"No more chitchats. Bilisan mo na!"
"Oo na!"
Seems my energy depleted as my butt fell on the ground after seeing him running to the next and final course. Gasping some air and sweat- my body seems to tell me to take a break.
At least you didn't use your otherworldly strength as Black Navillerian Angelus during the test. Or you'll get caught.
===Zoiren===
Nakakapanghina pala ang headpats? Katakot.
Mukhang bugbog sa pagod si Zenrie simula noong nakita ko siyang panay training kanina. Kung tutuosin hindi pa siya nakapagpahinga nang maayos sa kababasa niya sa nobela, paghahanap ng impormasyon tungkol kay Avicta, at pati na rin sa susunod na enrollment. Ngayon ko lang ulit nakita siyang ganito.
Ayos lang namang tumulong siya sa iba, pero sana naman unahin niya pa rin ang sarili niyang magpahinga.
"Ayos lang ba siya?" Napalingon ako kay Calyx habang inaayos ang kanyang mangas.
Napabuntong-hininga na lang ako sa tanong niya. "Hindi ako sure. Minsan lang siyang magpahinga simula noong makulong tayo rito sa virtual world."
Tumango naman siya dala na rin ng pag-alala. "Abisuhan mo rin siya tungkol d'yan, lalo na't minsan sosorpresa na lang ang zeitzus split tapos wala pa siyang lakas na lalaban kung sakali."
"May punto ka rin." Bumalik na rin ako agad sa aking posisyon sa huling obstacle. Akalain nga namang mas concern pa si Calyx kesa sa amin.
Siguro na rin ay may utang na loob siya kay Zenrie.
Third obstacle...
Napatingala muna ako saglit sa isang malaking poste habang inaalala na naman ang mga nangyari dati-ang marupok na tela, ang pagtutulungan namin, at higit sa lahat ay ang pagpalo ni Zenrie sa bola na tumama mismo sa mukha ni Rupert.
Masyado kasing entitled ang loko kaya deserve niya 'yon.
Dinukot na agad ni Calyx ang isang makapal na pulang tela sa mesa sabay tali neto sa dulo. Agad niya itong hinagis sa ibabaw sabay akyat. Nakatayo naman sila Andy at Ellah sa gilid na may dala ring tela para saluhin siya. Mukhang kakaiba yata ang strategy nila sa grupo.
"You can do it, Calyx!" ngisi naman ni Ellah kasabay ng pag-cheer neto. Ganoon na rin ang ginawa ni Andy habang pinapanatili pa rin ang kanyang flashy aura.
"Nak ng-" umagaw na agad sa aking mga mata ang konting tastas ng tela, dahilan upang bumaba ako ulit.
Agad na tumakbo sila Zenrie at Mr. VIP sa aking posisyon na may dalang...dalawang malalaking troso??
"You gotta make a creative strategy on how to surpass the third obstacle," paalala naman ni Prof. Rythen habang matulin na nakatingin sa amin. "This will also reflect the level of your teamwork."
Napataas agad ako ng kilay. Ano bang trip ng dalawang 'to at bakit naging magkakampi sa ngayon?
"Are you sure about this?" naguguluhang tanong ni Jairus habang tinatali ang isang dulo ng tela sa isang troso. Si Zenrie? Tamang tango lang ginawa.
Ay aba! Pati ba naman dito uso pa rin ang LQ? Tama pala, wala silang label. 'Yong isa lang naman ang asumero.
"Seryoso ba kayo?" taas kilay kong tanong nang makita kong tapos na sila sa kanilang obra maestra. Kulang na lang malampasan na nila 'yong imbentor ng printing press.
Bago pa man ako makapagsalita ay agad akong binuhat ni Zenrie sabay hila ng tela nang makatayo na. Inusog pa ako sa kung saan man ang direksyon ng tela.
KAMU SEDANG MEMBACA
Class Code: ERROR
Fiksi IlmiahHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
CHAPTER 38.1 Final Assessment
Mulai dari awal
