Open Forum
"Okay, sige. Anong nangyayari sa mga groupmates niyo sa researches niyo? Bakit may mga ibang hindi tumutulong?" Tanong nina Ma'am Natividad. Agad nagsitinginan ang isa't isa hanggang sa hindi na kinayanan ni Ma'am ang sitwasyon.
Agad namang napayuko ang iba dahil sa hindi malamang dahilan. Paano ko ba sasabihin na kakaunti lang ang mga tumutulong in a nice way possible?
"Uh... Ma'am ganito po kasi yan eh," Paninimula ko. Agad namang napatingin sina Peyton sa gawi ko. Binigyan naman ako ni Peyton ng isang nakakasindak na tingin.
"May nagawa naman po sina Avery. So far po, si Caspian po umiimprove na rin po. As for Peyton? Hinding-hindi niyo na po talaga siya maasahan." Sabi ko. Agad napakuyom ng palad si Peyton dahil sa sinabi ko.
"Anong walang naitulong?! HIndi pa ba sapat yung ginagawa ko na binbayaran si Caspian para tulungan ako't ilayo sa mga kaputanginahang yan?!" Asik ni Peyton sa gawi ko. As i was about to speak up, Caspian beats me to it.
"Talaga namang wala kang naitulong eh. Puro ka nga lang paasa sa grupo natin eh." Laban naman ni Caspian sa kanya.
Ngumisi si Peyton. "Wag kang feeling matalino, Caspian. You and I both know na nanggaling ka sa kangkungan. Saka, nagkataon lang naman na tumulong ka nung mga time na sinasabihan ka lang nina Leslie na tumulong ka!"
Lumapit si Caspian sa gawi nito. "Wanna know the truth behind that,Peyton? Easy. Hardwork. Dedication. Success. Yang tatlong yan ang dahilan kung bakit ako patuloy na sumisipag. Hindi ako katulad mo na tamang asa lang sa mga magulang!" Pagkasabi niya ay agad lumanding na parang eroplano ang kamao ni Peyton sa mukha ni Caspian. Agad namang nanlaban si Caspian at tuluyan nang nag-away ng dahil lang sa research.
"ANO BA MR. GALVEZ AT MR. VALMORIDA! ANONG PUMASOK SA MGA KOKOTE NIYO'T NAG-AWAY PA TALAGA KAYONG DALAWA?!" Sigaw naman ni Principal Smith.
Napangisi si Peyton nang makita niyang halos punit na ang uniform ni Caspian. "May estudyante kasi dito na biglang naging isang maamong tupa para lang masabi na may ginawa siyang tama para sa grupo namin. HAHAHAHAHAHA!"
If looks could actually kill, baka kanina pa ginamitan ng machine gun ni Caspian at naka-ready nang itutok yun kay Peyton na halos mamatay-matay na sa kakatawa.
"Maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo Peyton. Baka nakakalimutan mong ginamit mo lang ako para lang makapagpasikat ka sa SAU!" Laban naman ni Caspian sa kanya.
"Wow! Hah, baka gusto mo pa yata na bigyan kita ng award for being the most polite sheep! Grabe, sa sobrang kabaitan mo baka mapunta ka na agad sa langit at i-meet and greet si San Pedro! HAHAHAHAHAHAHA!" Asar muli ni Peyton sa kanya. Agad namang pumagitna si Principal Smith dito.
"Mr. Valmorida and Mr. Galvez! In my office!" Sigaw ni Principal Smith dito. Kaagad naman na pumunta ang dalawa matapos silang magkaabutan. Hay nako, kahit kelan talaga, parang walang araw na hindi sila nagbabangyan.
Napabuntong hininga naman ako't napahilot na lamang ng sentido. Nakakainis!
SHANNEN'S POV
"So.. Ano na plano niyo? Bakit parang binagyo na ang mga pagmumukha niyo diyan?" Tanong ni Lindsay. Paanong hindi babagyuhin? Eh tambak na tambak na nga kami sa mga gawain dito.
Speaking of which... Musta na kaya si Trevor? For sure, stressed nanaman ang isang yun.
Agad kong binuksan ang aking Facebook at saktong online na siya.
Trevor Floyd Lopez Belleza
Active Now
Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko. Dahil una, makakatulong ako sa researches niya. At the same time, pwede ko na siyang tropahin at ka-IBIG-anin.
Este, kaibiganin pala.
Uy, eme lang.
As I was about to type away my response ay saktong nauna siya saken ng ilang minuto.
From: Trevor Floyd Lopez Belleza
Message: Hi. Sorry, nabwisit kasi ako sa kagrupo ko kanina. Wala na talaga akong mapapala sa lalakeng yun.
Agad naman akong napatipa ng message right after kong mabasa ang end nito. Di kaya, stress na stress na siya sa kagrupo niya? Parang last week pa yata siyang ganyan eh.
Baka tumanda 'to bigla ng maaga. Joke lang po!
To: Trevor Floyd Lopez Belleza
Message: Bakit nanaman? Di nanaman tumulong?
Not long after ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Bakit ako na-seen zone ng isang 'to?
Baka, dati siyang makasalanan. Seen kasi eh.
Ay, sin pala yun. Jusko ka talaga Shannen. Puro ka biro.
Maya-maya pa ay may nagpakita na bubble logo, indicating na nagrereply na sa kabilang linya si Trevor.
Not long after ay bigla itong nag reply
From: Trevor Floyd Lopez Belleza
Message: Sorry if I left you on read. Busy kasi ako saka may inaasikaso pa ako sa end ko.
Wow! Hardworking naman pala 'tong lalakeng 'to! Baka naman dati siyang construction worker sa past life. Batak na batak naman na mag-aral 'tong isang 'to.
Maya-maya pa ay bigla itong tumawag sa end ko.
"Hey" Sambit nito sa kabilang linya. Shucks! Bakit magkasing ugali sila ni Yoongi? Ay, ano tong sinasabi ko? Bakit nadamay pa si Yoongi sa kwentong 'to?
I froze as I let myself compose for a bit. Hindi ko siya kinakaya lord!
"Oh, ikaw pala! T-tapos ka na ba sa ginagawa mo?" Ano ba yan! Bakit ako nauutal sa presensya niya?
"Hindi pa naman. Ikaw? Mukhang puro Facebook lang ata ang inaasikaso mo ah! Baka mamaya di mo na inaasikaso yung research niyo diyan." Pang-aasar naman sa akin ni Trevor sa kabilang linya.
Wow ha! Edi siya na masipag! Same lang kayo ni Author na hindi tinatamad.
(A/N: That's true!!! Kaya, be like us Shannen! Promise, di ka magsisisi!)
"Hoy, hindi ako nagfafacebook ha! Gusto mo sendan pa kita ng screenshot diyan?" Panghahamon ko. Muli itong tumawa.
"HAHAHAHAHAHA! Wag ako Shannen! Nakikita ko posts mo sa end ko. Tapos ako pa paghihinalaan mo na nagfafacebook ako? Luh, asa!" Laban naman sa akin ni Trevor.
"Hindi naman. Ikaw ha, masyado kang defensive diyan. Siya nga pala, anong nangyari sa inyo?" Tanong ko.
Napabuntong hininga si Trevor sa end ko. "Ayun, nag-away si Peyton at Caspian kanina. Paano ba naman kasi? Puro kayabangan lang kasi 'tong si Peyton. Ang siste, naghamon pa ng away, kaya di ko macontrol yung situation nilang dalawa kanina."
"Bakit naman daw?" Pang-uusisa ko.
"Ewan ko rin sa kanila. Palibhasa kasi, walang naiambag sa research namin. Parang 90% away, 10% research pa nga yan eh." Sabi pa nito. Bakit kasi may mga ganitong uri ng tao? Mga wala namang bayag, este ambag pala.
Sorry po Lord, ito na magsisimba na po ako.
Marami ring kinwento sa akin si Trevor na kung anu-ano hanggang sa nagpasya na rin akong matulog dahil ako'y inaantok.
"Hays, Lunes nanaman. At baka ako'y masermonan. O, siya sige dito na ako. Kita na lang tayo sa school bukas ha!" Saad ko.
"Can I invite you to a lunch date? Don't worry, sagot ko na yun! See you tomorrow Shannen." Sabi pa nito na ikinagulat ko ng husto.
ANO DAW? DATE? HUTAENA! PARANG GUSTO KO NANG MAGPAFIESTA SA SOBRANG KILIG!
Sabi ko nga, study first muna.
Agad akong napangiti habang iniisip ang date na sinasabi sa akin ni Trevor! O TO THE M TO THE G!
Kaso nga lang at the same time, kinakabahan ako. Baka yung date na sinasabi niya, ay maging open forum pala.
Nakakashookt yun ha! Unexpected na plot twist yun.
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...
