Strings Not Too Attached 05
Kagaya ng napag-usapan ay kaniya-kaniyang alis na kami. Si Paulo ay sumabay kay Cedrix habang ako naman kay Jacob.
"Saan ba ang punta mo, pre? Sa kabila ka, ah?"
Iba kasi ang way papunta sa condo niya. Ako lang ang naiiba palagi dahil pare-pareho na sila ng way pauwi.
"May dadaanan lang ako sa malapit. Bakit? Ayaw mo no'n, 'di ka na maiinitan?"
"Wala naman, nagtaka lang ako. Feeling ko babae 'yang pupuntahan mo na 'yan. May malapit pa namang motel lagpas sa dorm," asar ko.
Jacob shook his head. "I’ve changed — for the better."
Buti wala akong kinakain ngayon dahil kung meron — mabibilaukan ako sigurado. "Wow! Changed man. Tangina mo wala kang maloloko. Ibaba mo na nga ako."
He stopped the car right in front of the dormitory and punched my chest playfully. "I’m serious, idiot! Why won’t you believe me? Can’t a man change?"
"You guys have no hope of changing. Pare-pareho ang mga likaw ng bituka ninyo. Ingat na lang, pre, gamit ng protection, huh? Kapag walang pambili, tiisin ang kati," saka ako humalakhak at lumabas ng sasakyan.
Kinatok ko lang ng tatlong beses ang sasakyan nito senyales na papasok na ako. Umalis na rin naman ito at hindi na nagtagal. Alas dos pa lang ng hapon, mahaba pa ang oras ko para makapagpahinga. Iidlip muna ako.
"Wow! Fresh na fresh! May lakad kayo?"
Nakasalubong ko si Captain at si Terrence, parehong pormado. Mas pormado si Terrence, simple lang kasi ang porma ni Captain pero dahil alam kong mayaman, siguradong mamahalin ang suot at saka kahit simple lang ang damit malakas pa rin ang dating.
Mas matanda sila pareho sa akin ng isang taon, pareho na silang third year at third playing year na rin nila ngayong upcoming season.
"Magkaiba kami ng lakad ni Cap, may date kami ng girlfriend ko. Monthsary namin," sagot ni Terrence.
Ano pa nga ba? Ang hindi mamatay-matay na sanaol.
“I’m just going somewhere nearby. I’ll go ahead,” Captain said, excusing himself before Terrence followed.
When I got to our room, TJ and Theo, my roommates, weren’t there. Mahaba kasi ang pila sa enrollment kanina sa BSBA kaya siguradong andoon pa rin iyong dalawa. Solong-solo ko pala ngayon ang kwarto.
Dahil nanlalagkit, nagpasiya akong maligo muna bago umidlip. Nang matapos ay kaunting cellphone lang at nood ng kung ano-ano bago umidlip.
Kinabukasan balik kami sa training, maghapon iyon hanggang sabado. May rest day ng Linggo pero hindi na rin ako umuwi ng Cavite dahil first day na ng pasukan sa Lunes.
Hindi naman pwedeng absent ako agad dahil kapag Archi student, madalas may ibinababang activity o plate na kahit first day. Proven and tested na 'yon dito sa E.U, ewan ko lang sa ibang school.
"Kailan daw ang opening, Coach?"
“Last week of February, but for us, probably first week of April. Uunahin muna ang basketball bago ang volleyball."
Medyo matagal pa, almost three months pa dahil mag Fe-february pa lang naman next week. Ang bilis talaga, hindi mo mamamalayan nasa semis na at naghahabol na ng points para sa ranking ng finals. At konting buwan na lang, third year na rin kami nina Cedrix.
Ang bilis nga.
Nang mag-linggo nga ay tumawag na ang mga gago sa gc namin, nagtatanong kung sabay-sabay raw ba kami.
KAMU SEDANG MEMBACA
Strings Not Too Attached
FantasiBL story. Raven x Cadence Sweet Serenade Series #1
