sa akin yung Celeste – or should I say Tita Celeste. Hindi ko rin alam kung anong klaseng tingin ang ipinupukaw niya sa akin kung maawa ba siya sa akin o ano?
Agad tumalim ang tingin ni Mommy sa akin na para bang inuutusan niya ako na ngitian rin ito. Kahit ang totoo, ayaw kong makipagplastikan sa mga taong ayaw rin sa akin.
"Tignan mo na Sasha. Hindi ako tuloy pinapansin ni Sharlene kasi ikaw tinatakot mo eh." Saad niya pa. Agad akong pinuntahan ni Mommy saka kinurot sa tagiliran para pangaralan.
"Kapag kinakausap ka ng tao, matuto ka namang gumalang. Kababae mong tao, wala kang respeto sa mga mas nakakatanda sayo." Gigil na bulong ni Mommy sa akin. Ininda ko na lang ang sakit na binibigay niya sa akin saka ako napatango muli.
"Opo, mommy" I said in a sad tone. Mom just mimicked me saka ako piangsabihan.
"Opo mommy– dapat lang. Tonta ka pa naman. Maganda ka na sana kaso napaka-tonta mo para pumick up ng mga bagay bagay. Simpleng Opo na nga lang gagawin mo, magpapabebe ka pa?" Mommy mimicked my tone na may halong pagdisgusto at pangungutya. Aware naman ako na ayaw sa akin ni Mommy. Minsan, mapapaisip ako kung deserve ko pa bang magkaroon ng magulang o hindi?
Agad namang napansin ni Tita Celeste ang parenting skills kuno ni Mommy. Tila hindi niya rin nagustuhan ang pagdidisplina nito sa akin, kaya naman pinagsabihan niya ito.
"Sasha, pwede mo namang pagsabihan ang anak mo nang hindi sinasaktan as a way of discipline eh. Pero yung kukurutin mo ng walang dahilan, baka yan pa ang maging rason ng paglayo ng loob ng bata sayo, dahil sa mga pinaggagagawa mo." Tita Celeste instructed her. Mom looked shock at her sudden answer.
"Celeste, I'm just disciplining my daughter. Karapatan ko as a mom to teach her a thing or two para naman di siya tatanga-tanga pagdating ng araw." Mommy answered back, her voice was laced in disgust. Mahilig talaga si Mommy mag fake concern sa mga nakakasalamuha niya just because that's her own skill when it comes to parenting - disciplining me in a bad way. I can't even see her as a mother figure to me, that's why I can't feel her love and presence altogether.
In all honesty, wala akong nararamdaman na sincerity or kahit ano galing sa kanya. Madalas pa nga, tuwing matatapos sila ng pagkain ng daddy ko pati ang kapatid ko na si Shanaiah, laging natitira sa akin yung mga tira-tira nilang pagkain, madalas pa nga, wala eh.
Paano, mas favorite nila si Shanaiah kesa sa akin. Di naman na nakakagulat yun sa end ko.
"Sasha. I'm warning you, kapag pinagpatuloy mo pa ang pananakit kay Sharlene, magtatawag ako ng pulis." Panghahamon ni Tita Celeste sa kanya. Napatawa naman si Mom sa sinabi nito.
"Magtatawag ka pa ng pulis? Ano yan? Moral support sa mga katarantaduhan ng anak ko? Tapos ano? Ako ang ikukulong? No way Celeste! Anak ko si Sharlene at may karapatan akong disiplinahin siya sa mga pinaggagagawa niya!" Bulyaw naman sa kanya ni Mommy. Just as Tita Celeste answers ay saktong dumating si Dad.
"What's going on here? Ano tong naririnig kong sinasaktan mo si Sharlene?" Dad asked her. Nanatili na lamang akong walang imik at umiiyak lang ako ng palihim nang magsalita si Mommy.
"Sylvester, Nakikipagkwentuhan lang ako with Celeste. I was just trying to console our daughter yesterday. Pero hindi naman niya ako sinusunod." Paawa-effect ni Mommy para lang kampihan lang siya ni Daddy. Sa loob-loob ko, Mommy is just acting up like the real victim she is, when in fact, she's just making things up para lang i-frame up ako at magmukhang tupa ulit si Mommy sa harap ni Daddy.
Agad tumikhim si Dad. "Trying to console? Sinong niloloko mo dito? Rinig na rinig kita mula sa taas kagabi, Sasha . Di ako ipinanganak kahapon!" Sabi pa nito which made Mom shocked at his sudden choice of words.
"Sylvester? Naririnig mo ba ang sarili mo? Totoo naman ang mga sinasabi ko sayo ha. Bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?" Pagmamakaawa ni Mommy sabay tingin sa gawi ko ng nakakasindak na para bang gusto na niya akong pasunrin sa kahit anong gusto niya.
Dahil para sa kanya, her house, her rules. Dapat laging sumunod sa mga utos niya or else, papalayasin niya ako dito sa bahay.
"Wala kang karapatan na saktan mo ang anak natin–" Mom laughed at Dad's choice of words. Tila ba hindi siya naniniwala sa mga sinasabi nito.
"May karapatan ako! Anak natin siya, kaya hangga't nasa loob siya ng pamamahay ko, matuto siyang sumunod!" Mom fired back, enough to make the whole room dead silent at her words.
Pakiramdam ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa mga nangyayari sa akin dito. Pakiramdam ko, parang ayaw nila sa akin na pakisamahan ako.
Tao rin naman ako, nasasaktan. Pero bakit ganitong trato pa ang gusto nila para sa akin?
Bakit kinailangan ko pang msg-dusa para lang sa gusto nila? Deserve ko pa bang matawag na anak? Na kapatid? Kung ganito rin pala ang kahihinatnan ko?
Kung alam ko lang pala na ayaw nila sa akin, sana noon palang sinabi na nila sa akin edi sana wala na akong poproblemahin.
Edi sana di na ako nagiging miserable ngayon.
Wala eh. Siguro ganito na talaga kapalaran ko - na tanging ako lang mismo ang gumagawa.
Kaya ako nakakagawa ng mali sa iba dahil danas ko na mismo sa sarili ko kung paano maging kawawa at hinahayaan lang ang sarili ko na maging kawawa sa harap ng maraming tao.
"Sharlene, pasok ka na sana sa honor roll kaso nga lang may nakapagsabi sa amin na kailangan ka naming tanggalin dun dahil may attitude problems ka," Usal sa akin ni Sir Naval. Walang duda, may gagawa at gagawa talaga ng paraan para lang pabagsakin ako.
Aware na ako dun, Sir. Kahit wag niyo nang ipamukha sa akin na bobo ako.
Agad namang nagsibulungan ang mga kaklase ko matapos ang tagpong yun.
"Sayang siya."
"Duh? Bakit ka naman manghihinayang sa kanya? Eh hanggang ganda lang naman siya."
"Uy matalino rin naman siya, kaso... ginagamit niya lang sa maling paraan."
And that line hit me. Agad nandilim ang paningin ko at saka sumugod sa harapa niya nang maaksidente ko siyang nasampal. Ngunit, huli na nang may marinig akong boses sa aking likuran.
"Miss Hermosa! In my office!" Galit na singhal sa akin ng Principal.
At simula nun, naging miserable na ang buhay ko. Dahil na rin sa mga katarantaduhan ko.
One of the main reasons why I became the baddest bitch. The vilest villain in everyone's Cinderella story.
END OF FLASHBACK
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...
