Chapter 35

14 0 0
                                        


Min-march

A/N: Forgot to update this chapter bc the night after we went swimming, i ended up getting drained and i'm so so so tired from all the diving stuffs. Anyways belated happy birthday, our dear yoongi :))

March 9.

Ang araw ng birthday ng isa sa mga pinakasavage na tao na kilala ko. Walang iba kung hindi si Min Yoongi.

Abala ang buong squad sa pag-aayos ng mga kagamitan at lulutuin para sa magiging celebration mamaya. Sina Jin, Hoseok, at Jungkook ang mga nakatoka sa kusina. Samantalang sina Jimin at V naman ang nag-aayos ng mga decorations para sa Yoongi Day na gaganapin mamaya.

At si Namjoon? Hindi na namin pinatulong pa dahil mamaya baka masira pa yung mga decorations. Knowing that guy, isang hawak pa lang niya ng mga gamit dun, matik na mababasag or masisira. So I had to prevent him from doing so many tasks.


"Ano ba naman yan Shannen, bakit kasi ayaw mo akong patulungin sa kanila man lang? Di naman ako manggugulo or anything." Reklamo ni Namjoon sa akin. Napatawa naman ako saka nagsalita upang magpatuloy.

"Namjoon, naappreciate naman namin yung presence mo. It's just that hindi ka maingat sa mga gamit dito sa bahay. Yung tipong kakahawak mo pa nga lang sa isang bagay na iyon, nasisira mo na agad. Kaya ayun, hindi ka na namin pinapaabala pa." Litanya ko naman sa kanya. Napanguso naman si Namjoon sa sinabi ko. Siguro nagegets na rin niya ang mga sinasabi ko sa kanya kaya hindi na siya nanlaban pa.

Sumabat naman si birthday boy. "Oo nga Namjoon. Ngayon alam mo na kung bakit di ka na namin pinapatulong sa kahit ano. Kasi alam namin na hindi mo nababalanse yung mga kamay mo. Bumawi ka na lang sa mga paintings mo. Need nila ng attention mo."

Napakamot na lang ng ulo si Namjoon. Agad siyang pumunta sa kanyang canvas at saka nagsimulang magpaint. Nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa ginagawa niya. But from the corner of his eyes, may isang emosyon na hindi ko magawang basahin dahil sa sobrang focus nito sa kanyang painting.

"Joon?" I called him. He stopped stroking his brush as he turned around to face me. Halata sa kanyang mga mata ang pagod, hirap, at sakit.

"Naiintindihan ko naman sina hyungie kung bakit ayaw nila akong patulungin sa kusina, Shannen. Dahil din sa akin, panay bili sila ng bagong gamit. Siguro nga, oras na para maging responsable't maunawain sa kahit anong bagay." Patuloy pa nito. Naawa naman ako kay Namjoon kasi kahit paano, gusto rin naman niyang matuto.

Maya-maya pa ay agad akong umalis at saka kumuha ng art materials para samahan siya kahit hindi ako gaanong marunong sa painting.

"Sasamahan kitang magpaint kahit hindi ako marunong. Gusto ko rin namang matuto basta ba ikaw yung magtuturo." Sabi ko sa kanya. Agad nanlaki ang mata ni Namjoon sa tuwa nang malaman niya na sasamahan ko siya sa pag-pepaint.

"Seryoso ka ba diyan sa ginagawa mo Shannen? Thank you ha!"
Namjoon beamed happily as he showed his dimple smile, dahilan para kiligin ako na parang isang high school student sa crush niya.

"Namjoon, don't make me swoon. Marupok ako. I can't help it." Natatawa kong sabi sa kanya. Namjoon just smiled and winked at me.

Tangina, kakasabi lang na wag magpakilig eh. Kitang marupok ako eh. Namjoon naman!!!

"Bakit ka namumula diyan? Crush mo ba ako?"
Namjoon teased me. SHUTA NAMAN KIM NAMJOON! MAGHUNOS DILI KA NAMAN!!


"Ang hangin mo! Kala mo talaga parang papatulan eh."
Kantyaw ko pa. Napatawa naman si Namjoon sa akin saka pinisil ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng konting pamumula sa bawat dampi at haplos na pinapadama niya sa akin.


"Sus! Dine-deny mo pa! Aminin mo na kasi Shannen! Malay mo naman, the feeling is mutual pala," Namjoon says as he winked again for the second time around.

