Strings Not Too Attached Special Chapter
Raven Lexus Verancia
"Ano, Koy? Ayos na ba?"
"Oo, kuya. Nakabusangot nga si kuya Cade, badtrip talaga. Binati mo na ba?"
I laughed. Just imagining my mahal pouting and his forehead creasing makes me want to hug him right now.
"Sinadya ko talagang huwag batiin, mukhang effective naman."
"Oo, kuya. Ang init ng ulo, e. Akala mo naglilihi."
"Sige, Koy! Basta 'yong hinanda natin ayos na, ah? Malapit na ako."
"Sige, kuya."
I ended the call and continue driving. Dinaanan ko iyong flower shop na suki na ako pagdating sa iba't ibang bulaklak.
"Good afternoon, Mr. Verancia! Pa-wait na lang sir, kunin ko lang po sa loob iyong ipinagawa niyo."
"Okay, no worries!"
Habang naghihintay, hindi ko matiis na hindi tawagan si Cadence. Parang mamamatay yata ako kung hindi ko maririnig sa loob ng isang araw ang boses niya.
"Hi, mah—"
"Bakit ka tumawag? Wala ka namang pakialam sa akin, 'di ba? Dapat hindi ka na lang nag-aksaya ng load na tumawag. Nakakahiya naman sa'yo."
Galit na galit, gusto manakit.
"Why? Why are you mad, baby?"
"Aba! Talagang tinatanong mo pa?" pagalit niya pa ring sagot mula sa kabilang linya.
Nagpatuloy ako sa pagmamaang-maangan.
"Ano ba kasi 'yon?"
"Wala, Raven! Huwag na lang tayong mag-usap at huwag na rin tayong magpansinan pag-uwi mo rito o kung may balak ka mang umuwi."
"Bakit naman hindi ako uuwi? Uuwi ako sa'yo, mahal. Ikaw ang tahanan ko, e."
Natahimik ang kabilang linya. I stop myself from laughing. Kinikilig 'yan panigurado.
"Hindi mo ako madadaan sa mga baduy mong patutsada, Raven Lexus, huh!"
Sus! Nag-iinarte pa ang mahal ko. Gustong-gusto niya naman kapag ginaganiyan siya.
Lumabas na si Ate Myra, iyong may-ari ng flower shop na palagi kong binibilhan at kino-contact kapag may ipapa-customized akong bulaklak gaya ngayon.
"Heto po. Sana nagustuhan niyo."
Nagustuhan ko. At mas lalong magugustuhan ng tigreng kausap ko sa kabilang linya.
"Hoy! Raven! Sino 'yan? Bakit may babae? Niloloko mo ako? Babae na ang gusto mo?"
Natawa ako at kinuha na ang bulaklak na pinagawa at naglapag ng ilang libo. "Salamat, Ate Myra. Keep the change po, kailangan ko nang umuwi. Nagagalit na ang asawa ko."
Tumawa ito. Kilala na rin niya si Cadence kahit pa hindi niya pa nakikita ng personal. Sa dalas ko ba naman magpagawa sa kaniya ng bulaklak ay ipinakilala ko na kahit sa litrato lang.
"Sige, manuyo ka na ro'n," bulong niyang sabi dahil alam na kausap ko ito sa telepono.
"Pauwi na ako, mahal."
"Wala akong pakialam. Niloloko mo 'ko!"
"Cade, stop it. You know I won't and can't do it to you. Ikaw lang ang mahal ko."
Ilang saglit natahimik ang kabilang linya bago siya muling nagsalita. "Bilisan mong umuwi. Gusto na kitang tadyakan."
"I'm on my way, mahal. I love you!"
