Starting over again
Nagising ako mula sa pagkakahimbing ng aking tulog. Medyo napasarap pa ako ng paghiga, only to find out na puro panaginip lang pala ang lahat.
"Shannen! Gising na diyan!" Sambit ni Mama sa akin. Naabutan ko naman ang mga kaibigan kong sina Carmille at Dahlia na kanina pa pala nag-aabang sa aking paggising.
"Bakla ka ng taon! Bakit ngayon ka lang nagising?" Pagtataka naman sa akin ni Carmille, samantalang si Dahlia naman ay sarap na sarap sa pagpapak ng hotdog. This scene alone reminds me of this one Wattpad story na pinapapak lang ng kaibigan ng bida ang hotdog pagkapasok ng kanilang bahay.
"Huh? Bakit? Anong meron?" Lutang na tanong ko, dahilan para mapasapo sila ng noo. Bakit? Masama bang magtanong?
"Girl...baka nakakalimutan mong mali ang ending ng kwento mo. Akala mo siguro patay si Trevor no?" Tanong naman ni Dahlia sa akin. Sandali...sino si Trevor?
"Sino yung Trevor? Bakit? Kilala niyo ba siya?" Pagtataka ko. Agad naman silang napasapo ng noo, dahilan para ako'y magtakang muli. Sino ba kasi yun?
Like...sino ba yung Trevor na yun? Kilala ko ba siya? Nakita ko na ba siya somewhere? Please naman, wag na tayong maglaro ng pinoy henyo para pahulain ako.
"Hala, di niya kilala si Trevor. Di ba nga naging boyfriend mo pa nga yun?' Pagpupumilit naman ni Carmille. Wait...sino ba kasi siya? Di ko naman kilala yung lalakeng yun.
Maya-maya pa ay agad nagbukas ng phone si Dahlia, dahilan para tawagan siguro ang boyfriend niyang si Seth.
"Seth, babe. Di ba may tropa kayong Trevor ang pangalan?" Dahlia asked him on the other line. Agad ko namang narinig ang pagbuntong hininga nito.
"Yeah, babe. Kasama ko nga siya to be honest." Sabi naman ni Seth saka niya tinurn-on ang camera para masilayan ko ang Trevor na sinasabi nila. Well, okay? May itchura, alangan naman na wala, right?
And for a fact na kasama din nila siya, doesn't help me in any way. Like, hello. Kasama ni Seth yung Trevor. Don't tell me...
"Kaibigan niyo ba yung Trevor?" Hala siya, atat na atat? Girl, ikalma mo ang egg cells mo ha!
"Yes. Kaibigan namin siya. Pero di kasama dito yung ex ni Dahlia." Saad naman ni Landon, ang boyfriend ni Carmille. Wait...so ibig sabihin ba nun, he's referring to his cousin, who happens to be my best friend's ex? Si Aziel ba ang tinutukoy niya?
"Are you referring to Aziel?' Pagtatanong ko to confirm if yung ex ni Lia at ang pinsan niya ay iisa.
Muling bumuntong hininga si Landon saka ito tumango. As much as I want to dive deeper on their background ay hindi ko na pinagpatuloy pa dahil may narinig akong isang mababang boses na nanggagaling sa kabilang linya.
"What's with Aziel? And hey, who's this young lady? Are you my best friend's friend?" Pagtatanong naman nito sa wikang ingles. Mahahalata sa kanya ang sophistication ng kanyang tindig at ang kanyang malamyos na boses.
"I-uh.. I'm Shannen Larisse Dela Paz. Nice to meet you." Pagpapakilala ko, dahilan para matigilan siya sa kabilang linya.
"Shannen? Omg! Wait..ikaw yung naging classmate ko noon sa isang uni! How are you?!" Excited na tugon ng lalake. How the hell did he knew about me? Paano niya ako nakilala?
"How'd you knew about my name though? Nagkakilala ba tayo?" I asked, siyempre ayokong ma-false alarm dito no!
