String 15

35.8K 971 704
                                        

Strings Not Too Attached 15




Maaga akong nagising kinabukasan. Dahil na rin sa nakasanayan, una kong hinanap ang cellphone ko.

Hindi pa man ako nakakagalaw, mukha na agad ni Rave ang tumambad sa akin. Just like last night, he's still hugging me. Magkaharap kami ngayon.

I could clearly see his sleeping face—so peaceful and deep in slumber beside me.

My heart pounded foolishly. It raced uncontrollably as my eyes followed the arm wrapped tightly around me, his leg gently hooked over mine.

My breath wasn’t as hot or cold anymore, but I still felt warmth inside.

As I studied him, I noticed beads of sweat trickling from his forehead down the side of his cheek. Naalala kong pinatay nito ang aircon at iyong electric fan lang ang binuksan, naka number one lang iyon at umiikot pa.

Nginuso ko ang nangingiti kong labi nang mapalitan iyon ng gulat sa biglaang pagmulat ng mata niya.

"You're staring."

It's not a question, it's a statement.

Wala akong mahanap na emosyon sa mukha nito. Kinakabahan tuloy akong baka isipin niyang sinasadya ko ang pagtingin kahit gising naman na ako.

"Tulog ka pa kasi, hindi ako makagalaw," sabay sapilitang inangat ang braso niya. "Tangina ang bigat mo!"

"Kahapon para kang maamong pusa, ngayon minumura mo na naman ako."

Ngumisi ako. "Hindi ako 'yon."

"Yeah, whatever, Cadence."

We both stood up. I thought he would leave, but he handed me a thermometer instead.

“Raise your arm, I’ll check your temperature.”

I snatched the thermometer from him. "Ako na, ginagawa mo naman akong baby."

Buti sana kung baby mo.

Hays.

I really needed to be alone. I wanted time to think about the changes happening within me these past few weeks.

I knew something inside me was shifting, and deep inside I knew what it was. Mahirap pag-usapan, masiyadong sensitibo — ngunit hindi ko isinasara ang isipan at pusong mas maunawaan pa iyon.

All I need is time.

Gusto kong makasigurado kung ano 'to. Gusto kong malaman kung hanggang kailan ang nararamdaman ko.

Alam ko naman na kung ano ito, hindi ko lang masiyadong pinagtutuunan ng pansin dahil wala pa namang kasiguraduhan.

But one thing is for sure.

There are changes.

I noticed there was something unusual about Rave now. I felt things I hadn’t imagined feeling for another guy.

But I was ready to embrace those changes. At proud ako sa sarili kong kaya kong tanggapin, at bukas ang puso't isip ko sa mga pagbabagong iyon.

Pero sa ngayon, I need time. Hahayaan kong makaramdam ng kung anong espesyal ang sarili ko para sa taong ngayon ay alalang nakatingin sa akin.

"Let me see," sabay kuha mula sa kamay ko ng thermometer. Hindi ko pa nakikita ang temperature nang kinuha niya agad.

"37.9, still bad, Cadence."

Hindi naman na ako ganoon kahilo, iyong sakto lang. Masasabi kong mabigat pa rin ang katawan kong kumilos.

"May training pa ako."

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now