Tama ka na Namjoon! Mamaya baka magka-live show pa dito sa bahay kakakindat mo sa akin. Oo, aware ako na pogi ka pero please lang! Marupok ako para diyan.

"Alam mo namang kahinaan ko yang kagwapuhan mo Namjoon eh! Bakit kasi need mo pang kumindat?" I asked him, wow pa-shy girl pa ako sa lagay na ito ha!

Namjoon leaned forward saka ko naramdaman ang kanyang hininga. Wow, siguro nag bubblegum muna ito bago ako kausapin. O baka naman kakatoothbrush niya lang kaya mabango ang kanyang hininga.

"Masyado bang obvious Shannen? I like you."
Namjoon honestly says that made me shocked at his words.


Paano.... nangyari yun? Anong gustong ipahiwatig ni Namjoon sa akin?



NAMJOON'S POV

This is it!

This is the right time para sabihin ko kay Shannen ang totoong nararamdaman ko for her. It may sounds odd but, oh well.

Mahal ko siya eh.

Ang problema nga lang, she has a boyfriend already. I hate seeing myself as the other man who is available whenever he's out of the picture because the truth is, may totoong nagmamay-ari ng puso niya.


Aish, paano ko ba aaminin kay Shannen na gusto ko rin siya? And if ever man na sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko, will she accept it?

"Earth to Namjoon!" Jin hyung yelled at me. Itong lalakeng 'to. Parang akala mo talaga nakatira sa kabilang bundok. Kung makasigaw, wagas.


"I'm not deaf hyung. Naririnig kita. Ano bang sasabihin mo?"
I asked him. Clearly annoyed at his awkward state.

"Ang sabi ko kakain na. Bakit parang di ka na kumikilos diyan? Ano ka statue of liberty?" Jin hyung asked me boldly.


I let out a huff as I followed him. Nakita ko rin na nasa kanya-kanyang pwesto na ang mga members at si Shannen. She's waiting for me to seat next to her. I immediately occupied the vacant seat that was left unused awhile ago.

"Kainan na!"
Jungkook yelled. Just as he was about to serve his own plate ay agad namang dumating ang isang lalake na kaagaw ko kay Shannen.

Si Trevor Floyd Lopez Belleza — ang boyfriend niya.

"Hello guys!" Trevor says out of nowhere. Shannen went immediately to her boyfriend. At ako? Ayun, palihim na nasasaktan. Nag-iinit na ang aking mga mata sa aking nasaksihan.

I saw how happy she is when she saw her boyfriend. I mean... kahit naman sabihin natin na idol ako, i also have feelings too as a human — as a normal citizen.

Nanatili lang akong nakatulala nang mapansin ni Jimin na hindi ko na pala nagagalaw yung pasta na hinain sa amin ni Jin hyung kanina.


"Earth to Joon hyung! Uy, okay ka lang ba?" Jimin asked me. I silently nod para lang hindi niya mahalata na kanina pa pala ako umiiyak dahil sa sakit ng puso (not a goddamn heart attack literally).


"Ayos lang ako Chim." I told him. But he wasn't convinced at my choice of words.

"Sure ka ba diyan? Eh kung talagang okay ka lang, bakit para kang heartbroken diyan? Sino ba nanakit sayo?" He asked. Nanatili akong walang imik. Hindi ko kayang ipagtapat kay Jimin na may nararamdaman ako para kay Shannen. I just don't know how to express it. Torpe kasi akong tao.

"Walang nanakit sa akin Chim."
I reassured him. Napakunot ang noo niya after niyang marinig ang lahat ng iyon mula sa akin.

"Walang nanakit sayo? Imposible." He added. Kapag ba sinabi ko sa kanya na si Shannen ang gusto ko, susuportahan niya ba ako? Willing ba sila na suportahan ako?

"Imposibleng walang nanakit sayo Joon. Halatang halata sayo na in love na in love ka kay Shannen."
Yoongi hyung directly said. Paano niya nalaman na gusto ko si Shannen?

"Wait hyung.." Yoongi hyung cut me off. So alam na pala nila? Alam nilang in love ako kay Shannen?

"Shit, i-uh. Paano?" I stuttered. Hoseok answered for me.

"Easy. Namjoonie, we all know na patay na patay ka na kay Shannen. Kahit naman ako eh." I got shocked at his sudden revelation that he just made. So it means na maraming kaagaw si Trevor at this point?

Tatlo kaming naglalaban laban para kay Shannen?


Oh no.


Broken StringsWhere stories live. Discover now