String 23

37.3K 1.1K 659
                                        

Strings Not Too Attached 23


"Sali kayo sa sayaw? Pau? Cob? Drix?" tanong ng blockmate naming si Nico.

Ako ang kumunot ang noo roon. "Bakit 'di mo ako inaya? Magaling naman ako sumayaw, ah?"

Umakbay si Nico sa'kin. "Oo nga, e. Kita ko nga 'yong tiktok mo, kastang-kasta ka ro'n pre, ah?"

"Ulol!"

"Pero gagi para saan 'yong sayaw?" tanong ni Cedrix.

"'Di niyo nabasa 'yong announcement? Nakapaskil na sa bulletin board, ah?"

"Na?"

"May performance dapat ang each department, either sayaw, kanta, or anything basta at least 10 members per department kahit anong year din. "

Tangina may gano'n?

E, sa second year isang section lang kami. Sa first year naman, dalawa. Sa third year ang marami at sa senior years. Kaso busy na iyon kaya siguradong hindi na sila sasali pa roon.

"So sayaw 'yong performance ng department natin?"

Tumango siya. "So far ng gustong mga sumali puro dancer, e, kaya baka dance performance na lang pero mas okay sana kung band performance kasi siguradong sayaw na ang sa Engineering."

Parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig. Sobrang lala ko na talaga. Nabanggit lang naman ang Engineering pero tingnan mo ako, all ears na nakikinig.

"Pa'no mo nalaman?"

"E, halos lahat ng member ng dance club puro galing sa Engineering department kaya sure 'yon."

"Kahit ba member ng dance club okay lang sumali sa performance ng each department?"

Tumango siya. "Sa ibinabang announcement, yes. Mayroon ding booth na i-a-assign per department pero bukas pa ibababa ang announcement, sila kasi ang mag-de-decide roon."

"Kailangan pa lang mag-meeting each department para makapag-usap anong year o kung sino-sino ang maa-assign sa booth na mapupunta sa'tin?"

"Omsim, par, nadale mo!"

"Kasali pa ba ako riyan?" tanong ko.

Kasi kung oo, ngayon pa lang sorry na lang kasi busy na talaga ako sa game at training kaya wala talaga akong maiaambag bukod sa suporta.

"Hindi na, pre, ipanalo mo na lang ang school this season, 'yon ang atupagin mo."

"So, ano, Pau? Drix? Cob? Sali kayo?"

Talaga bang pinipilit niyang si Nico na sumali ang tatlong bugok? E, kasing tigas ng pako ang mga katawan niyan. Pakembutin mo 'yang mga 'yan para kang nanood ng pader na sumayaw.

"Hoy! Huwag ka ngang tumawang hayop ka! Alam ko na nasa isip mo!" sita sa akin ni Paulo.

Nagmaang-maangan ako. "Oh! Anong ginawa ko? Wala naman akong sinasabi, ah?"

"Wala ngang sinabi pero iyong tawa mo nang-iinsulto na agad," sarkastikong sinabi naman ni Cedrix.

"Gago kasi, seryoso ba? Sasali kayo? Tangina, ipapahiya niyo lang ang department natin, e."

"Pakyu ka, pre! Shut up ka na lang. Baka magulat ka kapag nakita mo talent namin."

"Nakita ko na talent niyo at hindi siya mukhang talent," sagot ko.

Batok at mura ang natanggap ko mula sa kanila.

Desidido na ang tatlo na sumali sa magiging performance ng department namin, wala naman na akong sinabi dahil sabi nga nila, kapag kaibigan mo, suportahan mo.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now