He cleared out his throat saka siya ngumiti sa akin. "I'm Trevor Floyd Lopez Belleza" Pagpapakilala naman nito sa akin. Agad naman akong namangha sa name niya. Agad namang nagflashback sa akin ang mga nangyari, kung paano ko siya nakilala hanggang sa malaman ko na siya pala ang tropa ng mga boyfriend ng best friends ko.
What a small world indeed.
"Wow, so how'd you knew about me?" Tanong ko pang muli, you know? Naninigurado lang naman ako.
"Simple. Kaibigan mo kasi sina Lindsay. That's why. I'm also friends with them as well." Sabi naman nito sa akin, dahilan para matigilan ako. Wait...paano din niya nakilala sina Lindsay kung ganun? Hindi kaya stalker din ang isang ito?
"Stalker ka ba?" Di ko na napigilan pang magtanong muli. Napangiti na lang siya sa aking sinabi, dahilan para ako'y masamid sa kanyang facial features. Pinoy siya pero parang may lahi din siya. Matangos ang kanyang ilong, maganda ang lips, makapal ang kilay, at malalaki rin ang kanyang mga mata.
"I wish so too but, no. I'm not. We just met, Shannen. Don't jump into conclusions." Sabi naman nito sa akin. Napahiya ako dun ah!
"Sorry naman. Di ko kasi alam eh." Mungkahi ko na ikinatawa lamang niya. Sana all di ba? Pantay pantay ang ngipin. Pwede na siyang maging endorser ng Colgate o Close Up sa lagay na yan.
Muli itong napatawa. Mukha ba akong clown para pagtawanan niya? Kapal naman ng apog nitong isang ito?
"Pinagtatawanan mo ba ako?" Tanong ko muli sa kanya. He immediately brushed his funny face into a serious one. Wow, grabeng transformation naman yun. Sinabi ko lang naman kung pinagtatawanan niya baa ko, bigla ba namang nagbago ng facial expression?
"I'm sorry. I didn't mean to. Hindi sinasadyang pagtawanan ka." Sabi pa nito, dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko. Ang gentleman din naman pala ng isang 'to.
Joker nga lang.
Maya-maya pa ay biglang nagsidatingan ang mga kaibigan nito.
"Dude! Ikaw ha! Nawala lang kami, nangchichix ka na diyan sa video call!" Saad naman ng kaibigan niya na sinuntok niya lamang ng pabiro.
"Seth, shut up! She's just a friend." Saad naman ni Trevor na ikinasamid ko. I mean...mukhang magiging crush ko na siya pag nagkataon!
"Just a friend daw pero ano.." Panggagatong naman ni Landon sa kabilang linya, dahilan para mapatawa ang iba.
Agad namang nangamatis sa sobrang inis si Trevor dahil sa mga kaalaskadoran ng mga ito. Siguro napansin niyang masyado na silang overboard sa conversation naming dalawa.
"Enough, guys! We just met. Saka it's too early for me to ask her out!" Sambit naman ni Trevor sa kanila, dahilan para mamula ang aking pisngi.
Just as they were about to say something ay kaagad na akong nagsalita.
"Uh sige... dito na muna ako... it was nice to meet you." Sabi ko sa kanila saka ko na pinatay ang tawag.
Phew.. parang dito pa lang, parang aatakihin na ako sa puso. At ang mas malala pa dun ay nagsend pa ito ng message sa end ko.
From : Trevor Floyd Lopez Belleza
Message: Date tayo later ha, my treat. xo
Ano daw? Date? Para saan pa? Eh kakakilala lang naman naming dalawa. Masyadong pa-fall si kuya. Agad kong isinara ang aking cellphone saka nagpasyang umuwi sa bahay para maghanda para sa date na sinasabi ni Trevor sa akin.
Sana all may date, magdadate, at syempre...may kadate!
Perhaps, Trevor and I need to start over again...to rewrite our stories as strangers just like before.
YOU ARE READING
Broken Strings
RomanceShannen Larisse Umali Dela Paz' life is far from perfect. She might have a good set of academic grades, perfect marks but still, her own family didn't even get to support her dream to become a successful musician dahil lang sa kanyang desisyon - ang...
