Reunion
After ten years...
"Mom! Ano ba ang secret ingredient ng relationship niyo ni Daddy?" My daughter, Tinsley asked. Nakakatuwa lang isipin na sa lahat ba naman na pwede niyang tanungin ay yun pa talaga ang naisipan niya.
Dalaga na talaga ang anak namin. Sa sobrang ganda niya, mukhang sasakit yata ang ulo ng Daddy niya...sa itaas kasi, ang green minded niyo naman mag-isip.
"Bata ka pa para malaman mo ang secret ingredient na sinasabi mo. Anyways, kumusta ang Thesis mo? Have you consulted your teacher na ba?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumugon sa sagot ko saka ipinakita sa akin ang kanyang laptop na nagalalaman ng isang word document. Sa edad niya na 18 ay sobra siyang nagsisipag. Just like her dad. Kaya mahal na mahal ko sila eh.
"Big girl na ang Tinsley namin, huhu. But don't worry, we'll make sure na andito lang kami to support you. Basta ba'y...wag ka munang magboboyfriend ng hindi pa namin alam ha?" Paalala ko naman sa kanya na kanya namang ikinatango.
Sa loob ng sampung taon, narealize ko na sobrang swerte ko pala na bigyan ako ng isa pang pagkakataon para ako ay makapagtrabaho sa isang sikat na music company kung nasaan rin ang aking mga kabarkada na sina Carmille at Dahlia. Maging sina Elysse ay nandun na rin para makapagsimula ng panibagong yugto sa aming mga buhay bilang mga composers.
I never thought that I'll reach this far. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa panginoon at binyayaan niya ako ng isa pang pagkakataon para dito.
And with that, wala na akong mahihiling pa.
"Beh! Kumusta na ang mga buhay buhay natin? Dati puro acads at thesis ang pinoproblema natin ah!" Bungad na pagbati sa akin ni Calli galing sa kanyang flight. At ang loka, isa na palang successful na fashion blogger sa America. Hanep rin ang trabaho ng isang to ah! Pa-travel travel na lang sa kung saan-saan. What if, pasalubong naman diyan?
Umismid ako. "Asan muna ang chocolates ko? Pambihira ka naman, pupunta ka na nga lang dito, di ka pa nagdala ng chocolates at pabango."
Tumawa ito. "Chill ka lang kasi sis! Nasa balikbayan box pa! Don't worry, amoy imported pa yung mga yun. Daan ka muna sa bahay para makuha mo ang mga iyon!"
Funny how our lives became so normal after this. Siguro, kung hindi ko lang nakilala tong babaeng to, baka kanina pa ako nabaliw.
Maya-maya pa ay bigla namang sumulpot si Lindsay at Celestine. Gosh! Look how far we've come. Si Lindsay? Isa nang ganap na model sa isang sikat na clothing brand. At si Celestine? Ayun, kinareer ang pagiging doctor at kabilang na rin siya sa mga Most Loved Doctor na nafeature sa isang magazine.
Dati uhugin lang kami, ngayon mga successful na sa life! Look how our lives changed for the better.
Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon. At paulit-ulit akong magpapasalamat sa mga darating pang mga blessings sa buhay ko.
"Uy! Namiss ko kayo!" Bungad na pagbati ni Lindsay. Sobrang successful nitong bruha na ito. I'm thankful na magkakaibigan pa rin kami despite of our different careers. Magkakaiba man kami ng timeline, ngunit isa lang ang sigurado ako—ang makarating ang lahat sa finish line ng magkakasama.
"Wow wow wow! Yung model natin oh! Ang ganda na, pero pag nagha-hi ako, isnabera!" Pang-aasar ni Celestine na ikinatawa namin. Grabe naman itong mga ito, parang wala silang mga ano diyan ah! Hahaha, Joke lang.
"Ay wow naman! Beh, if I know lang na magchachat ka, sasagot naman ako no!" Laban naman ni Lindsay sa kanya. Kami naman ni Calli ay natawa na lang sa kanilang mga asaran.
Maya maya pa ay biglang dumating si Sharlene. Gula-gulanit ang kanyang suot na damit at parang gusgusin na ang kanyang ichura.
Ngumiti ito sa aming gawi at tila umiiyak rin ito. Ano na kaya ang nangyari sa kanya pagkatapos ng sampung taon?
"Sharlene? Anong nangyayari sayo? Ayos ka lang ba?" Mahinahon na tanong ko. Umiling lang ito sa amin saka umiyak muli.
Huling balita ko tungkol sa kanya, may nakapagsabi sa akin na sinasaktan daw siya ng kinakasama niya at ginagawa siyang alila. Nang maglaon ay bigla siyang naging isang palaboy matapos siyang pagnakawan ng limpak limpak na salapi.
"Gusto ko lang po sana ng makakakain. Nagugutom na po kasi ako." Pahabol pa niyang sabi na ikinagulat namin. This isn't the Sharlene Rose Hermosa that we all knew back then. Sobrang layo sa Sharlene na pagkakakilala ko.
Agad naman akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Alam kong hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sa akin, kaya naman laking gulat ko nang bigla siyang nagpahid ng luha sa kanyang mga mata.
"Wala ka bang kasama? Asan ang pamilya mo?" Nagtatakang tanong naman ni Calli.
"Wala na akong pamilya. Iniwan na nila ako matapos nilang malaman na niloko ko silang lahat. Kinuha nila ang lahat ng gamit ko at pinagsusunog ang lahat ng iyon. Kahit yung cellphone, tablet, at laptop ko...binawi na rin sa akin dahil sa kasamaan ng ugali ko. Tinapon nila ako sa isang eskinita at iniwan na parang isang pusa na palaboy." Mungkahi niya. Tila may gumuhit na kirot sa aking puso matapos kong malaman ang kanyang sinapit. Hindi ko lubos maisip na ang mga tulad ni Sharlene ay hahantong sa ganitong klaseng buhay, Hindi niya deserve na maging ganito.
Sa nakalipas na sampung taon, marami ring nagbago. May mga moments pa nga talagang gusto kong mag-throwback pero sabi ko..i'll save the best for last, ika nga. Pati na rin ang mga tao na nakasama namin, tila ba'y nawawala na at nagkanya-kanya na lang sa kani-kanilang mga buhay.
Pero para sa mga katulad ni Sharlene, nasasaktan ako. Di rin niya deserve na mamuhay sa ganitong klaseng sitwasyon na meron siya.
Everyone deserves a second chance. Sino ba naman ang hindi, right?
"Kung ganun...ano yung mga kinakain mo sa loob ng isang linggo? Paano ka namumuhay?" Tanong naman ni Calli. Tumikhim ito.
"Yung mga tira tira ng mga taong dumadaan. Minsan, yung mga nasa basura, pinupulot ko. Tapos, natutulog ako sa kalye tapos ganun ulit. Siguro nga, karma na kung ituring ang buhay na tinatamasa ko ngayon. Iniwan na rin ako nina Kiarra at Chloe. Kilala ko pa rin sila, pero sila...mukhang tuluyan na nila akong kinalimutan." Agad naman kaming nakaramdam ng awa para sa kanya. Masakit isipin na pati mismong mga kaibigan niya ay itinakwil siya. At yung mga sinabi niya, parang may kung anong tumusok sa akin na hindi ko maintindihan.
"Simula ngayon, tutulungan ka namin. Hindi ka na namin hahayaan pa dito, Sharlene.' Mungkahi ko na ikinatuwa niya. Agad siyang lumuhod para iparamdam niya sa amin na grateful siya dito.
"Maraming Salamat dito, Shannen. Utang ko ang lahat ng ito. Hayaan mo, pag nagkita ulit tayo dito...magiging successful na ako–"Sabi nito pagkatapos ay nawalan siya ng malay.
Agad naman kaming humingi ng tulong sa mga taumbayan at saka siya dinala sa pinakamalapit na ospital.
"Ayon po sa mga tests na nasagap namin...may nakita po kaming tumor sa ulo niya. We'll run some tests po to confirm." Sabi ng isang neurologist. Agad naman akong napaiyak sa kanyang sinabi. Hindi kaya...sa nagdaan na taon ay may karamdaman din siyang itinatago sa amin?
And more importantly...alam kaya ito ng pamilya niya?
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...
