String 17

32.9K 1K 533
                                        

Strings Not Too Attached 17



"Iyong huling pinuntahan na lang natin ang kuhaan natin ng mga materyales. Nakalista naman na ang mga kakailanganin at kung magkano, 'di ba?"

Tumango ito. Kumpara sa kaninang busangot niyang mukha, ngayon ay normal na ang ekspresyon niya. Nag-inarte lang ata si gago kanina.

"We’ll come back tomorrow. I’ll talk to my friends about the payment. You should talk to yours too."

Nahati na rin namin ang schedule maging ang gagastusin sa lahat ng materyales. Bibilhin na lang at ide-deliver sa University, may permit na rin naman galing sa school na pwedeng ipasok iyon.

"Hindi ako pwede bukas."

"Bakit?"

"May practice match kami sa isang University sa Cavite, iyong University na malapit sa school natin no'ng high school?" tanong ko, baka sakaling naaalala niya pa.

Tumango siya. "Oo, naalala ko. Ilang araw kang wala?"

"Baka isang taon," pagbibiro ko, seryoso pa rin ang mukha.

Kita ang gulat sa mukha nito. Bakit naman parang ayaw niya? Mami-miss niya ba ako?

"Isang taon? Bakit naman ang tagal?!"

Amp. Naniwala.

"Bakit? Mami-miss mo 'ko?" biro ko.

Tumitig muna ito pero ilang minutong hindi sumagot. Tipid akong nangiti.

Bakit pa ba ako nag-expect? Siyempre hindi niya ako mami-miss, sino ba kasi ako, 'di ba?

Asa pa more, Cadence!

"Sige na, bababa na ak—"

"Oo."

Huh? Oo raw? Oo raw at mami-miss niya ako?

Tangina.

Patayin niyo na ako, ngayon na. Hindi na ako makahinga, parang nasu-suffocate ako kahit may hangin naman sa loob ng sasakyan niya.

Hindi ko na pinilit ipaulit sa kaniya ang sinabi dahil ayokong isipin niyang binig deal ko pa. Baka rin mali ang dinig ko dahil mahina lang ang pagkakasabi niya no'n.

Tama tama, baka delulu lang ako.

Kahit parang ayaw pa ng katawan kong umalis sa sasakyan niya, pinilit ko. Kailangan ko pang mag-training. Ayos na rin dahil kanina habang nagmamaneho siya, ginamit ko ang oras na 'yon para pagmasdan siya.

Hindi pa naman ako gano'n kapatay na patay sa kaniya para mangulila ng isang araw sa kaniya, 'di ba?

"Bilis, team, may hinahabol tayong oras."

Alas-kuwatro ang call time namin ngayon dahil pagdating doon ng ala-sais ay may isang oras lang kaming warm-up tapos ala-siyete ay practice match namin sa unang team.

Dalawa kasi ang MVT ng University na makakalaro namin, though, hindi sila kasali sa schools na nagpa-participate sa University League.

Sabi ni coach, makakatulong din 'to sa school na makakalaro namin dahil dito malalaman kung sino ang mga magiging final player nila para naman sa upcoming Local College League na kasali sila.

Noong akala ko hindi ako makakapag-aral sa Manila at mananatili lang sa Cavite, balak ko rin talagang dito sa school na makakalaban namin mag-college.

Advance nga ako mag-isip no'n at inisip ko na agad kailan ang try-out at kompiyansang tanggap agad ako at makakalaro sa LCL.

Pero mabait talaga ang tadhana. Akalain mong hinayaan ako ni nanay sundin ang pangarap ko. Tumuloy ako sa Manila para sa college, swerte naman na nabigyan ako ng pagkakataon maging scholar nang makapasok sa team.

Strings Not Too AttachedWhere stories live. Discover now