String 14

35.7K 1K 384
                                        

Strings Not Too Attached 14




The first thing that caught my eye was the mixed ash and cream color of Rave’s unit. It has a masculine vibe. Wala masiyadong kung ano-ano ang naroon na halatang sinadyang panatilihin ang kasimplehan.

His condo had the essentials: a big flat-screen TV, a long, comfy gray sofa, a perfectly-sized dining table, and a few picture frames.

I couldn’t see much of his kitchen because there was a divider from the living room. Hindi rin nagtagal at sumunod ako roon dahil doon siya dumiretso.

Imbes na gamit para sa mga gagawin namin ang asikasuhin niya, una niyang binuksan ang refrigerator.

“What do you want to eat? It’s almost dinner,” he asked, glancing at his watch.

It was already eight in the evening. Hindi ba siya nag-dinner at kung makaaya naman siya riyan ay para siyang gutom na gutom.

"You'll cook for me?"

His brows furrowed as if it was obvious to ask. “Yes, Cadence. Hindi ka naman marunong magluto, e."

Wow! Ang yabang?

"Tanga! Ipinagmamalaki mo ba ang luto mo? Ang yabang mo, e, pritong hotdog nga nasunog mo pa noon!"

Naalala ko na naman iyong isang beses na umuwi kami sa bahay, wala no'n si nanay. Gagawa kami ng assignment nang magsabi siyang nagugutom.

Mayroong hotdog no'n sa freezer at siya ang nagpresintang magluto. Ang yabang pa ni tanga. Tapos ayon, tangina, pareho kaming tumikim ng hotdog na sunog ang labas at frozen pa ang loob.

"People change! I'm a skilled cook now, Cadence," pagmamalaki niya.

Ang angas talaga.

"Ang yabang mo!"

He grinned, pulling out some pans. "Tikman mo muna kasi."

"Ano? Tikman ang alin?!"

Hindi ko maiwasang sumigaw. Ano ba naman kasing tikman ang sinasabi ng tarantadong ito?

"Ang luto ko, Cadence. What are you think—" he tilted his head and his annoying smirk crept into his lips. "Wait! Are you thinking... something else, Cadence?"

"Huh?"

Muntik na akong marindi nang humalakhak ito na parang tuwang-tuwa siyang marinig na nag-isip ako ng kung ano sa sinabi niya.

Gago talaga.

"Ano bang iniisip mo? Tikman ako?"

Natatawa pa rin siya. Nang-iinis talaga.

I raised my middle finger. "Tangina mo, Verancia! Nasaan ba ang ipinagmamalaki mong mga gamit nang makapagsimula na ako. Ang lala mo!"

"You don't want to have a taste of me?" He's really teasing me.

Fuck him.

"Ulol!" sigaw ko, kahit tumalikod na.

“I’m more than willing to let you have a taste of me, Cade. Then tell me if I’m up to your standards!” he shouted after me as I headed back to the living room.

"Kahit maging babae ka hindi ka pa rin pasok sa standard ko!" hindi ako nagpatalo.

Hindi nga ba, Cadence?

Hmmm. Ano nga bang type ko sa babae?

Hindi naman ako kasing babaero ni Jacob, pero may mga natitipuhan pa rin. Parehong babaero si Paulo at Jacob, si Cedrix naman hindi rin nababakante pero hindi ganoon kahayok.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now