Chapter 44

15 0 0
                                        

Second Chances

Para sa akin, mahirap magtiwala. Lalo na kung ang pangakong binitawan niya ay madaling mapako lang dahil sa mga matatamis na salita.

"Shan? Ice ka lang?" Someone asked me. Agad akong napalingon nang makita ko si Riley na kanina pa naglalaro ng Mang na plushie. Tumango naman ako dahil nakakatamad na ring sumagot ng oo at hindi.

Choices na nga lang sasagutin ko eh, pero bakit parang pinapahirapan ko pa ang sarili ko na parang isang math homework?

"Mukha bang yelo si Shannen, Riley?" Linus asked him. Kaya madaling tumanda eh, lagi na lang galit. Dapat pala, ito ang kinausap at tinanong ni Riley eh. Hindi ako.

"Linus hyung talaga, galit lagi sa mundo." Riley pouted. Linus just smiled as he pinched his cheeks. Ang taray, may boy love series na pala dito sa story ko?

Bago yun ah.

"Dapat talaga bigyan ng exposure si Linus hyung at Riley hyung. Yung galawan kasi nila, pwedeng-pwede na sa boy love series eh." Suggestion naman ni Chandler, which made the other boys laugh.

"Oh, narinig niyo yun ha! Baka magkatotoo yang boy love series na sinasabi niyo ha!" Riley yelled while pointing at Linus who seemed unbothered by his presence.

"Boom! #WalangMasabiSaAkinSiLinusHyung! Naks, natameme ata siya sa beauty ko! HAHAHAHA!" Sabi pa ni Riley at sumayaw na parang takas sa mental.

Dahil dito, agad hinila ni Linus si Riley. Hala, saan naman niya balak dalhin si Riley? Sa damuhan?

De joke lang! Mamaya baka sa damuhan nga talaga ang bagsak ng mga iyan.

"Uy! Hyung, wag mo kong dadalhin sa damuhan at samahan ka para gumawa ng milagro. Please, bata pa po ako't may mga pangarap pa ako sa buhay! Sayang naman kung gagastusin ko na yung sperm cells ko! Ayoko pang maging batang ama please la-" Sumama ang tingin ni Linus sa mga sinasabi nito.

"Riley Ashton? Nababaliw ka na ba? Kung anu-ano nanaman ang mga pinagsasabi mo! Maghunos-dili ka nga't ikalma mo yang puso mo. Para kang timang eh." Linus fired back, causing him to zip his mouth gamit ang kanyang kamay to zip his mouth imaginally.

Not too long after ay nagparamdam naman ang iba pa. Saan ba nagsususuot 'tong mga ito?

"Uy, saan kayo galing?" Pagtataka ko. Agad iniabot ni Dalton ang isang plastic na may lamang milktea.

"Ito, para sayo. Alam ko kasing mahilig ka rin sa pink kaya binilhan na rin kita ng maiinom mo." Sabi pa ni Dalton na tila nahihiya pang makipag eyeball, este mag eye-to-eye contact sa akin.

Dalton niyo, namumula.

"Aguy! Namumula sa kilig? O namumula sa sakit ng tiyan kasi malapit nang lumabas ang kanyang tae?" Muntangang tanong ni Linus. Dahil sa kanyang huling sinabi ay agad akong napabuga ng ininom kong milktea. Tangina, sayang din yun. Papunta na dapat sa tiyan ko yun eh.

Linus kasi eh.

"Linus Maverick naman! Kitang may umiinom dito eh. Tapos nabilaukan pa si Shannen. Nakakainis naman!" Galit na saad ni Hansel. Linus still looked unfazed by his anger.

Habang ako naman ay kasalukuyang nauubo. Mabuti na lang at may humahagod ng marahan sa likod ko.

"Shan, are you okay now?" Dalton asked me as he held me from behind. Inabutan niya ako ng tubig para mapawi rin ang aking pagkasamid dahil sa milktea kanina.

Linus, on the other hand, is too quick to respond nang mapansin niyang nanghihina ako. He automatically held my hand saka humingi ng tawad.

"Oh my god! Shannen, I'm sorry. Di ko pala namamalayan na nasamid ka kanina. Are you okay now?" Bakas sa tono nito ang pag-aalala kaya naman naappreciate ko kahit papaano ang kanyang sinseridad.

Broken StringsWhere stories live. Discover now