Strings Not Too Attached 27
"Do you know my cousin?"
"Your cousin?"
"Yeah, you mentioned his name. Si Rave..." sagot niya.
Kahit hindi ako lasing, tanggal amats talaga sa nalaman ko.
"Si Rave? As in si Raven?" pag-uulit ko, gusto kong makasigurado.
Tumango siya, naguguluhan na rin sa akin.
"Yup. Raven, as in Raven Verancia. So, you know him nga?"
Tangina, ang bobo mo, Cadence!
Nuknukan ka ng kabobohan. Kung may mas tatanga pa sa'yo, ewan ko na lang.
Siguro no'ng nagpaulan ng pag o-overthink, katangahan, kabobohan, at pagiging inutil — siguro enjoy na enjoy akong naliligo at nakabatya pa.
Putanginang plot twist 'yan, sa'kin pa nangyari.
"So, magpinsan kayo?"
"Oo, pinsan ko siya. Narito nga siya, e, umalis lang kasi may kakausapin daw."
Kakausapin? Ako ba 'yon?
Malamang, Cadence. Ikaw ang kausap kanina, 'di ba? Baka magtanga-tangahan ka na naman?
Nanggigigil ako sa sarili ko — sa lahat. Ang gulo kasi niya, e. Pero ang tanga ko pa rin.
"So hindi mo siya boyfriend?"
She just gave me a disguting face. "Of course not! That's ew, bro, and I'm with my boyfriend," sabay turo sa lalaking medyo malayo na sa amin.
Kinausap niya kasi iyon at sinabing may pag-uusapan lang kaming dalawa at heto na nga, nililinaw niya na magpinsan sila at walang kahit na anong espesyal na relasyon sa isa't isa.
That explains why they're so touchy with each other. Close na close sila dahil magpinsan.
Bobo ko talaga.
"Akala ko talaga may something..." hindi ako makahanap ng mga salita. " 'Di ba sabi mo bibisitahin mo ang boyfriend mo?"
"Oo nga, same condo sila ni Rave, same floor pa."
Shit.
"Pero nakita ko ring magkayakap kayo at pumasok sa loob ng unit niya kaya akala ko talaga.....kayo," mahinang sagot ko, nawawalan ako ng lakas sa lahat ng nalalaman.
"Of course we're cousins, normal lang iyon sa amin dahil close kami. And, it was coincidence na nakita ko siya sa labas ng unit niya dahil may hinihintay raw siyang bisita pero when I hugged him, naramdaman kong nilalagnat kaya pumasok kami para asikasuhin muna siya... "
Hindi kaya ako ang tinutukoy niyang hinihintay ni Rave no'ng panahon na 'yon? At nilalagnat pa rin siya ng gabing iyon pero hinihintay niya pa rin ako sa labas ng unit niya.
Parang tinusok-tusok ang puso ko.
Ang dami kong pinagsasabing masasakit na salita sa tao tapos ang dahilan lang naman, e — ang katangahan ko?
"By the way, how do you know him? Friends?"
Kaibigan.
Kaibigan na naman. Kailan ko ba siya pwedeng ipakilalang boyfriend? Or kahit special someone lang okay na sa'kin.
"Yup," sagot ko. "And schoolmates."
Tumango-tango siya. "Andito siya, lumabas lang. Nakita mo?"
Nakausap pa nga, e. Pinagsalitaan ko pa nga ng kung ano-ano.
