String 29

43K 1.1K 601
                                        

Strings Not Too Attached 29


"Pulang-pula ang leeg, ah? Unahan ko na, kinagat ng lamok?" halatang nang-aasar na pinuna ni Cedrix ang leeg ni Paulo.

Lunes na lunes at ang aga mang-asar ng isang 'to, mukha pa namang badtrip si Paulo kaya kapag nagsapakan sila hindi ako aawat. Ichi-cheer ko pa sila.

"Shut the fuck up, Cedrix!"

"Bakit badtrip ka? Dati nagmamalaki ka kapag may hickeys ka, ah? Ngayon nahihiya na?" tanong ko.

Naaalala ko kasi dati na proud na proud pa 'yan ibalandra ang leeg niyang may chikinini. Siya pa nga ang nanunukso na walang lamok man lang ang gustong kumagat sa amin.

"Pero ang wild naman niyang lamok na kasama mo kagabi? Grabe sumipsip oh, at saka tatlo pa," dagdag sa pang-aasar ni Jacob.

"Tatlo para raw I love you," dugtong ko.

Hindi na maipinta ang itsura ni Paulo, parang anytime aayain niya kaming mag-boxing sa sobrang gigil niya, sabayan pa ng nakakairitang tawa ni Cedrix.

"Palibhasa walang gustong sumipsip sa mga leeg ninyo!"

Hindi mo sure.

"Labi kasi ang sinisipsip ko," sabi ni Jacob.

Ngumisi naman si Cedrix, mayabang. "Can't relate talaga kasi ako ang nangsisipsip."

Dudugyot.

Hays, when kaya masisipsip?

"Whoa! Swerte!"

Hiyawan at sigawan na akala mo'y nanalo sa lotto ang rinig sa buong klase namin nang i-announce ng President ng Student Council na kasabay ng isang linggong celebration para sa Anniversary ng school, wala munang klase.

"Pero tatlong plate naman ang ibinaba ng mga profs," singit ni Lyka, iyong mayor ng section namin.

Ayon lang. Ayaw talagang magpatalo ng mga professors na 'to, akala mo hindi masaya ang buhay, e.

Kahit naman may klase, busy na ang lahat para sa mga activities and contest na hinanda ng school.

"Cade, mamayang hapon ikaw ang naka-assign sa booth natin, ah?" paalala ni Lyka, iyong mayor nga namin.

Sa aming second year napunta ang photo booth at dahil isang section lang naman kami sa batch namin ay kami ang humawak no'n.

Lahat ng kikitain ng booths ay ibibigay sa chosen charity ng school kaya gusto rin talaga naming maraming tumangkilik sa booth namin at ang naisip nga nilang strategy ay free hug mula sa akin at kay Cedrix.

Si Jacob kasi ay tumanggi dahil ayaw niya raw magselos ang nililigawan niya. Si Paulo naman, maarte lang kaya kaming dalawa na lang ni Cedrix ang pumayag.

Ako kasi ay wala talagang ambag dahil sa training kaya pumayag na ako. Speaking of training, alas-dose hanggang alas-tres ang training namin kaya habang wala ako ay si Cedrix muna ang nasa free hug sa booth namin.

"Hakot eabab ang booth niyo, ah? Sinong nakaisip no'n? Talino."

"Iyong mga babae naming classmate, pinagkanulo kami," biro ko.

"Nice strat. Sana sinama mo na rin ang ibang tropa mo, mas malaki ang maiipon niyo ro'n," sabi ni Theo.

"Ayaw, may nililigawan 'yon — baka magselos."

"Mamaya dadaan kami, ikaw ang gusto naming yayakap, ah?"

"Mga siraulo!"

To give way na rin sa Anniversary week, tatlong oras lang sa hapon ang training namin hanggang huwebes.

Strings Not Too AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon