String 19

31.5K 977 308
                                        

Strings Not Too Attached 19




"Shot pa! Parang hindi ka naman malakas niyan, pre, e."

Si Cedrix na naman ang todo bigay ng shot sa amin, si Jacob ayon, nakasubsob na naman sa cellphone niya. Tanggap na lang nang tanggap ng shot na binibigay ni Cedrix.

Lumingon ako kay Paulo, ayon, nakikipagngisian at kindatan sa babaeng nakatingin din sa kaniya mula sa katapat na couch. Kahit saan na lang talaga.

Inabot ko iyon at ininom.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko, may nag-chat. Awtomatikong lumipat ang tingin ko kay Rave, hindi siya nakatingin, abalang nagtitipa sa kaniyang cellphone.

Raven Verancia:

Naglalasing ka ba talaga? Pang ilan mo na 'yan, ah?


Cadence Perez:

Hindi naman, malakas lang HAHAHAHDA


Nakita ko ang pagngiwi niya sa reply ko, halatang naiirita sa kung gaano ako kayabang.


Raven Verancia:

Siguraduhin mo lang na hindi kita makikitang isa sa mga sumusuka sa parking lot.


Cadence Perez:

Baka ikaw ang mahina uminom. Kanina ko pa nakikitang suma-shot ka.


Kung si Cedrix ang tiga-paikot ng tagay sa'min, sa kanila naman ay si Tristan. At mula pa sa pwesto naming hindi naman kalayuan sa kanila ay pansin ko na nakarami na rin siya.


Raven Verancia:

Mataas ang alcohol tolerance ko. Hindi rin ako pumunta rito para maglasing.

Sungit ni crushiecakes.

Cadence Perez:

E, bakit ka andito?


Raven Verancia:

Pumunta ka, e.


Cadence Perez:

So ako ang ipinunta mo rito?


Raven Verancia:

Oo.


Naknampucha!

Hindi niya tinanggi. Tangina! Normal pa bang kaibigan niya lang ako? Kasi ako, hindi kaibigan ang tingin ko sa kaniya at sigurado na ako roon.

Pero siya? Ano 'to? Bakit ganito ang mga sinasabi niya? Sobrang delulu ko ba? O talagang tama naman ang mga nararamdaman ko?

Pero straight si Rave. Hindi ko rin siya kinakakitaan ng mga signs na baliko siya. Well, ako rin naman hindi halata. Kaya baka....

Baka pwedeng gaya ko, napapansin niya na ako?

Pero hindi, e. Kulang pa. Hindi pa sapat para kumbinsihin ang sarili ko. Kikiligin na lang siguro ako pero hindi ko muna iisiping umamin dahil baka nga umasa lang ako pero wala naman pala talaga akong aasahan.

Bumaba ako sa dance floor at lumapit sa DJ para i-request iyong kantang sinayaw kahapon ni Rave.

Baliw na baliw na ako sa kantang 'yon, paulit-ulit ko na iyong kinakanta habang sa isip naman ay ang swabeng galaw ni Rave.

"Talagang ni-request mo pa."

Nang humarap ako ay siya agad ang bumungad sa akin. Kailan pa ito sumunod? Ang bilis niya naman?

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now