=================
===Zenrie===
"Mukhang nakuha mo na rin ang tamang timpla para sa egg fried rice," komento ko habang nilalasap ang kinakain kong agahan. Mas nauna kasing nagising si Mimi at siya na rin ang naghanda.
Grabeng pagod ang napala ko sa training ko kahapon. I'm pretty sure Prof. Rhythen and Blaurei teamed up for making that difficult training machine. I can still have a hard time controlling my strength.
Kahit sa isang palo lang sa lamok mula sa pader ay nakakasira na ako. Hindi ko makakalimutan 'yong mesa sa hideout namin.
"Ay siyempre!" Mimi rested her hands on her waists, "Sa'yo ba naman ako natuto Riri."
"We're sure she's a good cook," Jairus complimented.
"Or the best wife in the future," biro pa ni Zoiren, dahilan upang batukan ni Jairus.
Agad napalingon si Mimi sa kanilang dalawa sabay salubong ng kilay.
"Uh...bakit may mga marka ng sampal ang mga mukha nila?" Pabulong na tanong ni Mimi.
Muntikan na akong mabilaukan sa iniinom kong tsaa.
"Ehem! Sino ba naman ang hindi maiinis sa umaga kung ang dalawang 'to palihim nila akong kinunan ng litrato?" Saad ko sabay inom ng tsaa.
"It's actually Zoiren's fault-" Natigilan agad si Jairus nang binigyan ko siya ng matatalim na tingin.
Is this the team I'm going to focus on? Huwag naman sanang umabot sa point na magiging babysitter ako ng dalawang 'to. I still have a mission to do.
Take a focus here, Black Navillerian Angelus!
Mimi sighed. "May purpose rin pala kaya isinama kayong tatlo ni Prof. Rythen sa iisang grupo. Kung ako ang tatanungin niyo, masasabi kong everything has a reason," konting pangaral naman niya't sumubo na ng isang kutsarang fries rice.
"A reason to test my patience perhaps," bulong naman ni Jairus.
"Back to you," sagot naman niya.
My ears twitched that made my hands move again. Pareho ko lang namang kinurot ang mga batok ng mga 'to.
"Ow!/Ano ba?!" They both exclaimed.
"Kapag ako hindi makapagtimpi, baka direkta ko kayong ipatapon palabas ng cottage," saad ko't muling napainom ng tsaa.
Masyado pang maaga para mainis ako sa dalawang 'to. Imbes gusto ko muna ng pahinga mula sa training at misyon ko kagabi.
A student- or should I say a user last night was abducted by a Terbaeus for stealing a crystal near the Foresomer Woods. She was about to be punished and become a sacrifice for Avicta as their usual practice.
Guess what? They're goblins.
Buti na lang at naabutan ko bago pa man siya ialay sa altar. I advised her to return to the safe zone (outside Avillerius) and keep the crystals for her additional cedmit.
Hindi na rin ako nagdalawang-isip na kumuha ng isang piraso para pag-aralan ang bagay na 'yon. Kailangan kong malaman kung saan niya 'yon talaga nakuha.
"Riri? Ririiii!!!" Nakabalik ako ng ulirat nang bigla akong sinubuan ng mochi ni Mimi, dahilan upang agad kong madampot ang tinidor at napahinto.
Jairus sighed. "You shouldn't startle her, Emmie."
The conversation goes on until the breakfast session is done. Agad na kaming naghanda para sa huling araw ng training assessment namin.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
CHAPTER 38.1 Final Assessment
Start from the beginning
